Vilma Santos says Ekstra is not the right project with son Luis Manzano and his girlfriend Jennylyn Mercado

Pagkatapos niyang gawin ang Ekstra ay gusto ulit lumabas sa isang indie film ng Star For All Seasons na si Vilma Santos. Pero mukhang matatagalan pa bago ito masundan dahil inamin ng actress-politician na ang lalawigan ng Batangas ang kanyang prayoridad ngayon.


Nanghihinayang si Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto na hindi niya personal na natanggap ang kanyang kauna-unahang Best Actress award sa Cinemalaya para sa kanyang kauna-unahang indie film, ang Ekstra, directed by Jeffrey Jeturian at produced by Quantum Films.

Paliwanag ni Ate Vi, “Oo nga, e, kaya lang wala akong choice, e, nawala lahat yung mga tao ko.

"Kasi alam ko, gagamitin namin yung Sabado at Linggo [para sa activities ng Ekstra], so nung magpaalam yung mga tao ko kung puwede bang mag-off, sabi ko, ’Sige, okay lang.’

"Dahil nga Saturday, Sunday may trabaho kami lahat, e, puwera pa yung Batangas ko.

"E, nung bandang hapon, ‘Gov, baka sakali [manalo ka], pumunta ka dito.’

"’E, hindi ako makakapunta, wala po akong tao, ako lang ang nandito sa bahay ngayon. Pati asawa’t anak ko, naggu-golf.’

"You know, at the end of the day, what’s important I guess is kung na-appreciate yun… whether you’re there or not, ibibigay iyan sa iyo.

"That’s why I would like to thank Cinemalaya.

"Sana nga mas maganda nandoon ako, unfortunately nagkaroon ng miscommunication.

"Pero yung ginawa ng Cinemalaya na pagre-recognize doon sa pinaghirapan ko, maraming-maraming salamat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Vi pagkatapos ng presscon ng Ekstra na inorganisa ng Star Cinema kahapon, August 8, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ginanap ang awards night ng Cinemalaya noong Agosto 4. Pero nakuha lang ni Ate Vi ang kanyang award kahapon sa presscon.

Mismong sina Direk Jeffrey at Atty. Joji Alonso ng Quantum Films ang nagbigay kay Ate Vi ng kanyang trophy.

NO TALENT FEE. Bakit ngayon lang siya napapayag gumawa ng indie film?

Paliwanag ng actress-politician, “Matagal ko nang gusto.

"Nanonood ako ng ibang indie film. Kaya lang hindi ako nakakakuha ng tamang script.

"Till yun nga in-offer lang sa akin yung Ekstra, parang isang sabi lang sa akin ni Atty. Joji, ‘Vi, may io-offer ulit kami sa iyo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga binanggit niya for three years iba-ibang script na ang ibinibigay niya.

"Tapos nung sinabi niyang Ekstra, tungkol sa ekstra sa pelikula, yun na.

"Kasi siyempre, modesty aside, lagi akong bida, ang tagal ko nang nagpepelikula.

"Ngayon, isa akong ekstra, kaya sabi ko, ‘Attorney, give me the script.’

"Siguro in a week time, done na yung deal.”

Dahil sa kagustuhan ni Ate Vi na gawin ang Ekstra, hindi nga raw naging problema ang talent fee niya. Kay Atty. Joji mismo nanggaling na hindi raw nagpabayad ng talent fee si Ate Vi.

Saad naman ng Star For All Seasons, “Tinatanong nga nila magkano ba ang share kasi eto lang ang budget diyan, ganyan-ganyan.

"Sabi ko, hindi, pag-usapan natin ano yung gagawin natin sa indie film, not even the talent fee.

"Kasi sabi nila, ‘Eto lang ang maibibigay namin sa iyo.’

"Sabi ko, ’Hindi natin kailangan pag-usapan iyan. Ang gusto ko lang pag-usapan, ano ang puwede nating magawa para maipagmalaki natin yung indie film.’”

Nagtagumpay naman sila sa goal nila na makagawa ng isang magandang pelikula tungkol sa mga ekstra.

Tuwang-tuwa nga si Ate Vi dahil na-achieve niyang gumanap at magmukha talagang ekstra sa kabila ng estado niya bilang Star For All Seasons.

Pagkatapos nga ng mga parangal at pagiging box-office hit sa Cinemalaya, ngayon ay handa nang i-conquer ng Ekstra ang mainstream dahil mapapanood na ito sa mga sinehan natiowide sa August 14.

OPEN FOR MORE INDIE FILMS. Ngayong nasimulan na niya sa Ekstra, ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy na ang paggawa niya ng indie films?

Tugon niya, “I really don’t mind. But the thing is… the problem is my time.

"Talagang harass na harrass ako when I was doing Ekstra kasi twelve days lang, ang shooting ko every Saturday lang.

"Kaso nga, from 7 a.m. till 7 a.m. the next day, puwera pa yung travel time, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Travel time is three hours from Alabang to Calatagan [Batangas], from Alabang to Balic-Balic. So, it’s physically draining.

"But you see, pag gusto mo yung ginagawa mo, gagawin mo, e, kahit hirap ka physically plus yung trabaho ko sa Batangas.

"Which means hindi ganun kadali.

“Gusto ko, I’m still an artist. But right now my priority is still Batangas.

"This is my last term at ibinigay ulit sa akin ng Batangueño ang tiwala nila, so they are my priority.

"Ngayon, pag naging maayos ang serbisyo ko at may time to do another one, why not?

"Pero ang priority ko this last three years is ibalik yung tiwalang ibinigay sa akin ng Batangueño, which means to really serve them well sa abot ng aking makakaya.”

LUIS AND JENNYLYN. Maraming big stars ang “umekstra” o nagkaroon ng guest appearance sa Ekstra; katulad nina Marian Rivera, Piolo Pascual, Richard Yap, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Eula Valdes, at Pilar Pilapil.

Bakit ang anak niyang si Luis Manzano ay hindi nag-ekstra?

Sabi ni Ate Vi, “Ayoko naman kasi na sa akin manggaling kasi may idea sina Atty. Joji.

"Ayoko naman na, ‘Hoy, kunin mo yung anak ko.’ Ayoko naman nun, parang hindi yata maganda.

"So, hindi ko na naisip yun. Marami pa naman pagkakataon na makasama ko yung anak ko sa pelikula.”

Nagkasama na sina Ate Vi at Luis sa Star Cinema movie na In My Life noong 2009 with John Lloyd Cruz.

Pati nga rin daw si Jennylyn Mercado, na girlfriend ni Luis, ay hindi niya napag-ekstra.

“Hindi naman kasi ako ang nag-imbita. Si Atty. Joji, being the producer ng Quantum, ang nag-imbita ng mga big stars.”

Gusto man daw makasama ni Ate Vi sina Luis at Jennylyn, sa tingin niya ay hindi tamang proyekto ang Ekstra.

“There’s still a proper time and project for them, not necessarily na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas ayoko nga, e, kasi pag nakita si Lucky [palayaw ni Luis], lalabas yung Vilma, e. Alam mo yung ibig kong sabihin?

"Pag nakita mo sa pelikula [si Luis], ang iimadyinin mo kaagad, nanay niya si Vilma, e, di sira na yung character ko kaagad.”

AN EXTRA TO A YOUNG STAR. Kung mabibigyan ng chance si Ate Vi na mag-ekstra sa isang young star, kanino siya mag-e-ekstra?

“Lahat sa kanila!” sabay tawa niya, na halatang gustong iwasang sagutin ang tanong.

“Basta maganda yung script kahit katulong nila ako, basta maganda yung role at script, okay lang.”

Kanino kaya?

“Basta kahit sino… lahat sila.”

Anong role ng ekstra naman ang gusto niya?

Sabi ni Ate Vi, “Katulong… gusto ko yung katulong ako, yung ako ang magsisilbi sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN