Marian Rivera renews contract with GMA-7

Marian Rivera explains why she decided to remain a Kapuso: “Dahil walang dahilan para umalis ako sa GMA. Dahil isa lang ang gusto ko at maramdaman—ang pagmamahal at ibinigay nila sa akin yun. Ramdam ko yun.”


Muling pumirma si Marian Rivera ng isang three-year network contract sa GMA-7 kaninang tanghali, August 10, sa East-West Room ng Manila Golf & Country Club, Forbes Park, Makati.

Hindi maitatanggi ang pagiging “reyna” ni Marian sa Kapuso network dahil sa ginanap na contract signing, nagkasama-sama at dumating lahat ng top executives ng network; kabilang na sina GMA-7 Network Chairman and CEO Atty. Felipe L.Gozon, President and COO Mr. Gilberto Duavit, at Executive Vice-President and CFO Mr. Felipe Yalong.

Kasama naman ni Marian ang manager niya na si Rams David ng Triple A Management at ang anak ni Mr. Tony Tuviera na si Mike Tuviera.



HAPPY AND PROUD TO BE KAPUSO. Nang makausap nga ng entertainment press si Marian pagkatapos ng contract signing, hindi nito itinago ang kasiyahan sa desisyon na pumirmang muli sa GMA-7 at ipagpatuloy ang pagiging Kapuso niya.

Ayon kay Marian, “Siyempre, napakasarap ng pakiramdam ko na muli akong pumirma sa GMA.

“Bilang alam naman nating lahat na ang GMA, e, malaki ang utang na loob ko... na kung hindi naman dahil sa GMA, e, wala rin Marian Rivera na mabubuo.”

Sa susunod na linggo pa lamang daw malalaman ni Marian ang mga proyektong gagawin niya sa kanyang bagong kontrata sa Kapuso network.

Aniya, “Yes, alam kong merong ilalatag sa akin this week yata ang mga boss ng GMA. Kung anong soap ang gagawin ko at sitcom.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung nag-isip muna siya nang husto bago siya muling pumirma sa GMA-7.

Sagot niya, “Nag-isip? Well, to be honest, lahat naman ng bagay, pinag-iisipan. Pero, hindi pinag-isipan ng sobrang daming beses.

“Siyempre, wala akong ibang pupuntahan kung hindi ang GMA at dito ako nabibilang.

"Kapuso ako at dito nagsimula ang lahat, which is Marimar, at GMA ang nagbigay sa akin noon.”

Hindi rin naman itinanggi ni Marian na may offer siyang natanggap mula sa ibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, hindi ko naman itatanggi, meron po,” sagot niya.

Ano ang naging “deciding factor” niya para hindi umalis sa GMA-7?

“Dahil walang dahilan para umalis ako sa GMA. Dahil isa lang ang gusto ko at maramdaman—ang pagmamahal—at ibinigay nila sa akin yun. Ramdam ko yun.”



PLANS. Ngayong panibagong tatlong taon ang muli niyang pinirmahan na exclusive network contract sa GMA-7, may mga naiisip ba siya na hindi pa niya nagagawa at gusto niyang gawin ngayon?

Sabi ni Marian, “Siyempre, bilang artista, marami rin akong gustong gawin.

"Pero magkakaroon kami ng meeting ng GMA kung ano ang ilalatag nila para sa akin at doon lalabas sa akin kung ano ang mga gusto naming gawin.

“At siguro, mas maganda kung hindi muna namin sabihin, para naman kahit papaano, e, ma-excite namin ang mga manonood.”

Ano ang una niyang gagawin?

“Ang una kong gagawin, for sure, magkakaroon ako ng soap opera. Kailangan this year ’yan.

“Dahil matagal na rin akong napahinga galing sa Temptation of Wife. Malamang this year at sana po.”

Natawa si Marian dahil siya na rin daw ang sumagot na "this year" ang susunod niyang soap sa network.

WILL DINGDONG REMAIN A KAPUSO TOO? Bukod kay Marian, ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes ay ngayong August na rin ang expiration ng kontrata.

Wala pa ring makapagsabi kung pipirma ba itong muli sa GMA-7 o sa ibang network na.

Pero sa pagpirmang muli ni Marian bilang Kapuso, posible kayang sumunod din sa kanyang yapak si Dingdong?

Sagot ng aktres, “Well, to be honest, partner ko si Dong. Pero, may sarili siyang pag-iisip.

"At bilang respeto sa manager niya, e, hindi natin alam kung ano ang desisyon niya.

“Hindi natin alam. Puwedeng magkahiwalay, puwedeng magkasama.

“So, sila ang magde-decide niyan.

“Basta ako, okay ako, nasa GMA ako.”

May napag-uusapan naman siguro sila ni Dingdong kung ano ang mga plano nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, bilang respeto nga, sinasabi ko na hindi ko talaga alam. Yun ang sinasabi ko.

"Hindi ko kayo binibigyan ng assurance na parehas kami na nasa GMA. Pero, hindi ko alam,” muling paglilinaw niya.

Malaking factor ba na pumirma siyang muli sa GMA-7 para si Dingdong din ay ikunsidera na pumirma rin muli sa network?

Sabi ni Marian tungkol dito, “Ay, hindi e, kasi depende rin sa sitwasyon namin at depende rin sa kanila at sa manager niya kung saan ang gusto nila.

“Hindi naman porke’t nandito si Marian Rivera, kailangan nandito rin si Dingdong Dantes. So, nasa kanila ’yan.

“Basta kami nila Ateng, nila Tatay, nandito kami sa GMA.”

Malulungkot ba siya kung sakali at sa ibang network pumirma si Dingdong?

“Ay, siyempre naman, siyempre naman. Oo naman.

"Pero still, ayoko na rin pag-usapan bilang respeto sa manager niya at kay Dong din.

"Dapat, sila na lang ang sumasagot sa mga ganyang bagay.”

Pero nasabi noon ni Marian na mas maganda sana kung magkasama sila sa iisang network.

“Well, maraming nagbabago sa kung anumang dahilan. Tingnan natin.

"Ang importante, nasa GMA ako at Kapuso pa ako, di ba? Yun ang importante sa akin,” sabi niya.

Ano ang sinabi ni Dingdong nang malaman niyang sa GMA-7 pa rin si Marian?

“Well, masaya siya para sa akin. Love naman ako ng GMA and ever since naman, hindi ako pinabayaan ng GMA. So, walang dahilan para umalis ako or iwanan ko sila.”

PLANS FOR MARIAN. Nang hingan naman ng pahayag si Attorney Felipe L. Gozon tungkol sa muling pagpirma ni Marian sa GMA-7, nabanggit nito na maganda raw ang mga plano ng network kay Marian.

Si Marian din daw ang tunay na "reyna" ng Kapuso network at patunay nito ang presence ng lahat ng top executives. At hindi raw sa boardroom ng GMA-7 ginawa ang contract signing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Favoritism!” ang natatawang biro naman ni Marian sa narinig na salita mula sa big boss ng GMA-7.

Ano ang masasabi ng aktres na mula mismo kay Atty. Gozon ay siya ang "reyna" ng GMA-7?

“Nakakatuwa kasi hindi ko ini-expect na lahat sila ay pupunta rito.

“Parang sa puntong nandito silang lahat ay parang blessed na ako at palagi kong sasabihin sa sarili ko na proud akong maging Kapuso,” pagmamalaki ni Marian.

Naitanong din kay Marian kung sa panibagong kontrata niya sa GMA-7 ay gugustuhin din niyang magkaroon ng sariling talk show.

“Talk show? Wow, maganda ho ’yan.

"Pero, siguro po, bago ako pumasok sa bagay na ’yan, e, magwu-workshop muna ako.

"Gusto ko ho, handang-handa ako kapag mga ganyang pagkakataon,” saad niya.

Posibleng maraming pagbabago ang makikita sa kanya ngayon?

“Maraming pagbabago? Well, nakita n’yo na, may bago akong hairdo. May iba akong ina-apply na mga exercise.

“Kasi, gusto ko, bawat ano, nagbabago. Pero nagbabago sa mas mabuting paraan at sa mas magandang Marian Rivera,” sabi niya.

KASAL. Madalas na rin napag-uusapan at naitatanong kina Marian at Dingdong ang tungkol sa kasal.

Kaya ang tanong kay Marian: Hindi ba nakalagay sa kontratang pinirmahan niya na hindi pa siya puwedeng magpakasal sa loob ng tatlong taon?

Sagot niya, “Alam ninyo, ’yan ang isa sa ipagmamalaki ko sa GMA.

"Bukod sa pagmamahal nila, sobra silang maunawain at hindi basehan ’yan sa kanila kung ano ang isang artista.

“As long as nakaka-deliver, marunong makipagkapwa-tao at alam niya kung saan siya poposisyon bilang artista.”

Tungkol pa rin sa kasal, sinabi naman ni Marian na siyempre ay hindi naman puwedeng habambuhay ay “single” siya.

“Ngayong magtu-twenty-nine years old na ako sa August 12, hindi naman habang-buhay, kuwarenta-anyos na ’ko ay wala pa ring pamilya.

“Siyempre, lahat naman ng babae, nangangarap na magkaroon ng pamilya.

"Lalo na ako, broken family ako, isa yun sa pangarap ko sa buhay ko,” asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY PLANS. Sa August 12, Lunes, ang 29th birthday ni Marian.

Maaari na ba siyang magsabi kung ano ang mga mangyayari sa mismong kaarawan niya?

“Hindi ko alam ang mangyayari sa August 12, pero bukas, aalis kami ni Dong.

"Basta tinext lang niya ’ko na ’eto ang mga dadalhin mo... Swimsuit, formal dress. Talagang in-enumerate niya sa akin,” sabi ni Marian.

Sa ibang bansa raw siya dadalhin ni Dingdong.

Hanggang sa mismong kaarawan na ba niya ito?

“Hindi ko alam. Basta kailangan kong umuwi, [August]14 nandito na po ako.

"Kailangan niyang magtrabaho at pati rin ako, magsisimula na ang kontrata ko.”

Silang dalawa lang ba ni Dingdong ang aalis?

“Yun ang hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung kasama si Nanay, si Mama ko or pati Tatay ko tinawagan niya.

“Yun pala si Sir [sabay turo sa mga katabing sina Atty. Felipe L. Gozon at Mr. Jimmy Duavit]!” natatawang sabi niya.

Dugtong niya, “Hindi ko alam. Palagi naman akong open sa inyo bilang mahal ko naman kayo at hindi naman ako naglilihim.

“Napaka-transparent kong tao. Kapag tinanong ninyo naman ako, sumasagot naman ako.

“If ever na anumang bakasyon o sorpresa ang ibigay sa akin ni Dong, sasabihin ko naman sa inyo. I-Instagram ko naman. Ako pa, addict ako sa Instagram.”

Ngayong kaarawan niya, may wish pa ba siya?

“Palagi kong sinasabi, ang isang tao ay hindi nauubusan ng wish talaga.

"Pero siyempre, ang wish ko ngayong taon na ito ay hindi para sa sarili ko.

“Pero siguro, soon na lang ninyo malalaman kung ano ang wish ko, kung ano ang gusto kong gawin—pero hindi para sa akin,” makabuluhan niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN