Atty. Felipe Gozon on Marian Rivera’s contract renewal with GMA-7: “Para sa kanya naman, I think, malayo pa ang mararating ni Marian. Malayung-malayo pa.”

Atty. Felipe Gozon (4th from left, with L-R: Felipe Yalong, Gilberto Duavit, Marian Rivera, Rams David and Lilybeth Rasonable) on Marian Rivera: “Talagang mahal namin siya. Hindi lang bilang artista, bilang tao rin. Mabait si Marian. Ang importante rito, yung mga talagang kamukha niyo, nandito kayong lahat ngayon. Bakit kayo nandito, dahil kay Marian. E, pumipirma sa amin. Hindi naman pumipirma sa iba. At gaya ng sinabi ni Marian, happy naman siya at kami ay happy sa kanya.&am


Present sa ginanap na contract signing ni Marian Rivera ang dalawang “big bosses” ng GMA-7 na sina GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon at President and COO Gilberto “Jimmy” Duavit. Nandoon din ang Executive Vice President at CFO na si Mr. Felipe L. Yalong at iba pang executives ng GMA-7.

Sa halip na sa GMA-7 ginanap ang pirmahan ng bagong network contract ni Marian, sa East-West Room ng Manila Golf and Country Club sa Forbes Park ito idinaos at sa harapan ng ilang imbitadong entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nang tanungin si Marian kung bakit niya pinili pa rin na pumirma sa GMA-7, isa sa dahilang ibinigay nito ay ang nararamdaman daw niyang pagmamahal sa kanya ng network.

Pagkasabi ni Marian nang bagay na yun, ang dalawang bosses ng GMA na sina Atty. Gozon at Mr. Duavit naman ang hiningan ng reaksiyon sa naging pahayag ni Marian.

“I agree!” ang naging paunang tugon ni Attorney Gozon; dahilan para matawa ang karamihan.

Sabi pa niya, “Talagang mahal namin siya. Hindi lang bilang artista, bilang tao rin. Mabait si Marian.”

Hiningan din si Atty. Gozon kung may mensahe raw siyang gustong iparating sa mga taga-suporta ng Kapuso network bilang ilan na rin sa malaking artista ng network ang lumipat sa ibang istasyon pero si Marian ay nananatiling “loyal.”

Sabi naman ni Attorney Gozon, “Wala namang masyadong umiiwan sa amin.

“Ang importante rito, yung mga talagang kamukha niyo, nandito kayong lahat ngayon. Bakit kayo nandito, dahil kay Marian.

“E, pumipirma sa amin. Hindi naman pumipirma sa iba. At gaya ng sinabi ni Marian, happy naman siya at kami ay happy sa kanya.

“Para sa kanya naman, I think, malayo pa ang mararating ni Marian. Malayung-malayo pa.”

Mahihigitan pa rin kaya ng mga proyektong darating kay Marian ang mga nagawa na niya noon sa GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap hong sabihin ngayon dahil wala na kayong aabangan. Pero, magaganda yung mga naka-plano kay Marian.

“Parang siya ang queen ngayon. Siya ang tinatawag na queen. At kung makikita niyo, nandito kaming lahat.

“Hindi niyo ba nahahalata, hindi ito GMA board room?” biro pa niya.

At dahil kaarawan na ni Marian sa August 12, tinanong na rin si Atty. Gozon kung ano ang birthday wish niya para sa Kapuso star.

Ayon dito, “I wish her all the success. A good marriage. And to stay being herself.”

Napasigaw naman si Marian sa tuwa nang marinig ang wish ng boss niya sa GMA-7.

Sa panig naman ni Mr. Duavit, natutuwa ito sa loyalty na ipinapakita raw ni Marian sa GMA-7.

Sabi nga niya, “Well, inspiration naming lahat ang sense of loyalty ni Marian.

“At sa pagkakataong ito, ibig naming iparating sa kanya, kay Rams [David], kay Mr. [Tony, Marian’s current manager] Tuviera ang aming taos-pusong pasasalamat...

“Sa patuloy niyang pagtitiwala na nakakasiguro naman si Marian na aming isinasapuso ang kanyang mas lalong pagsulong, paglago bilang isang entertainer and artist.

“So, we’re very, very happy.”

Sa susunod na tatlong taon ni Marian bilang Kapuso, ano pa ang mga dapat abangan dito?

“Well, sa pananaw namin, it’s [the] further evolution of Marian. There will be close cooperation and coordination with Marian and her management.

“And with all her endeavors, we’ll make sure for Marian’s further growth in her career.

“So, magsasanib-puwersa ho tayong lahat sa likuran niya.”

Sinegundahan naman ni Mr. Duavit ang birthday wishes ni Attorney Gozon kay Marian.

Aniya, “Sinesegundahan ko ang wish ni FLG para kay Marian. Happiness, success and good health.”

Dahil sa mga narinig na pahayag ng dalawang may-ari ng network, nasabi tuloy ni Marian na, “See? Ano ang dahilan, binigay ng GMA ang lahat sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naturang contract signing, binigyan din si Marian ng birthday cake at pinag-wish katabi ang mga bosses ng network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN