Atty. Annette Gozon-Abrogar on the possibility of "forgiving" Sarah Lahbati: “Siyempre pag nakikita ko ang totoong remorse, I think I’m open to forgiving.”

Atty. Annette Gozon-Abrogar expounds on the possibility of forgiving Sarah Lahbati and dropping all cases involving her: “Kung sasabihin lang niya ang lahat, ang totoo, baka… Kasi hindi naman ako yung type na tao na matigas or mapang-away. Hindi ako nang-aaway talaga, e. As much as possible lahat naman ng mga taga-showbiz na nakakatrabaho at nakakausap ko, alam naman nila na accommodating ako, at lahat… kung kaya kong ibigay, ibibigay ko. Wala akong inaaw


Present ang top executives ng GMA Network sa muling pagpirma ng kontrata sa kanila ni Marian Rivera kaninang umaga, August 10, sa Manila Golf and Country Club sa Forbes Park, Makati City.

Naroon sina CEO and Chairman Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit, EVP and CFO Felipe Yalong, OIC on Entertainment TV Lilybeth Rasonable, VP-Entertainment TV Marivin Arayata, Gigi Santiago, Redgie Magno at GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Annette at isa siya sa natutuwa sa ipinakitang loyalty ni Marian sa GMA-7.

Pahayag niya, “Ang pagtrato naman talaga namin sa mga Kapuso stars, kaibigan. It’s not parang professional lang, it goes beyond that.

“So, siyempre pag may mga ganyan gustung-gusto naming mag-stay sila dahil may pinagsamahan talaga.

“So, we’re very happy na ang isang artista na katulad ni Marian talagang nag-stay, kasi alam ko namang na-appreciate niya yung pagtrato namin sa kanya.

Nilinaw nitong lahat naman daw na mga artista ng Kapuso network ay tinatrato nila nang tapat

“Lahat naman ng mga stars na nakakatrabaho namin ay ang trato namin sa kanila ay hindi lang as GMA and the star, kundi totoo talaga ang trato ko sa kanila...

“Na I respect them, I really want to help them, at sincere talaga ako sa pakikitungo sa kanila,” saad niya.



SARAH LAHBATI ISSUE. Dumako ang usapan namin sa isyu nito kay Sarah Lahbati kunsaan umabot sa demandahan ang dati nilang magandang samahan.

Nag-isip sandali si Atty. Abrogar nang tinanong namin kung open ba siya sa pakikipag-ayos kay Sarah kung sakaling lumapit ito sa kanya at makipag-ayos para hindi na lumala pa ang gulo at madagdagan ang problema.

“Kung sasabihin lang niya ang lahat, ang totoo, baka…” nag-isip muna siya sandali bago niya itinuloy ang susunod niyang sasabihin.

“Kasi hindi naman ako yung type na tao na matigas or mapang-away. Hindi ako nang-aaway talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as possible lahat naman ng mga taga-showbiz na nakakatrabaho at nakakausap ko, alam naman nila na accommodating ako, at lahat…

“Kung kaya kong ibigay, ibibigay ko. Wala akong inaaway, wala akong inaapakan.

“Except for this instance, siyempre pag may ginawa sa ’yong mali na legally mali, hindi naman puwedeng pabayaan mo yun, e. Kasi kailangan mong ayusin dahil para na rin sa taong yun.

“Hindi mo puwedeng pabayaan na pabayaan mo na lang sila palagi. It’s for their own [good], what I’m doing.

Sabi pa nito, “Kung sinasabi mo na baka mag-sorry o kunwari sabihin talaga ang lahat na totoo, siyempre pag nakikita ko ang totoong remorse, I think I’m open to forgiving. Kasi hindi naman ako yung taong basta ano lang…”

FOLLOW-UP CASE. Pero mukhang malabo pa ang ideyang pag-aayos, kaya may inaasahang kasunod pang demandang ihahain si Atty. Abrogar laban kay Sarah.

“Sinabi ko naman na I’m going to file cases. Tinatapos ko lang because lawyer ako, kaya ako mismo ang gumagawa ng complaint. Kasi siyempre gusto ko na sigurado ako sa lahat na ipa-file ko.

“Siguro in a week or two, ipa-file ko na yun,” sabi ng GMA Films president.

Hindi pa niya dinetalye kung anong kaso ito, pero sinabi niyang may isasampa siyang panibagong kaso laban kay Sarah at sa legal counsel nitong si Atty. Maggie Abraham.

“Kasi ayoko naman magpaapi. Ba’t naman ako aapihin, wala naman akong pinapakitang masama ever.

“So, nandiyan kasi ang mga batas dahil may purpose silang sini-serve.

“Nagpuprotekta sila ng mga rights na inaapakan. Naiintindihan ko talaga yun, e, kaya gagamitin ko yun to protect my own rights,” deretsong saad ni Atty. Abrogar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN