Solenn Heussaff recalls meeting Cesar Montano when she was only thirteen; confesses, “Super intimidating siya. Guwapo.”

Solenn recounts meeting Cesar Montano during her awkward teenage years: “Dati super kinakabahan ako. I met him, thirteen-years-old pa ’ko. Kasi, yung Dad ko, co-produced Rizal dati. So, na-meet ko siya sa set ng Rizal. Bata pa ’ko. Super intimidating siya. Guwapo. Tapos ngayon, kasama ko siya sa soap, kailangang mag-level up ang acting ko.”


“I’ve been dreaming it since forever,” ang masayang sagot ni Solenn Heusaff nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na launching niya bilang pinakabagong Bench Body endorser sa basement ng Bench Tower sa The Fort, Taguig City noong Huwebes, August 8.

Ayon pa kay Solenn, “Lahat ng friends ko, nandito na, so excited naman ako.”

Kabilang na ngayon si Solenn sa mga celebrities na napakaraming endorsement. Biro nga namin sa kanya, puro billboard na niya ang nakikita sa kahabaan ng EDSA, pati na rin sa mga bus.

“Pati bus? Wow! Naks naman!” ang masaya niyang sabi.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nagagawa pa rin daw ni Solenn na mapanatili ang “privacy” niya bilang isang tao.

Aniya, “Gusto ko talaga ang privacy ko, kapag walang trabaho, sa bahay lang ako.

Bench Body ang ine-endorso ni Solenn kaya siguradong marami ang aasa na sexy o naka-bra at panty lang siya sa mga billboards niya na maglalabasan.

“Depende sa MTRCB,” sabi pa niya.

“Pero sa pictorial ko naman, very classic, wala masyadong things sa set. May ladder lang. Naka-bra at panty.

“Pero, I think yata, baka sa billboard, baka covered ang body o covered ang bottom kasi, hindi puwede ang dalawa.”

Sa kanya, wala namang problema kung naka-bra at panty lang siya sa billboard?

“Sa akin, walang problema. Kumportable ako. Kasi, kung nasa beach ka, bikini. So, pareho yun ng panty.”

Rarampa na siya sa Bench Underwear Fashion Show?

“Yeah,” nakangiting sabi niya.

“Puwede na ako sa Bench Body Fashion Show. Next year pa, matanda na ’ko.”

Malaking bagay ba na ang mga kaibigan niya ay Bench endorsers kaya gusto niyang makasama rin sa pool of celebrity endorsers ng Bench?

“Hindi, gusto ko talaga si Ben Chan. He’s nice. He’s always invited me to dinner at his house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, yung first time na kumanta ako in public, sa bahay niya. Sa isang, I think, birthday niya yata. May banda. Tapos sabi ko, sige, freestyle na lang tayo.

“Tapos yun, kumanta ako ng French song.”

Ang French song na sinasabi ni Solenn ay ang “Mon Mec A Moi” na isa sa kinanta rin ni Solenn noong launching niya dahil para sa kanya, “significant” daw ang kantang yun sa pagiging endorser niya ngayon ng Bench.

WORKING WITH CESAR MONTANO. Kasama rin si Solenn sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Akin Pa Rin Ang Bukas na pagbibidahan ni Lovi Poe.

Nakapag-first taping day na raw siya para rito.

Kuwento ni Solenn, “Yung character ko sa soap, girlfriend ako ni Cesar Montano. Half-half. Mabait naman ako, pero nagkaroon ng change of heart.”

Unang pagkakataon nga raw na makaka-trabaho niya si Cesar.

Pero ayon kay Solenn, “Dati super kinakabahan ako. I met him, thirteen-years-old pa ’ko. Kasi, yung Dad ko co-produced Rizal dati.

“So, na-meet ko siya sa set ng Rizal. Bata pa ’ko. Super intimidating siya. Guwapo. Tapos ngayon, kasama ko siya sa soap, kailangang mag-level up ang acting ko.”

Natatandaan naman daw siya ni Cesar at sabi nga raw nito, malaki na siya.

Hindi kaya ma-attract sa kanya si Cesar?

Natawa ito saka sabi nang, “Siyempre, may boyfriend ako.”

Paano pala kung ang boyfriend niya na si Nico Bolzico ay alukin din ng Bench na maging modelo ng Bench Body?

“Ayaw niyang mag-model at saka, ayaw ko rin siya [na makita] sa public.”

For her eyes only?

“For my eyes only,” natatawa niyang sabi.

ALBUM LAUNCH. Halos magaganda lahat ang nangyayari sa personal at propesyunal na buhay ni Solenn. Bukod sa pagkakaroon ng masayang lovelife, career-wise, may bago siyang primetime soap at ilulunsad na rin ang bago niyang album ngayong August 26 under MCA Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seven original songs daw yun at may Tagalog song na “Diva,” na ipinarinig na rin ni Solenn noong launching niya ng Bench.

Bukod dito, may sarili rin daw siyang komposisyon.

“It’s called, “Never Met A Man.” It talks about guys na akala nila, super astig sila, pero, ang totoo, walang kuwenta.”

Base ba yun sa totoong karanasan niya?

“Siyempre,” nakangiting pag-amin niya.

Eh, yung “Diva?”

“Diva is about sa artista or people na may attitude. “

Marami na ba siyang naka-engkuwentro na may “Diva” attitude?

“Hindi naman marami, mga dalawa lang,” lahad niya.

Gusto ba niyang maka-trabaho silang muli?

“Yeah, at least, nagiging inspirasyon ko sila sa song ko.”

MOVIE. Meron din siyang bagong pelikula, Status: Complicated. Remake raw ito ng pelikulang Salawahan.

Kunsaan, makakasama niya sina Maja Salvador, Paulo Avelino, Eugene Domingo at Jake Cuenca.

Sabi ni Derek Ramsay, magkaka-pelikula raw sila?

“Ay, hindi ko alam. Hindi ko alam.”

Kung sakali nga at magkakaroon sila ng pelikula ng ex-boyfriend niya, okay sa kanya?

“Sa akin, keribels ako. You know me, I’m always game for anything.”

Yung boyfriend niya, okay lang din kaya na magsama sila ni Derek?

“Okay lang siya, hindi siya seloso,” paglinaw niya.

WEDDING PLANS? Dalawang taon na rin ang relasyon nila ng boyfriend.

Wala pa ba silang planong pakasal?

“Kung may plans, hindi ko sasabihin sa public,” natatawa niyang sabi.

“When we started kasi, private naman ako. Hindi naman ako from showbiz family. Kailangan kong mag-adjust para sa showbiz. Pero, it doesn’t mean I have to na ipalabas ang lahat.”

Sino kaya ang mauuna sa kanila ng kanyang kapatid na si Erwann Heusaff na magpakasal?

“Siyempre ako,” sabi naman niya.

Sabi namin kay Solenn na tila dalawang taon pa lang ang nakararaan, pero gusto na niyang magpakasal?

“Sino, ako? I never wanted, pero, ready naman ako. Gusto ko thirty something. Two years pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali at mag-propose ang boyfriend niya, nakahanda na naman siya?

“Sana, hindi ko alam kung magpu-propose siya,” natawang sabi pa niya.

Naniniwala naman si Solenn na hindi porke’t nagpakasal ang isang babae ay kailangan na niyang i-give up ang career niya.

Sabi nga niya, “Bakit kailangang i-give up ang career? It’s just a piece of paper lang ’yan at magandang ring.”

Pero nilinaw niya na naniniwala siya sa kasal.

“I believe in marriage. Pero, I don’t believe in marriage para gumanda ang relationship. May mga taong kilala rin ako na may tatlong anak na sila, forty-five years together, pero, hindi sila kinasal,” kuwento niya.

Kung magpapakasal man daw si Solenn, gusto raw niya ay sa ibang bansa.

Natatawa nitong sabi, “Kapag dito, maraming guest, ayoko. Gusto ko, thirty, forty [guests only]. Gusto ko lechon, sinigang, barefoot. Ayoko ng 5-Star. Gusto ko beach or mountain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN