Sam Milby on working with Judy Ann Santos in Huwag Ka Lang Mawawala: “Very inspiring… intimidating.”

Sam Milby narrates how Judy Ann Santos pushes him to be a better actor: “I mean napakagaling talaga and sobrang thankful ako sa pasensiya niya, patience niya sa akin, siyempre di naman maiiwasan na nabubulol pa rin ako minsan tsaka mabibigat. Kasi mabigat and suspenseful teleserye kasi and minsan mga heavy drama scenes na iyakan siya, minsan nahihirapan talaga ako pero I’m very thankful that she’s helping me out the whole time. And she’s behind me


Maagang dumating si Sam Milby para sa ribbon cutting ng Chlooe’s Closet, isang bagong pambatang dress shop sa may third floor ng Shoppesville, Greenhills kaninang hapon, August 10.

Bago pa magsimula ang programa, nagpaunlak si Sam ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dito ay masaya niyang ibinalita ang mga kaabang-abang pang mga mangyayari sa malapit nang magtatapos na serye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, ang Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Andami, e malapit nang matapos so dapat i-expect…

“Di ba kasi pag ending ng mga teleserye kadalasang ’one big wow revelations,’ sobrang exciting kasi yung mga dapat abangan sa last two weeks.

“Siyempre laban na kasi ni Annisa, the ball is in her court na kumbaga. Na nakita na nung mga tao na mali yung batang nakuha niya, hindi naman yun yung anak niya so you have to see what will...

“Kung paano ma-exchange kung paano niya makukuha niya yung tunay na anak niya.”

Sa show ay bida-kontrabida ang role ni Sam bilang si Eros Diomedes, ang dating asawa ni Judy Ann na ngayon ay napunta na kay KC. Nahirapan ba siyang maging kontrbaida?

Pakatotoo niya, “Of course, siyempre never ko pa nagawa ang isang bida-kontrabida role na gray character kasi, instead na dapat kontrabidang-kontrabida, dapat may paawa effect sa mga tao.

“Dapat maunawaan ng mga tao kung bakit dapat ganun yung character ko, di ba, so sobrang mahirap.

“Ang sama kasi talaga ng karakter ko, lalo na nitong bandang dulo. Medyo ano e, parang nababaliw na siya dahil sa mga pangyayari.”

Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga haters and bashers ang mga artista kapag kontrabida ang kanilang mga ginaganapan sa isang soap opera. Pero pasalamat daw ni Sam ay halos good haters and bashers naman daw ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “May mga haters, may mga bashers pero lagi naman in a good way.

“Happy ako dahil imbes na magalit yung mga tao sa character ko palaging sabi nila, ‘Nakakainis yung karacter ni Sam, si Eros, sobrang bad siya.’

“Pero sabi pa nila, ‘You’re portraying the role very well so congrats.’”



WORKING WITH JUDAY. Kumusta naman kayang katrabaho ang Queen of Philippine Soap Opera?

Kuwento niya, “Very inspiring… intimidating, inspiring parang kumbaga pinush niya ako to be a better actor, ibang caliber talaga si Juday.

“I mean napakagaling talaga and sobrang thankful ako sa pasensiya niya, patience niya sa akin, siyempre di naman maiiwasan na nabubulol pa rin ako minsan ’tsaka mabibigat…

“Kasi mabigat and suspenseful teleserye kasi and minsan mga heavy drama scenes na iyakan siya, minsan nahihirapan talaga ako pero I’m very thankful that she’s helping me out the whole time.

“And she’s behind me and believing in me always na kaya ko, kaya malaking bagay yun sa akin.

“Sobrang thankful ako na she pushed me, and that she handpicked me para sa role na ito and it helps me become a better actor, pati sa Tagalog nakatulong siya.”

Papuri naman niya kay KC, “Malaking revelation din si KC para sa teleserye na to. I think she found the role that really fits her, and nag-shine din siya.

“And bilang isang kaibigan niya siyempre nagkasama na kami sa movie, so hindi ito first time. Ayun, nag-shine siya and she’s doing well.”



POOR RATINGS? Nalulungkot naman daw siya na malapit nang magtapos ang show na nagsimulang umere noong June 17. Pero pinabulaanan nitong tatapusin na ang soap dahil mababa daw ang ratings nito.

Saad niya, “It’s sad because kahit andaming magandang feedback, andaming nagsasabing ang ganda ng teleserye, ang ganda this and that...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ganda ng ratings namin, ang taas... at yun ang totoo, so yun siguro ang sinasabi nila na dahil matatapos na talo sa ratings.

“Pero sa amin, we know that’s not true, we know that hanggang dun na lang yung story.”

“Lahat sobrang proud sa teleserye na ito because its suspenseful and it’s a great story. Basta happy kami with all the feedbacks and the people who are watching it and enjoying the show.

“And I’m so happy din na andaming humihingi ng Book Two, pero mahirap magkaroon ng Book Two. It’s sad para sa aming lahat kasi over a year nag taping kami and matatapos na.”



COMEDY AFTER HEAVY DRAMA. Pagkatapos daw niyang sumabak sa isang heavy drama, isang comedy project naman daw ang kanyang gagawin.

Kuwento niya, “Ang susunod na project na gagawin ko ay movie with Anne Curtis and Cristine Reyes. Ang title niya ay The Gifted. Comedy siya, maganda.”

So naniniwala siyang magandang maisabak ang isang artista sa mga iba’t ibang characters?

Pagsang-ayon nito, “I think that’s the best way to do it, unang-una pag paulit-ulit yung role, siyempre magiging typecast, it shows versatility kasi and it shows na parang lalo na at galing sa isang kontrabidang role, di ba?

“And it’s a good role to lighten up na bilang ako. I think it will be nice and movie din ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN