Vilma Santos on rumored presidential bid: “Akala n’yo madali ang trabahong ’yan? Ako, ni sa guni-guni, hindi ko hinangad ’yan.”

Vilma Santos-Recto on rumored presidential bid: “Sa totoo lang, gusto niyo yatang tumanda na ako agad. Akala n’yo madali ang trabahong yan? Ako, ni sa guni-guni, hindi ko hinangad ’yan. Ang magiging president ng Pilipinas, e, hindi isang joke ang trabahong ’yan. Pero ang point ko lang talaga, destiny ’yan. Ni ako nga, di ko alam kung bakit naging mayor at naging gobernador ako. Pero para pangarapin ako at kayo ang mag-protesta para diyan, e, uta


Naging usap-usapan ngayon sa showbiz ang tsimis na buntis diumano si Jennylyn Mercado.

Kung may katotohanan man ang nasabing balita, hindi maiiwasang madawit ang pangalan ni Lucky Manzano na kasalukuyang nobyo ng aktres at siya ring panganay na anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Napailing naman agad si Ate Vi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng prescon ng pelikulang Ekstra na ipapalabas na this coming August 14 and released ng Star Cinema.

“Hindi po totoo ’yan. Dahil kung may katotohanan ’yan e, hindi naman ililihim sa akin nila ni Lucky ’yan. For sure naman, e, isa ako sa unang makakaalam,” panimulang bungad ni Ate Vi.

Para pa rin kay Ate Vi ay handa naman daw siyang matawag na lola. Mukhang gustung-gusto na ngang magka-apo ng gobernadora ng Batangas.

“Bakit naman hindi, pero hindi ako ang magsasabi niyan. Puwede naman akong maging lola na, kung mabibigyan pero anak ko ang magde-decide niyan, hindi ako.

“Basta sa ngayon ang gagawin ko lang, maghihintay lang. At kung kailan nila balak, suportado ko naman silang dalawa,” banggit pa rin ng kamakailan lamang itinanghal na Best Actress sa ika-9 Cinemalaya Film Festival.

EKSTRA. Sa tinagal-tagal ng kanyang makulay na karanasan bilang premyadong aktres sa industriya ng pelikula, ngayon lang daw nagampanan ni Ate Vi ang papel ng isang ekstra sa pelikula

Kaya noon unang dumating daw sa kanya ang naturang offer ay wala raw siyang hiniling agad kundi ang mabasa ang script nito.

“Sinabi ko kay Atty. [Joji Alonso, the film’s producer], give the script kasi gusto ko nang mabasa. So, in a week or two, done na agad ang deal namin.

“Tinatanong nila sa akin kung magkano ang talent fee ko kasi ito lang daw ang budget para diyan, pero sabi ko sa kanila, hindi yan ang problema, basta ang pag-uusapan na lang natin, kung ano ang gagawin namin para mapaganda ang first indie film ko na Ekstra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga ang sa akin lang, hindi talent fee ang mahalaga kundi kung ano ang magagawa namin para maipagmalaki ang first indie film ko,”dagdag pa ring banggit ng Star for all Seasons.

Malaki ang panghihinayang ni Ate Vi kung bakit hindi niya personally tinanggap ang kauna-unahang award niya sa Cinemalaya. Binanggit pa niyang sa dinami-raming awards na natanggap na niya, pakiramdam daw niya ay first time siyang itinanghal na Best Actress dahil sa award ng Cinemalaya.

“Sa totoo lang, dahil sa miscommunication kung kaya hindi ako nakadalo sa awards night. Alam niyo naman na ilang sabado at linggo na bising-bisi kami ng mga tao ko. Kaya nang magpaalam sila sa akin nung araw ng linggo na yun, e, pinayagan ko silang lahat.

“Kaya nang tumawag ang mga involved sa pelikulang Ekstra, na dapat daw akong pumunta dahil malaki ang tsansa kung mananalong best actress, e, I can’ t go kasi wala akong tao, pati asawa at anak ko, e, nag-gu-golf. But still, at the end of the day, what’s important is that na-appreciate ng Cinemalaya ang pelikula namin at acting ko.

“Sa totoo lang naman, kahit nandun ka or wala, kung talagang para yun sa ’yo, ibibigay nila sa ’yo yun. That’s why nagpapasalamat ako sa Cinemalaya.

“Sana nga talaga nandun ako, pero nagkaroon ng miscommunication pero yung ginawa ng Cinemalaya na pagre-recognize sa pinaghihirapan ko e, maraming salamat sa kanilang lahat,” lahad pa rin ng premyadong aktres at politician.

NEXT INDIE PROJECT. Sa pagwagi niya ng nasabing Best Actress award, may mga nagtatanong na kung may mga indie projects nang nag-aabang para kay Ate Vi.

“Wala pa talaga,

“Itong Ekstra, dumating lang nang bigla... na hindi pinaplano.

“Sa dami ng nagbigay sa akin ng script para sa indie film, itong pelikulang ito na isang sabi lang sa akin kung ano ang magiging role ko, e, parang may kakaibang dating agad sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, iba ito, right away hiningi ko agad ang script. Pero sa ngayon wala akong pinaplanong next indie film na maari kong gawin, not unless may dumating na medyo kakaiba pa rin.

“Kumbaga, tamang timing lang lahat ’yan,” sey pa niya sa amin.

“Sabi nila, maganda ang script Vi, pero you have take the risk. Kumbaga, may sariling audience kasi ang indie, kaya sana naman kumita ang pelikula naming ito.

“Ang sa akin lang, in my own little way, I need to support ang grupong ito na sinasabi nilang nahihirapan kung meron pa akong puwedeng i-contribute. Maybe someday I will produce indie movies, may limited budget naman, di ba?

ATE VI FOR PRESIDENT? Come 2016 ay election time na naman at this early at may mga grupong desididong isulong ngayon ang Vilma Santos for President Movement. May mga nagsasabi pa na isang Vilma Santos daw ang itatapat ng administrasyon kay Vice President Jejomar Binay para sa susunod na pangulo ng Pilipinas. Ano ang masasabi ni Ate Vi hinggil dito?

“Well, may plano si Ralph... Vilma Santos for president ng mga senior citizen,” napatawang sagot pa agad sa amin ni Ate Vi.

“Sa totoo lang, gusto niyo yatang tumanda na ako agad.

“Akala n’yo madali ang trabahong yan? Ako, ni sa guni-guni, hindi ko hinangad yan. Ang magiging president ng Pilipinas, e, hindi isang joke ang trabahong ’yan.

“Pero ang point ko lang talaga, destiny yan. Ni ako nga, di ko alam kung bakit naging mayor at naging gobernador ako.

“Pero para pangarapin ako at kayo ang mag-protesta para diyan, e, utang na loob, huwag na nilang gawin, hayaan niyo akong mabuhay nang masaya,” pagtatapos pa ng nag-iisang Vilma Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN