Rocco Nacino on Lovi Poe: “We’re closer than ever.”

Rocco Nacino on Lovi Poe: “Ang nakakatuwa sa amin ni Lovi, we’re really open-minded, parang best friend. Parang lahat talaga, napag-uusapan namin. And well, ako, I don’t meddle too much in that part of her life [love life]. Ano lang, anything under the sun. Hindi ko alam. Basta, konti lang ang napag-usapan namin about that.”


Ang pelikulang Burgos ang naging closing film ng 9th Cinemalaya Filmfest noong August 3 sa main theater ng Cultural Center of the Philippines. Dumating ang halos buong cast ng pelikula pati na rin ang mismong pinaghanguan ng kuwento na si Mrs. Editha Burgos.

Ang gumanap na Jonas Burgos sa pelikula ay ang Kapuso young actor na si Rocco Nacino.

Tuwang-tuwa si Mrs. Burgos kay Rocco dahil naging makatotohanan daw ang pagganap ng aktor sa mga kilos, pananalita at halos buong katauhan ng kanyang nawawalang anak na si Jonas.

Kung tutuusin, hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Rocco na makita o makilala si Jonas. Kaya ang tanong: paano niya nagawa na maging makatotohanan ang kanyang pagganap sa nasabing papel?

CHANNELING JONAS. “Nakatulong yung pagiging family man ko with my family,” panimulang pahayag naman ni Rocco nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Gala Night ng nasabing pelikula sa CCP.

Dugtong pa niya, “Kasi, sabi sa akin ni Mrs. Burgos, ano siya, malapit talaga sa pamilya niya at makulit. Suwerte ako na ganun din ako sa pamilya ko.

“So, it was easy for me to bring it out. What I did, I talked a lot talaga with Mrs. Burgos.

“Ang tagal ng usapan namin noong storycon para mas maramdaman ko yung koneksiyon namin.

“Kinausap ko po siyang talaga, nagtanong ako nang nagtanong. Medyo makulit nga po ako noon, para lang makuha ko ang character ko.

“And I was so happy when she came up to me afterwards and she said it was a beautiful performance. Para sa akin, ano yun, award na yun para sa akin.”

HEIGHTENED AWARENESS. Pagkatapos niyang gawin ang Burgos, ano ang naiwan sa kanya at ano ang na-impart sa kanya na kuwento ng buhay ng pamilya Burgos?

“Well, kudos ako kay Mrs. Burgos na hanggang ngayon, she still stands in her purpose na mahanap si Jonas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, hats off ako sa determination niya. After doing this, mas naging aware ako sa mga pangyayaring hindi natin alam na meron dito sa bansa natin.

“I grew up not here in the Philippines, I grew up in Singapore,” sabi ni Rocco.

Nagkaroon ba siya ng takot sa mga nangyayaring krimen sa bansa?

“Bakit ako matatakot, kung si Jonas, strong enough to do this, kaming mga kabataan, mas lalo kaming hindi dapat matakot,” giit niya.

Hindi naman kaya nabuhay ang “activist” side niya, kung meron man?

“Hindi naman, wala naman,” nakangiting sabi niya.

PROJECTS. Si Rocco ang isa sa maituturing na napakapalad kung ikukumpara sa mga contemporaries niya. Nabibigyan siyang talaga ng mga roles na hindi basta-basta.

Sabi naman niya, “Suwerte. Hindi ko po alam kung bakit ako napupunta sa list nila.

“I don’t know, but it keeps me motivated. At masayang-masaya lang ako. Hindi ko akalain na magiging ganito ang 2013 ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ka-busy ang 2013 ko.”

Mas busy pa sa 2012 niya?

“Actually, yes, yes… katatapos ko lang ng Ibong Adarna. Supposedly pang-Filmfest, pero, hindi na siya nasama, so, magiging commercial release na lang siya.

“Then, I’m doing Akin Pa Rin Ang Bukas with Lovi Poe and Cesar Montano at nag-guest ako sa Titser.

“And then, yung Pedro Calungsod para sa MMFF at Bayan Ko part 2 this October.”

MOTIVATION. Diretsahan naman naming tinanong si Rocco dahil sabi nga niya, sa magagandang nangyayari sa career niya ngayon, namu-motivate pa siyang lalo.

Pero, does it keep him grounded too?

“Yes, yes,” mabilis naman niyang sagot.

“Yes, sino ba ang dapat na kausapin natin tungkol diyan? Yung mga tao. Kung paano ko sila i-trato.

“Siguro, doon makikita kung nagbago ako. Pero, para sa akin, hindi ko naman kailangang magbago. Ano ba ang dapat ibago sa sarili ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagta-trabaho lang naman ako. Although, I’ve been given good projects, so there’s no reason to change. This is still me—hungry, determined, workaholic and happy.”

Ano nga ba ang pakiramdam niya na tila sa mga Starstruck graduates lalo na sa batch nila, yung career niya ang pinaka-bongga?

Pag-amin ni Rocco, “I don’t know. Nahihirapan akong sagutin ‘yan, e.

“Kung nagugutom ako sa craft ko, I found out that I really love acting. Kaya siguro nakatulong ’to para makakuha ng magagandang projects.

“But regarding my contemporaries naman, yung mga kasama ko, in time, they’ll be given good projects.

“So, tamang timing lang ‘yan. At saka dapat, i-maintain ang pagiging masipag palagi. I felt it was the right time for everything kaya ine-enjoy ko talaga ang showbiz.”

LIFESTYLE CHANGES. Sa ngayon, ano ang mga nakikita niyang naging kapalit naman ng magagandang oportunidad na nangyayari sa showbiz career niya?

“Nabago, heto, hindi makaalis. Hindi ako makapunta sa mga malls na maraming tao. Hindi ako pinapayagan.

“Although, nami-miss ko. Gusto kong mag-arcade, gusto kong mag-shopping. Nami-miss ko ngang mag-Time Zone, e.

“What I wear, simpleng tao lang naman ako. Mas conscious na ako sa mga kilos ko. Kahit kung ano ang i-tweet ko nga, marami ang nagre-react.

“So, sabi nila, ang mga kilos ko, dapat maingat na ’ko. Pero, I’m a person who’s that open-minded.

“Kung ano ang gustong sabihin ko, sasabihin ko. But, nandiyan ang family ko to keep me grounded,” pagmamalaki niya.

Sa kabila naman ng lahat, may tao naman na nakakapagpa-inspire sa kanya.

“My Mom, grabe, she inspires me palagi,” nangingiting sagot niya agad.

Mom lang?

“A lot of people, my friends, everyone,” natatawa niyang sabi.

Si Lovi Poe?

ON LOVI POE. Kay Lovi talaga siya patuloy na nali-link. Marami ang hindi naniniwala na “friends” nga lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ganoon pa rin, e. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa inyo. What I can say is, magka-trabaho kami and we’re closer than ever, than before.”

Sinasabing nag-break o hindi na nga okay ang relasyon nina Lovi at Jake Cuenca. Kung sabihin, posible raw ba na siya ang dahilan?

“No, no, no,” paulit-ulit niyang pagtanggi.

“Hindi ako kasama ro’n.”

Pero, alam niya ang episode sa buhay na yun ni Lovi with Jake?

“Yeah,” saad naman niya.

“Ang nakakatuwa sa amin ni Lovi, we’re really open-minded, parang best friend. Parang lahat talaga, napag-uusapan namin.

“And well, ako, I don’t meddle too much in that part of her life. Ano lang, anything under the sun. Hindi ko alam. Basta, konti lang ang napag-usapan namin about that.”

Masasabi niyang hindi talaga siya ang rason?

“Yeah, hindi ako ang rason kung anuman yun and we never talk about, that part ng life niya. So, yun,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN