Supreme Court clarifies stand on nullification of National Artist awards; says Caparas, et al may still seek title

Nakasaad sa desisyon na pinamumunuan ni Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, “While the Court invalidates today the proclamation of respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa and Moreno as National Artists, such action should not be taken as a pronouncement on whether they are worthy to be conferred that honor.”

Dagdag pa sa desisyon, “Nothing in this Decision should be read as a disqualification on the part of res


Nilinaw ng Supreme Court (SC) na ang pagkakabawi ng National Artist Awards kina Carlo J. Caparas at tatlo pang iba ay hindi raw nangangahulugang “banned” na sila sa naturang award sa mga susunod na panahon.

Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com ngayong araw, August 11, sa tatlompu’t dalawang pahinang desisyong inilabas ng kataas-taasang hukuman nitong nakaraang linggo, sinabi ng SC na ang pagkaka-kansela sa 2009 National Artist proclamations kina Direk Carlo, former National Commission on Culture and Arts (NCCA) executive director Cecile Guidote-Alvarez, fashion designer Jose “Pitoy” Moreno at architect Francisco Mañosa ay hindi raw nangangahulugang hindi na sila maaring makatanggap pa ng naturang parangal.

Nakasaad sa desisyon na pinamumunuan ni Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, “While the Court invalidates today the proclamation of respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa and Moreno as National Artists, such action should not be taken as a pronouncement on whether they are worthy to be conferred that honor.”

Binigyang-linaw din ng Supreme Court na idineklara lamang nilang invalid ang proclamation numbers 1826 hanggang 1829, kung saan sakop ang apat na personalidad.

Dagdag pa sa desisyon, “Nothing in this Decision should be read as a disqualification on the part of respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa and Moreno to be considered for the honor of National Artist in the future, subject to compliance with the laws, rules and regulations governing said award.”

Samantala, sinabi naman ng korte na ang mga rekomendasyon ng NCCA at ng Cultural Center of the Philippines (CCP) “are not binding on the president.”

Bukod sa proklamasyon sa apat, iginawad din ng dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang mga naturang parangal kina Lazaro Francisco (posthumous for literature), Manuel Conde (posthumous for film and broadcast) at Federico Aguilar Alcuaz (visual arts, painting, sculpture and mixed media).

Ang kanilang mga proklamasyon ay hindi kasama sa binigyan ng “halt order” ng Supreme Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, nakasaad sa desisyon na hindi raw dito isinama ni Gng. Arroyo ang pangalan ni Dr. Ramon Santos (music) mula sa listahan ng mga inirekomenda sa kanya.

Dagdag pa sa desisyon ng korte, “It was well within the President’s power and discretion to proclaim all, or some or even none of the recommendees of the CCP and the NCCA Boards, without having to justify his or her action. Thus, the exclusion of Santos did not constitute grave abuse of discretion on the part of the former President.”

Matatandaang naging kontrobersiyal ang 2009 proklamasyon kina Caparas at sa tatlo pang National Artists nang kuwestiyunin nga ito ng mga alagad ng sining kabilang na ang National Artist for Literature na si Virgilio Almario.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN