Aljur Abrenica on pushing his Sunday All Stars teammates to their limit: “Palaban kami!”

Aljur Abrenica explains his "leadership style" for his team in Sunday All Stars: “As a leader, hindi ko talaga hinahabol na manalo, e. Gusto ko lang talaga is… mag-enjoy lang kami at saka yung mga manonood natin. And bilang isang leader, gusto kong maalala nila ako na… ’si Aljur pinu-push kami to the limits na nailalabas yung hidden talents namin.’ Na masabi nilang… ’si Aljur ang naging w


Si Aljur Abrenica ang team leader for this month ng grupong "Ligang I Like" na siyang nanalo sa labanan ng mga production numbers sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 11.

Siya rin at si Sef Cagayona naman ang nanalong Best Performer kaya sobra ang saya ng Kapuso hunk.

First time na mapanood si Aljur na rakista talaga ang dating. Napabilib niya ang mga judges particularly si Regine Velasquez.

“Siyempre first week po natin bilang team leader, e,” panimulang bungad ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng SAS.

“Sobrang overwhelming ng mga reactions ng mga judges. Kaya nakakatuwa talaga.

“Ahh… hindi madali ang pagiging team leader. Pero sobrang nai-enjoy ako.

“Sobrang minamahal ko na yung pagiging team leader dahil sa cooperation ng mga members ng Ligang I Like.”

ALJUR AS TEAM LEADER. Ang ka-loveteam niyang si Kris Bernal na siyang naging team leader naman nila last month, sinabing nakikita raw nito ang sobrang passion niya bilang leader nga raw ng grupo; na talagang kina-career niya raw.

“Well… hindi lang naman ako ang nag-iisip ng tema o concept ng production number namin. Marami pong kabuuan ‘yan.

“Nandiyan yung family ng Sunday All Stars. At saka yung mga members ng Ligang I Like.

“Pero bilang isang leader, ako kasi, ang gusto ko lang talaga is mailabas kung ano talaga yung talent ng isang tao, e. Na mas mai-push ko pa sa limit at saka mailabas din yung iba pa nilang hidden talents.

“Gusto kong mailabas lahat... na maipakita sa judges at sa mga manonood na hindi lang ganito o ganyan ang kaya nilang gawin kundi may iba pa.

“Like si Enzo [Pineda]. Sobrang proud ako kay Enzo.

“Alam natin na magaling siyang sumayaw. Hindi natin siya napapakanta. Napapa-rap.

“Pero kanina, pinush ko sa production number namin na pag-rap-in si Enzo. Kasi naniniwala ako na kaya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka si Enzo kasi, pati yung ibang team mates ko, may puso talaga sa bawat ginagawa nila. So sobrang happy ako bilang team leader kasi,” masayang pahayag ni Aljur.

Wala naman daw pasaway na miyembro sa grupo nila. Kaya wala umano siyang nagiging problema bilang team leader.

“Hindi ako na-stress o sumakit ang ulo. Ang ipinagpapasalamat ko pa nga… kasi ang daming kulang sa akin ngayon, e.

“Wala si Alden [Richards]. Wala si Louise [delos Reyes]. Wala si Sam [Pinto] at saka si Kris Lawrence. Nami-miss na namin sila.

“Pero imbes na mawalan ng pag-asa yung team mates ko, sila pa yung… gano’n nga siguro ang Ligang I Like, e. Palaban kami.

“Palaban talaga. And… nag-i-enjoy lang kami,” dagdag niya.

At talagang nag-enjoy din siya sa performance niyang ala-rockstar talaga. Sa first album ba niyang tinatapos ngayon, may rock din?

“Uy, okay ’yon, ha!” sabay ngiti ni Aljur.

Magdadagdag siya ng rock songs sa kanyang album?

“Subukan nga kaya nating lagyan!” tawa niya. “Magandang idea ’yan.”

BATTLE PLANS. For next week, ano ang plano nilang pasabog sa kanilang production number?

“Wala pa kaming napipiling theme. Kasi gusto kong masiguro, e. Gusto kong ma-enjoy ng lahat.

“So… hindi ako nagdi-decide para sa sarili ko. Tinatanong ko ang mga team mates ko… anong gusto n’yo?

“Kasi gusto ko lahat may input. Hindi yung ako lang. Para pagdating ng Sunday na nag-perform kami, masaya lahat,” saad ng binata.

Hoping ba siyang manalo ulit ang team nila next week?

“As a leader, hindi ko talaga hinahabol na manalo, e. Gusto ko lang talaga is… mag-enjoy lang kami at saka yung mga manonood natin.

“And bilang isang leader, gusto kong maalala nila ako na… ’si Aljur pinu-push kami to the limits na nailalabas yung hidden talents namin.’

“Na masabi nilang… ’si Aljur ang naging way para maipakita naming sa mga tao kung ano pa ang kaya naming gawin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko gano’n, e,” paliwanag niya.

KYLIE. Ang girlfriend niyang si Kylie Padilla, nagpaplano nang bumukod. Pinayagan daw ito ng amang si Robin Padilla kung talagang gugustuhin na ng dalaga na magsimulang mamuhay independently.

“Para sa akin, kung anuman yung magiging desisyon niya… rerespetuhin ko. Kasi, kanya-kanya tayo, e.

“At saka kung napag-isipan na niyang bumukod at pinayagan… wala naman akong masasabing pagkontra,” pahayag niya.

Sa tingin ba niya, kaya na ni Kylie na maging independent?

Aniya, “Lahat naman ng bagay, kapag gusto mo, kakayanin, e. Di ba?”

Kung sabagay, ipinagmamalaki nga ni Kylie na sa ngayon, dalawa sila ng kapatid nito na siyang gumagawa lahat ng gawaing bahay—paglalaba, pagluluto, at pati raw paghuhugas ng pinggan dahil wala silang katulong sa bahay.

Paborito nga raw niya yung niluluto nitong pininyahang manok.

“Totoo po iyon,” nangiting pagsang-ayon ni Aljur.

Matipid pa rin sa kanyang mga nagiging pahayag ang aktor kapag si Kylie na ang paksa ng panayam sa kanya, kahit pa nga sa ngayon na nasasabi ni Kylie na smooth ang takbo ng relasyon nila. Unlike before na napapabalitang medyo hinihigpitan pa ang dalaga ng ama niyang si Robin.

“Ah… isa ’yan sa mga ipinagpapasalamat ko,” wika ni Aljur.

Sa kanyang lalabas na first album, may particular song ba dito na para kay Kylie?

“A… abangan n’yo na lang. Abangan n’yo na lang!” sabay ngiti ulit niya.

PRINSESA NG MASA. May bago silang soap ni Kris Bernal sa GMA, ang Prinsesa Ng Masa. Pero hindi pa raw sila nagsisimulang mag-taping.

“Ongoing ngayon yung workshop namin. Hinihintay na lang namin yung final date kung kailan kami magti-taping.

“After ng story conference, platsado na po sa amin kung ano yung mga characters namin at kung ano yung itatakbo ng story. At ’yon ang pinaghahandaan namin,” kuwento niya.

Ano ang nakaka-excite sa role niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko munang magdetalye. Pero ang nakaka-excite do’n sa role ko… malalaro ko siya, e.

“Malalaro natin yung character. At hindi lang yung character.

“Ang isa pang exciting dito is… yung mga makakatrabaho ko rito. Marami akong bagong makakatrabaho. Kagaya nung mga Starstruck alumni.

“So… excited ako sa magiging environment ng work namin... sa magiging ambience sa set,” panghuling nasabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN