Kim Rodriguez denies being courted by Kiko Estrada

Nilinaw ni Kim Rodriguez na magkaibigan lamang sila ng Kapamilya young actor na si Kiko Estrada at hindi niya nararamdamang nanliligaw ito sa kanya.


Balitang nililigawan daw ng Kapamilya young actor na si Kiko Estrada ang Kapuso young actress na si Kim Rodriguez.

Ilang beses na raw silang nakikitang magkasama, lalo na’t magkasama pa sila sa indie film na Chasing Boulevards.

Pero paglilinaw ni Kim, kaibigan niya lang si Kiko kaya hindi dapat magulat ang marami na lagi silang nagkakasama.

Kuwento pa ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagkasama po kami ni Kiko sa Reel Love Presents Tween Hearts noon kaya doon kami nagkakilala at naging magkaibigan.

“Kahit naman tapos na yung Tween Hearts, nagkakasama pa rin naman kami ni Kiko at ng ibang mga kaibigan pa namin.

“Tapos meron nga po kaming ginagawang indie film na Chasing Boulevards. Kasama din namin dito si Teejay Marquez.

“Kaya kung nakikita po nilang close kami ni Kiko, iyon ay dahil magkaibigan po kami.”



SET VISIT. Pero totoo bang dinalaw siya minsan ni Kiko sa set ng Kakambal Ni Eliana at pinuntahan pa raw nito siya sa Walang Tulugan With The Master Showman sa GMA-7 studio?

Paliwanag ni Kim, “Yung sa set po ng Kakambal Ni Eliana, sinabi naman po ni Kiko na dadaan siya kasi nanggaling kami sa shooting ng indie film.

“Gusto lang niyang bumisita. Tsaka magkaibigan din sila ni Kristoffer [Martin, Kim’s co-star in Kakambal Ni Eliana].

“Dumaan lang naman siya at nagdala ng pagkain sa set. Tapos konting kuwentuhan tapos nagpaalam na siya agad.

“Doon naman sa Walang Tulugan, akala raw niya guest ako sa show kasi may nagsabi sa kanya.

“E, hindi naman ako guest kaya wala ako doon. Hindi naman siya nag-text or tumawag sa akin.

“Nataon daw na nasa area siya kaya dumaan na raw siya sa studio.

“Noong nalaman niya from Teejay na wala ako doon, umalis na raw po siya.”

Sa mga ginagawang ito ni Kiko, hindi ba nararamdaman ni Kim na type siyang ligawan ng binatang anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman po akong nararamdaman na ganyan mula sa kanya!” natatawang sagot ni Kim.

“Kasi nga po, barkada lang talaga kami ni Kiko.

“Kung may balak siya, sana sinasabi na niya sa akin, di po ba?

“E, wala naman kaya yung pagdalaw niya sa akin, parang dalaw ng isang kaibigan.”

Imposible rin daw na ligawan siya nang seryoso ni Kiko dahil ipina-partner ngayon ang young actor kay Julia Barretto sa teleserye na Mira Bella ng ABS-CBN.

Sabi ni Kim, “Nakakahiya naman kung mali-link siya sa akin, e, bini-build up po ang loveteam niya kay Julia Barretto.

“Ayoko namang pong lumabas na kontrabida ako sa loveteam nila.

“Ang masasabi ko lang ay magkaibigan lang po kami ni Kiko.”



MOVIE WITH DIREK JOEY. Bukod sa Chasing Boulevards ni Ces Dalmas, kasama rin si Kim sa pelikula ni Jose Javier Reyes na Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?, isa sa entries sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) Sineng Pambasa All-Masters Edition sa buwan ng September.

Sabi ng Kapuso young actress, “Natuwa nga po ako nang kunin ako ni Direk Joey para sa pelikula niya sa Sineng Pambasa.

“Nakatrabaho ko po kasi si Direk Joey sa indie movie na Mga Mumunting Lihim.

“Pinahanap nga raw po niya ako at gusto niya akong makasama sa bagong indie movie niya.”

Makakasama ni Kim sa Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? sina Ryan Agoncillo, Bobby Andrews, Eula Valdes, at Rustica Carpio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN