Luis Manzano avoids meddling in Jennylyn Mercado’s issue with Patrick Garcia

Hangga’t maaari ay ayaw manghimasok ni Luis Manzano sa kung anumang isyu na namamagitan sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at ng ex-boyfriend ng aktres na si Patrick Garcia. Paliwanag ni Luis, "Anything to do with that situation, hugas-kamay ako diyan. Sa kanila yun."


Sinang-ayunan ni Luis Manzano ang pahayag ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos na hindi tamang proyekto para sa kanilang mag-ina ang pelikulang Ekstra.

(Read: Vilma Santos says Ekstra is not the right project with son Luis Manzano and his girlfriend Jennylyn Mercado)

Ang Ekstra ay naging entry sa Directors Showcase category ng katatapos lang na 2013 Cinemalaya Independent Film Festival at magkakaroon na ng theatrical release simula sa August 14.

Sabi ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Nakita ko yung interview ni Mommy, napakatama naman ng explanation niya.

“What she said was, the moment they see me, they think of Vilma Santos right away where she’s trying very hard portraying the role of Loida.

“Kumbaga, gusto niya talaga i-alienate yung family, everything that makes Vilma, Vilma.”

Napanood ni Luis ang Ekstra sa gala premiere nito sa Cultural Center of the Philippines at very proud siya sa kauna-unahang indie film ng ina.

Kuwento ng Kapamilya TV host-actor, “I was laughing the whole time, the punchline up to the last scene.

“Nabitin pa nga ako, parang gusto ko pang ituloy.

“I was very proud of my mom, reyalidad yun ng industriya din, so I really enjoyed the movie.”



GRANDCHILD FROM LUIS. Sa isang panayam ay sinabi ng Star For All Seasons na “apo” ang gusto niya kung maaari siyang humiling ng extra blessing mula sa Diyos.

Ano ang reaksiyon dito ni Luis?

“Bakit hindi si Ryan ang kausapin!” natatawang biro ni Luis patungkol sa kanyang half-brother na si Ryan Christian Recto.

Patuloy niya, “Ryan, bro, narinig mo ang gusto ni Mommy, ikaw na bahala dun.”

Pero seryosong sabi na ni Luis, “Hindi pa. Sabi ko nga, ang dami pang gagawin.

“Siyempre bago apo, kasal sana muna.

“Isa-isa muna, dun muna... sa kasal muna bago yung apo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam din daw ni Luis na hindi pa niya kayang bumuhay ng sarili niyang pamilya ngayon sa paraang gusto niya.

Sabi ng 32-year-old TV host-actor, “Wala pa, ang dami ko pang gustong gawin, hayaan ninyo muna, tapusin ko muna lahat ng work ko.

“Gusto ko munang kumita ng maraming pera.

“Kasi, kaya kong bumuhay ng pamilya ngayon ng sandali lang. Yung buhay na gusto kong ibigay sa pamilya, hindi pa kaya.

“Siguro kaya ko ng isang tao, dalawang taon.

“Pero yung sabihin mo na magpahinga ako at maibibigay ko yung kung ano ang nararapat na buhay sa pamilya, matagal-tagal pa yun bago mangyari.”



JENNYLYN MERCADO. Kinumusta na rin ng PEP kay Luis ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sagot niya, “Okay na okay, we’re still the same. Right after this, magkikita kami.”

Bilang boyfriend ay hindi maiwasang matanong si Luis sa tuwing may isyung ipinupukol kay Jennylyn.

Ano ang reaksiyon niya sa balitang may hinihingi raw na kaukulang bayad si Jennylyn sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia kung gusto nitong makita ang anak nilang si Alex Jazz?

Sabi ni Luis, “Well, ang problema ng isa, minsan idinadamay na agad ang isa.

“Anything to do with that situation, hugas-kamay ako diyan. Sa kanila yun.

“Hindi ko puwedeng panghimasukan yung mga ganung klase ng problema lalo na when there’s child involved.

“I know Jen, I know the truth, and people around Jen can always attest to the truth.

“I don’t wanna go to the details.

“Sabi nga, kuwento nila yun, pinagdaanan nila yun, but I can attest on how Jen as a mom.

“Dyusko, mas marami pang pera sa akin si Jen, e, so definitely hindi.”

Sa kabila ng lahat, nandun pa rin kay Luis ang pag-asam na maresolba ang problema sa pagitan nina Jennylyn at Patrick para na rin sa kapakanan ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, for Jazz’s sake din naman.

“Hayaan na natin kasi anything I say, idadagdag na naman sa kuwento nila.

“Anything to do with the boy, hayaan na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN