Marian Rivera celebrates 29th birthday with Dingdong Dantes in Bali, Indonesia

Sa Bali, Indonesia nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera kasama ang kanyang kasintahan na si Dingdong Dantes.


Ngayong araw, August 12, ang 29th birthday ni Marian Rivera.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Marian sa contract signing niya sa GMA-7 noong Sabado, August 10, ay sinabi niyang aalis sila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes kinabukasan (August 11) ngunit hindi niya alam kung saan sila pupunta.

Sabi ng Kapuso actress, "Basta tinext lang niya ’ko na ’eto ang mga dadalhin mo... swimsuit, formal dress. Talagang in-enumerate niya sa akin.”

BALI, INDONESIA. Napag-alaman naman ng PEP na ang naging destinasyon nina Marian at Dingdong ay sa Amandari Resort sa Bali, Indonesia.

Ito bale ang birthday treat ng aktor para sa kasintahan.

Kahapon, nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram account ng larawan ng dalawang tickets nila ni Marian at may caption ito na: “See you in 5 hours! #mrgHBD”

Ang hashtag na “mrgHBD” ay maaaring nangangahulugan ng “Marian Rivera Gracia Happy Birthday.”

Mga bandang alas-onse naman ng umaga ngayong araw ay nag-post si Marian ng isang litrato sa kanyang Instagram account kung saan naka-swimsuit siya at may hawak na berdeng fashion umbrella.

Aniya, “Very ‘HAPPY’ on my birthday…Thank you LORD salamat din sa inyo mga nagmamahal sa akin ng wagas. Love love love. #Blessed #Goddvibes #GraciasJD3.”

Isa pang post ni Dingdong sa kanyang IG account ay isang silhouette image ng nobya.

May caption ito na: “@therealmarian doing some recon of the mountains.”

Bukas, August 13, ang balik ng dalawa sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN