Andi Eigenmann still gets jealous when Jake Ejercito is linked to other girls

Hindi masagot nang diretso ni Andi Eigenmann ang tanong kung nagkabalikan na ba sila ni Jake Ejercito. Sabi niya, “Hindi ko po masasabi yun, kasi ever since naman the beginning, parang hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat sabihin. Never naman po akong nag-hesitate na sabihin sa mga tao, sa buong mundo that I really care for this person and that person is really special to me.”


Sinagot ni Andi Eigenmann ang usap-usapang nagkabalikan na raw sila ni Jake Ejercito.

Marami kasi ang nagulat sa lumabas na mga larawan nina Andi at Jake na magkasama sa isang tour sa Intramuros, Manila. Dahil dito ay marami ang nag-speculate na nagkabalikan na nga siguro sila.

Kumusta na ba sila ngayon ni Jake?

“Well, even better again ever,” sagot ni Andi sa taped interview sa kanya ni Boy Abunda na ipinalabas sa The Buzz kahapon, August 11.

Nagkabalikan na ba sila?

“Hindi ko po masasabi yun, kasi ever since naman the beginning, parang hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat sabihin,” sagot ng Kapamilya actress.

Dahil walang label?

“Never naman po akong nag-hesitate na sabihin sa mga tao, sa buong mundo that I really care for this person and that person is really special to me.”

Wala silang pormal na pag-uusap?

“Ang pinag-usapan lang po namin is that when we are ready and kapag tamang oras na, at saka siguro magkakaroon ng label.

“Pero at this moment, hindi naman po… sa tingin ko, mga bata pa kami.

“And may mga sarili pa kaming mga bagay na mag-focus. Like siya po, nag-aaral pa siya.

“Ako naman, I’m focusing on my career and Ellie [Andi’s daughter].

“So, hindi pa muna importante kung anuman ang meron sa relationship namin.”



STILL JEALOUS. Mabilis namang inamin ni Andi na nagseselos pa rin siya kapag nali-link sa ibang babae si Jake, gaya ni Coleen Garcia.

“Bakit hindi? I’m very, very jealous. I’m the jealous type!” natatawa niyang sabi.

Tinatawagan ba niya si Jake para kumprontahin kung totoo ang balita?

Sagot ni Andi, “The thing is, Jake is also the jealous type. So, madali lang po para sa amin yun na maging honest sa isa’t isa about that.”

Noong tinanong niya si Jake tungkol kay Coleen, ano ang naging sagot nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong time po kasi na narinig ko about it, hindi niya ako kinakausap.

“So, hindi ko alam kung ano ang totoo. E, ang dami ko pong naririnig.

“Initially, maniniwala ka. Magkakaroon ka ng doubt.

“But at the same time, I still trust Jake. So whatever he tells me, I believe.”

Sino naman ang huling pinagselosan ni Jake sa kanya?

“Lahat na yata!” natatawa niyang sabi.

“But not because you’re jealous, it means you’re insecure or it would fuel up to a big problem.”



MATTEO GUIDICELLI. Sa muling pagbibida ni Andi sa isang teleserye, ang Galema, muli niyang makakatambal si Matteo Guidicelli.

Unang nagkasama sina Andi at Matteo sa launching soap ng young actress na si Agua Bendita noong 2010.

Hindi ba pinagseselosan ni Jake si Matteo?

“Parang hindi naman. Hindi naman po!” natatawang sagot ng 23-year-old actress.

Kumusta sila ni Matteo?

Ayon kay Andi, “Matteo and I are awesome.

“We’re friends even before Agua Bendita and, I think, in this industry, si Matteo ang tao na kahit na anong mangyari, kahit hindi kami magkatrabaho ulit, alam kong magiging kaibigan ko pa rin siya.”

Naitanong na ba ni Jake si Matteo sa kanya?

“Nakilala na niya si Matteo even when I was working with him sa Agua Bendita, kasi Matteo and I are good friends since forever.

“At saka, kahit matagal na maging single si Matteo, hindi niya raw ako type. So, hindi ko na rin siya type!

“So, sige na nga!” natatawa niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN