Rocco Nacino to abstain from sexy pictorials and fashion shows until showing of San Pedro Calungsod movie

Sa kabila ng napaka-hectic schedule niya ay titiyakin daw ni Rocco Nacino na maglalaan ng sapat na panahon para sa shooting ng MMFF entry na San Pedro Calungsod, Batang Martir.


Nangako si Rocco Nacino sa mga producer ng San Pedro Calungsod, Batang Martir na gagawin niya ang lahat para maging maayos ang schedule niya at hindi magkaaberya sa shooting ng pelikula.

Ang pangako ni Rocco ay nag-ugat sa napaka-hectic niyang working schedule.

Pag-e-enumerate pa ng Kapuso actor, “I’m doing Sunday All Stars every Sunday po. Iyon, kailangan din naming mag-technical rehearsal tuwing Sunday.

“I’m doing Akin Pa Rin Ang Bukas with Lovi Poe, that’s MWF [Monday-Wednesday-Friday] of my week, and I’m doing Titser kasama rin si Lovi for GMA News TV.

“So, bale four projects, including San Pedro Calungsod.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng San Pedro Calungsod na ginanap sa Cucina Ni Bunso restaurant sa Bgy. Sacred Heart, Quezon City, kahapon, August 11.

ADJUSTMENT PERIOD. Natatawang pag-amin pa ng StarStruck alumnus, hindi na raw siya halos natutulog.

Paano ang gagawin niyang adjustment sa kanyang schedule, lalo pa nga’t may deadline ang San Pedro Calungsod, Batang Martir dahil entry ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013?

Sagot niya, “Ang ginagawa ko pong strategy dito, kinakausap ko po yung handler ko.

“We’re looking at the project na we’ll finish the earliest para yung araw na yun ang maibibigay ko.”

Hindi lang daw araw at oras ang kakarerin niya para sa pelikula.

“And learning and researching, and I’m looking forward to attending Latin masses para malaman kung paano sila mag-conduct ng masses para iyon ang puwede kong gamitin para basehan.”

Hindi Katoliko si Rocco kundi isang Born Again Christian.

Pero aniya, “Okay lang sa akin, it’s work… it’s part of the work.

“And for example, if I get a project na kailangan kong maging atheist or ano, someone who doesn’t believe in God, I’ll accept it kasi it’s just work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na rin daw kinailangang humingi ng permiso si Rocco sa kinaaanibang simbahan para gumanap sa biopic ng isang Catholic saint.

“Hindi na, kasi tingin ko naman rerespetuhin naman nila yung desisyon ko at alam nilang trabaho ito.

“And I know my faith, I know my religion.

“Ang importante lang naman kasi, you just… you know, mahal mo si God.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na gagampanan ni Rocco ang papel ni San Pedro Calungsod. Una niya itong ginampanan sa isang GMA News TV documentary.

Pero alam daw ni Rocco na iba pa rin ang pelikula lalo na’t MMFF entry ito.

Saad niya, “A lot of pressure is on me ngayon.

“Sa schedule pa lang, dun pa lang kasi, dapat itong time na ito, ibinibigay ko na para sa San Pedro Calungsod.

“Na TThS [Tuesday-Thursday-Saturday], dapat iyon yung panahon ko para iyon nga, mag-aral, mag-research.

“Pero hindi ko pa maibigay yun kasi I have to be in character for my other projects.

“So, yung ultimo pagbabasa ng script, pasingit-singit lang.

“Sa biyahe, binabasa ko siya so nasa-sacrifice yung pagtulog ko.

“So medyo nahihirapan pa ako sa pag-a-adjust pero it’s just a matter of balancing everything.”



REPLACING JM. Hindi na kinailangang mag-audition ni Rocco para sa proyekto. Siya raw mismo ang pinili ng producers bilang kapalit ni JM de Guzman pagkatapos itong i-pullout ng kanyang ama.

Sabi ni Rocco, “I was excited siyempre to land the role and I feel very honored to be working for this kind of project na napakalaki and to be part of MMFF.

“It’s gonna be my first. Yung una ko, kasama sina Miss Judy Ann [Santos] sa My Househusband, pero parang support ako doon.

“And now it’s gonna be my first.

“Kaya sabi ko, pinramis ko kay Direk [Francis Villacorta] kanina, sa harap ninyong lahat para witness kayo, na oras matapos yung isang project ko, ide-dedicate ko lahat ng oras ko para dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At wala raw problema kay Rocco na kapalit lang siya ni JM.

“Hindi ko iniisip na I’m just a replacement. I got the role!” at tumawa si Rocco.

“So I have something to be really happy and thankful about and hindi ko na iniisip na replacement ako.”

Pressured naman daw siya dahil malalaking artista ang makakabangga niya sa MMFF.

“Yes! Yes, a lot of pressure.”

Bukod dito, alam niyang mahuhusay na artista rin ang mga kasama niya sa San Pedro Calungsod movie.

Makakasama ni Rocco sa San Pedro Calungsod, Batang Martir sina Christian Vazquez, Jestoni Alarcon, Victor Basa, Ryan Eigenmann, Robert Correa, Alvin Aragon, BJ Forbes, Carlo Gonzalez, Arthur Solinap, Mico Palanca, Cholo Barretto, Geoff Taylor, Johan Santos, Isadora Valasquez, Ruby Ruiz, at Mercedes Cabral.

“Kasi nga ang dami kong kasama, at nauna sila ngayon na ma-pick up ang Spanish.

“So ngayon, kumbaga, huling-huli na ako so I have to catch up na lang talaga.

“It adds more pressure on me pero kakayanin ito.

“Alam ko, kapag may bagay akong gustong gawin, hindi ako titigil hangga’t makuha ko yun.”



BLESSED PROJECT. Ayon sa producers ng San Pedro Calungsod, the project is blessed, at si Rocco mismo ay naramdaman ito.

Sabi niya, “Yes! Not to complain that… I know puno ang schedule ko ngayon with the four projects I’m doing, pero I take it as a blessing.

“I’m not complaining at all.

“I’m really, really happy.

“Hindi ko akalain na 2013 ko, I’m set for the whole year.

“Kumbaga, I’ll be very busy the whole year and I have more things coming up pa.”

Blessing din daw niyang maituturing ang Sun Cellular endorsement niya.

“So something na I’m really, really proud of, sa tingin ko, may kinalaman din si San Pedro Calungsod.

“So I’m really, really proud, I’m really happy. Words cannot explain it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO TO SEXY ROLES. Dahil gaganap siya bilang isang lalaki na naging santo, nagdesisyon si Rocco na umiwas muna sa pagpapaseksi sa pictorials at fashion shows hanggang maipalabas ang pelikula.

“Sa tingin ko nga po this coming Cosmo Bash, mukhang hindi ko tatanggapin.

“Dahil gusto kong ganitong kaaga pa lang po... people call me ‘Mayor’ dahil sa Bayan Ko at magkakaroon pa kami ng Season 2 sa October.

“Tapos, I’ll be playing Pedro Calungsod, so I wanna keep that image for this year.

“Ayaw ko na masira yun since people… may mga bata na tumatawag sa akin na ‘Mayor, San Pedro Calungsod.’

“I wanna embrace that, gusto ko i-embrace iyon.”

Kaya malamang ay hindi na mangyari ang sinabi niya dati na may gagawin siya sa Cosmo Bachelor Bash na na ikagugulat ng marami.

“Oo nga po, e, mukhang hindi na.

“Kung magagawan po natin ng paraan na, iyon nga, hindi siya maka-conflict sa movie, at ipapaalam ko rin kina Direk kung papayag sila.

“Siyempre para sa ikakabuti ng film na ito, so iisipin ko rin na I don’t want people to think na, ‘Uy, masyado kang nagpapaseksi!’”

Priority niya raw talaga ang San Pedro Calungsod.

“Ito talaga. It’s gonna be my first title film.

“At naudlot yung Lam-ang, e. So sa nangyari dati, sobrang ang laki ng impact sa akin nun. Nalungkot talaga ako dun.

"And now I have one to embrace. Hindi ko papakawalan ito kaya talagang pagbubutihin ko ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN