Chito Miranda seeks help from NBI to track uploader of private video with Neri Naig

Natiyempuhan ng GMA News Team ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda nang dumulog ito sa tanggapan ng National Bureau of Investigation kanina, August 12, para matunton ang nagpakalat sa Internet ng sex video ng kasintahang si Neri Naig.


Dumulog ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw, August 12.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA-7, aksidente raw natiyempuhan ng news team si Chito na pumasok sa NBI Headquarters ngunit hindi raw ito nagbigay ng anumang pahayag.

Ayon sa source ng GMA News, dumiretso raw si Chito sa Cybercrime Division ng NBI.

Humingi raw ng tulong si Chito para malaman ang puno’t dulo ng pag-leak sa Internet ng sex video nila ng kanyang girlfriend na si Neri Naig.

Hiniling din daw ni Chito sa NBI na matulungan siyang malaman para matunton ang identity ng nag-upload ng video sa Internet.

Matatandaang noong August 3 ay ipinaalam ni Chito sa kanyang Instagram account ang pagkalat ng “private video” nila ng girlfriend.

Paliwanag pa niya, nanakaw daw ang kanyang hardrive sa bahay kung saan naka-save ang naturang video.

(Read: Chito Miranda admits "private video" with girlfriend Neri Naig)



NBI AND DOJ SUPPORT. Ayon pa sa ulat, nagsumite rin daw si Chito ng kanyang affidavit sa opisina ni NBI Director Nonnatus Rojas para sa kanyang pagbibigay ng go signal sa maaaring gawing hakbang ng Anti-Crime Division ng ahensiya tungkol sa kanyang reklamo.

Ayon naman kay Justice Secretary Leila de Lima, makakaasa si Chito ng tulong mula sa NBI.

Aniya, “Minsan naabuso ang… you know, the cyber technology, or the Internet naabuso ’yan, nilalapastangan na rin ang mga karapatan and the privacy of certain individuals.

“So, puwedeng magpatulong sa NBI.”



WALA PA AKONG ANAK. Samantala, ilang araw na ang nakalilipas, isang gossip blog ang nag-upload ng mga diumano’y exchange of conversations sa pagitan ni Chito at ng diumano’y anak niya.

Hindi man kumpirmado kung authentic nga ang naturang Facebook posts, kaagad na kumalat ang balitang may anak na raw ang bokalista ng Parokya Ni Edgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ito raw ang sinasabing nagpakalat ng private video nina Chito at Neri.

Pero itinanggi ito ng mang-aawit sa official Facebook fanpage ng Parokya Ni Edgar, na may lagpas tatlong milyong followers na, noong August 8:

Musta? Sorry kung medyo matagal akong hindi nakapag-post. Daming nangyari sa akin this week eh.

Anyway, kaka-uwi lang namin mula sa tvc shoot para sa bagong commercial ng Tanduay.

Nagalit mga kabanda ko sa akin kasi may mga anak na daw pala ako tapos di ko man lang sila sinabihan.

Nagtampo tuloy si Dindin kasi bakit hindi ko daw sya kinuhang ninong.

Nag-sorry ako kasi kanina ko lang din nabalitaan na may mga anak na pala ako. Akala ko talaga chismis lang!

Parang gago yung nag-imbento nung chismis na yun. Hehe!

Buti nalang di hamak na mas gago mga kabanda ko. Hahaha!

Bukas pala nasa Ormoc kami kasama ang Tanduay 1st 5 bands. Tapos Cebu naman sa Saturday.

Kitakits!

---@chitomirandajr

Nakaka-miss mag-post. Namiss ko kayo. Namiss ko ’tong FUNpage.

Buti nalang walang iwanan sa Parokya.

Peace and Rakenrol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN