Richard Yap more comfortable in singing than acting

Richard Yap admits getting nervous about the movie version of Be Careful With My Heart. He says, “Most of them are old-timers na sa MMFF, we’re the newest entry from Star Cinema, of course, we’re a little bit nervous. But we’ll just try our best and hope that people will come in to support us."


Kung papipiliin sa pagitan ng pag-arte at pagkanta, mas magiging kumportable raw si Richard Yap sa huli.

Ito ang sinabi ni “Ser Chief” ng toprating daily soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa press conference para sa pagpirma niya ng endorsement deal sa Rebisco noong Sabado, August 10.

“I think I will be more comfortable in singing since acting is something new to me,” sabi ni Richard, na kumanta ng 50thanniversary song ng Rebisco na pinamagatang “Salamat.”

Lingid sa kaalaman ng karamihan, sabi ni Richard, “I’ve really been interested in music.

“Even when I was in high school, I was part of the Glee Club. We used to join contests, nationwide and regional, ganun.

“Actually, we won second place for Visayas.

“Basically, music has been part of my life.”

Bago ang kantang “Salamat,” nakapag-record na rin ng ilang kanta si Richard kasama ang on-screen partner niyang si Jodi Sta. Maria para sa soundtrack album ng Be Careful With My Heart.

Bukod dito, nag-record na rin ang dating commercial model ng ilang kanta para naman sa kanyang debut album sa Star Records, na nakatakdang ilabas sa September 9.

Kaya naman sabi ni Richard tungkol sa kanyang bagong product endorsement, “This is also a very good start since I’m launching an album with Star Records.

“I think some of the limited editions will have this song as a bonus.”

Ayon kay Richard, ang kanyang debut album ay maglalaman ng sampung cover songs.

Hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye, pero sabi niya, “Basta yung mga old favorites that we want to revive so that the new generations would appreciate also.”



BE CAREFUL WITH MY HEART MOVIE. Bukod sa album, magiging abala rin si Richard sa pagsasapelikula ng teleseryeng Be Careful With My Heart sa susunod na buwan.

Ang movie version ay official entry ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival ngayon taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ll be starting to shoot in September,” sabi ni Richard.

“It’s part of MMFF so we have to… Everybody who shoots for a movie is nervous because we have to take in consideration if people will watch it because the movie is something else.”

Bukod pa rito, nakadagdag-kaba rin daw ang pagiging baguhan niya sa taunang film festival.

“Most of them are old-timers na sa MMFF, we’re the newest entry from Star Cinema, of course, we’re a little bit nervous.

“But we’ll just try our best and hope that people will come in to support us.”

Dahil din daw sa movie project na ito, mahihinto na ang shows ng Be Careful With My Heart cast sa ibang bansa.

“Singapore is the last leg of the tour.

“Because of our schedules, we can’t do anymore [out-of-the-country tours].

“Maybe we can do malls shows or one day shows lang,” sabi ni Richard.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Richard kung ano ang magiging kasunod niyang proyekto kapag natapos na ang Be Careful With My Heart.

“Of course, I want to do other project also.

“But for this year, we keep our mind to the present muna.

“We try to give our best muna. Hindi muna namin iniisip what comes next,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN