Steven Silva on rumored breakup with Diva Montelaba: “You can just say we’re giving each other space right now.”

Steven Silva on current status of relationship with Diva Montelaba: “I still text her, we still talk, wala namang masyadong nagbago. Siyempre, kahit na anong mangyari, we’re still friends.”


May mga kumakalat na balitang break na sina Steven Silva at ang girlfriend nitong si Diva Montelaba.

Tamang-tamang dumating si Steven Silva sa ginanap na gift-giving ni Enzo Pineda sa Alabang Elementary School noong Linggo, August 11. Kaya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay itinanong namin sa Kapuso star kung totoo ang balita.

Sabi niya, “Siguro ngayon, medyo naging busy kami sa mga schedules namin. We haven’t seeing each other that often.

“Si Diva naman, naging busy siya sa Maghihintay Pa Rin.

“Ako naman, I just started with Akin Pa Rin Ang Bukas, so medyo ano kami ngayon... we still talk.

“Nag-uusap pa rin kami ni Diva, nagkikita pa rin kami sa Sunday All Stars.

“Siguro right now, we weren’t able to give so much time for each other.”



ARRANGEMENT. Isang diretsong tanong uli ang ibinato namin sa kanya: Break na ba sila o hindi pa?

“You can just say we’re giving each other space right now,” tugon niya.

Gaano katagal ang “space” na ibinibigay nila sa isa’t isa?

“Hindi ko alam, e, I’m not so sure.”

Mas okay ba siya ngayon sa ganitong set-up?

Ani Steven, “Siyempre mahirap, but I guess it’s still the best, para pareho kaming makapag-focus sa trabaho namin.

“She can still focus on taping, I can focus on my work.

"But at the same time, alam ko naman na nandiyan pa rin si Diva.

“I still text her, we still talk, wala namang masyadong nagbago.

“Siyempre, kahit na anong mangyari, we’re still friends.”

Nali-link ngayon si Diva sa isa pang StarStruck alumnus na si Dion Ignacio.

Reaksiyon dito ni Steven, “Wala akong alam doon, e.

“Siguro kasi, nandoon si Dion sa Maghihintay Pa Rin, I don’t know…”

Sa parte niya, wala ba siyang ibang dine-date?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, I really wanna focus on my work right now,” sagot ng StarStruck V Ultimate Male Survivor.



SINGING TALENT. Bago pumunta sa gift-giving event ni Enzo si Steven, nanggaling muna siya sa Sunday All Stars—ang musical-variety show ng GMA-7.

Marami ang nag-tweet at pumuri sa ipinakita niyang pagkanta at halatang natuwa siya sa mga natanggap na feedbacks.

Sabi niya tungkol dito, “Bihira na kasi akong kumanta.

“Pero kanina, dahil sa Sunday All Stars, may input kami, palagi kaming may meeting, so we can tell what we want to do.

“So, sinabi ko sa group naming Tweet Hearts na gusto ko talagang kumanta.

“Actually, matagal na, matagal ko nang gustong kumanta sa Sunday All Stars—they gave me a chance.

“Ang kinanta ko kanina, ’Loving You’ by Ric Segreto, and I think it was a good chance na para ma-display ko ang boses ko.

“Maraming nag-comment, at natuwa naman ako kasi matagal na akong naghintay para maipakita ang boses ko.

“Marunong talaga akong kumanta, and it’s funny dahil yung mga comments sa mga judges, parang revelation, na hindi nila alam na marunong akong kumanta.”

Ang talento ba niya sa pagkanta ang isa sa hindi nakikita ng GMA-7 sa kanya?

Ayon kay Steven, “Siguro, hindi naiakita nang maayos.

“Kasi, noon sa Party P [Pilipinas], marami kami, kapag kumanta ako, saglit lang.

“Ngayon naman, medyo nabawasan ang mga artists sa Sunday All Stars, I really have the chance to show my talent."

Dugtong pa niya, “First love ko talaga ang singing and I’ve been requesting na sana, puwede akong kumanta ng isang theme song ng teleserye.

“And from there, mapapansin din ng mga tao na may boses pala si Steven Silva.

“At kung matuloy yun, baka from there, mabigyan din ng chance to have an album.”



NEW SERYE. Kakaiba naman ang magiging karakter ni Steven sa upcoming primetime series ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas, na pagbibidahan nina Lovi Poe at Rocco Nacino. Mula ito sa direksiyon ni Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kanto boy ako, sabi rin sa akin ni Direk, ‘Alam mo, hindi bagay sa iyo ang role na ito.’

“Pero ang sabi sa akin, isipin ko na lang na yun ang bahay ko talaga and we should be comfortable and do our best.

“At siyempre, it’s a new experience and I’ll do my best.”

Nakikita ba niyang challenge ang karakter niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas?

“Oo,” sagot ni Steven.

“Weird, di ba, kagagaling ko ng Indio na ang challenge ay Tagalog, malalim na Tagalog.

“Ito naman, yung Tagalog na parang sa kanto, hindi na formal na Tagalog.

“Challenge rin sa akin and feeling ko, I’ll learn a lot from the show.”



CLOSE FRIENDS. Sa pagdalo ni Steven sa gift-giving ni Enzo ay napatunayan na hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila mula pa noong StarStruck days nila.

Si Steven ang itinanghal na male winner, habang si Enzo naman ang First Prince.

Sabi ni Steven, “Mula sa StarStruck hanggang ngayon, close talaga kami ni Enzo.

"Siyempre, pareho kaming galing sa StarStruck and yung mga times namin sa showbiz, we’ve been there together… StarStruck, Party Pilipinas, Sunday All Stars—marami kaming experiences that we’ve been there.

“And I see Enzo na natutuwa ako, kahit birthday niya, he’s giving back to these kids.

“Ganoon talaga si Enzo, he’s always giving back.

“At alam nating lahat na blessed si Enzo and he’s still giving back.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN