Ken Chan denies involvement in Bea Binene-Jake Vargas breakup

Bagamat matalik na magkaibigan lamang daw sila, hindi inaalis ni Ken Chan ang posibilidad na magkagusto siya kay Bea Binene. Sabi ng young actor, “Bea is a good girl, hindi malayong mangyari na kahit sinong lalaki ang ma-in love sa kanya dahil she’s almost perfect…”


Ang GMA-7 young actor na si Ken Chan ang nabalitang isa sa mga pinagselosan ni Jake Vargas kaya sila nag-break ng ex-girlfriend niyang si Bea Binene.

Si Ken ay nakasama nina Jake at Bea sa nagwakas nang serye ng GMA-7 na Home Sweet Home.

Pero bago ito, lumabas na ang tsinitong young actor sa mga seryeng Tween Hearts, Time of My Life, at Yesterday’s Bride; at sa mga pelikulang Just One Summer, My Kontrabida Girl, at Tween Hearts Class of 2012 ng GMA Films.

Napapanood din siya sa Walang Tulugan With The Master Showman kasama si Jake.

Naging malapit sina Ken at Bea sa isa’t isa dahil sa ilang projects na pinagsamahan nila, lalo nitong kakatapos na Home Sweet Home.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week kay Ken sa 7thWushu Asian Competition, kung saan si Bea ang sports ambassadress, hindi nito itinangging pinagseselosan siya ni Jake.

Sabi niya, “Hindi lang po siguro ma-gets ni Jake yung mga nangyayari.

“Alam naman po natin na hiwalay pa yung nangyari sa dalawa and I respect that.

“E, ano naman po kasi kami ni Bea, e, talaga pong magkaibigan, at lahat po ng ginagawa ni Bea ay nakaka-inspire.

“Tulad nitong wushu, yung mga charity works niya, napapasama ako doon at gusto ko rin itong ginagawa ko.”



OUTREACH PROJECT. Kamakailan lang ay nagsama sina Ken at Bea sa isang outreach charity project ni Bea sa probinsiya na rason ng matinding selos ni Jake.

Ipinaliwanag na ni Bea na walang kulay o malisya ang pagsasama nilang ito ni Ken.

Bakit hindi maintindihan ni Jake na wala naman talaga silang understanding ni Bea maliban sa pagiging magkaibigan lang?

Sagot dito ni Ken, “Dahil dumaan sa puntong sobrang minahal ni… alam ko, nakatrabaho ko siya [Jake] simula sa Tween Hearts hanggang sa Home Sweet Home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko naman na nagmahalan naman sila sa isa’t isa, lalo na si Jake, sobrang minahal niya si Bea.

“Ngayong nag-break sila, so sa tingin ko, kung sinuman ang nali-link na kasama ni Bea na lalaki, e, madali siyang maapektuhan.

“Kasi nga hilaw pa sa kanya, pero siguro in time maiintindihan niya lahat.”



ANOTHER PROJECT. May isa pang project si Ken na makakasama niya si Bea. Pero dahil wala pang go-signal mula sa management ang pag-a-announce dito, minabuti muna ng dalawa na huwag muna itong sabihin sa press.

Pero balita namin na isa ito sa rason ng matinding away nina Jake at Bea. Gusto raw kasi ni Jake na si Bea ang makasama.

Paglilinaw ni Ken, “Siguro may ganoong factor.

"Hindi po maiaalis yun na pagseselos dahil nagkakasama talaga sina Bea at Jake sa mga ganitong project, pero ako yung napili."

Nagkausap na ba sila ni Jake tungkol sa mga selosan na ito kay Bea?

Ayon kay Ken, “Opo. Kinausap ko po siya sa cell phone at nagkaintindihan naman kami, that was a one month ago.

“Kinausap ko siya dahil ayoko… dito kasi sa showbiz, dahil baguhan pa lang ako, hangga’t maaari ayoko yung mas maraming nakakaaway.

“Which is hindi naman ganoon ka-big deal dahil alam kong wala naman akong tinatapakan or maling ginagawa.

“Kung maaari, hangga’t hilaw pa at meron akong nasasaktang tao o natatapakan na hindi ko namamalayan, inaagapan ko kaagad.

“Ayoko kasi na may nasasaktan akong tao, lalo na artista.”

Ano ang sagot sa kanya ni Jake?

“Nagpa-thank you po siya, naintindihan niya, nagkaintindihan po kami.

“At sana, hanggang ngayon naiintindihan niya lahat ng pinag-usapan namin—alam ko po yun.”



EXPLANATION. Ipinaliwanag naman ni Ken ang pagsasama nila ni Bea sa out-of-town charity work, na naging rason para kumprontahin ni Jake ang kasintahan pa niya noong young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa GMA Foundation po yun.

“Sumama po ako kay Bea at in-invite po ako ng Kapuso na pumunta ng Ilocos Norte… malayo, by land lang kami.

“Nasa Ilocos na po kami kaya nag-take advantage na po kaming kumain sa labas.

"Bakit hindi? Madadaanan namin yung Vigan, makakapamili kami, we’re just having fun.

“Siguro na-misinterpret lang niya yun.”

Ano ang nararamdaman ni Ken at nasasabing isa siya sa dahilan ng breakup nina Jake at Bea?

Tugon niya, “Siyempre, hindi mo maalis sa akin na malungkot din po.

“Kami naman po ni Jake ay magkaibigan… and until now I believe na magkaibigan pa rin kami.

“Kaya lang siyempre, hindi mo maiaalis na ngayon may conflict na kaming dalawa dahil nga sa mga nangyayari po.

“Nalulungkot po kami dahil simula pa lang sa Tween Hearts, magkakaibigan na kami, lagi kaming naghaharutan, nagkukulitan.

“Ngayong nagma-mature na kami, nag-iiba na ang mga perspective o point of view ng isa’t isa.

“Lalo na sa puntong nangyari ito, so nalulungkot po ako.”

Hindi ba natatakot si Ken sa fans ng loveteam nina Jake at Bea? May mga natatanggap na ba siyang mga bashing?

“A lot!” kumpirma ni Ken.

“Noong i-interview po ako, tinanong rin sa akin about the fans, ‘yang mga JaBea.

“Sabi ko, alam kong mangyayari at mangyayari, alam kong may ibabato sa aking negative.

“Nakikipag-usap ako sa mga JaBea, kasama yung fans club ko po.

“Nakikipag-usap ako sa kanila at ini-explain ko sa kanila, iniisa-isa ko sa Twitter, hangga’t maaari i-explain ko sa kanila.

“Naiintindihan naman nila at sila pa nga mismo ang nagpapasalamat sa akin.”



HAVING FUN. Hanggang saan aabot ang pagiging close nila ni Bea?

Natawa si Ken at sinabing, “Hindi ko po alam!

“But right now, we’re just having fun, and my parents and Bea’s mom, they’re close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako dahil nakaka-bonding ko si Bea at ang dami kong natutunan sa kanya at marami rin siyang natutunan sa akin—I think it’s a good thing.”

Handa na ba siyang ma-link sila sa isa’t isa?

Mas malakas ang tawa sa puntong ito ni Ken.

“Bea is a good girl, hindi malayong mangyari na kahit sinong lalaki ang ma-in love sa kanya dahil she’s almost perfect… si Bea for me.

“She’s a good girl and kahit wala siyang time na makapag-aral, she’s very educated.

“You can see the way she moves, the way she talks—matalinong bata, nakikita kong napakaresponsable niyang anak.”

Kahit papaano ba ay nakakatulong si Ken para ma-divert ang atensiyon ni Bea sa iba at hindi ito malungkot dulot ng breakup nila ni Jake?

“Yeah, I can say that! And it’s my goal,” mabilis niyang sagot.

“Dahil bilang isang malapit na kaibigan, ayokong makita yung mga kaibigan ko, lalo na yung mga babae na nalulungkot o nadi-depress dahil lang sa isang lalaki.

“Sana yung goal ko na yun ay makuha ko at mapasaya ko si Bea.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN