Sunshine Cruz claims Cesar Montano "raped" her on Mother’s Day

Naghain ng complaint-affidavit kaninang umaga, August 13, ang aktres na si Sunshine Cruz laban sa asawa niyang si Cesar Montano dahil diumano sa paglabag ng aktor sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Sinamahan si Sunshine ng kanyang abugado na si Atty. Bonifacio Alentajan, habang sinumpaan niya ang kanyang affidavit sa harap ni Assistant City Prosecutor Edilu Hayag.


Naghain si Sunshine Cruz ng complaint-affidavit laban sa asawa niyang si Cesar Montano dahil diumano sa paglabag ng aktor sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Kasama ang kanyang abugado at ninong din nila ni Cesar sa kasal na si Atty. Bonifacio Alentajan, sinumpaan ni Sunshine ang isinumiteng affidavit sa harap ni Assistant City Prosecutor Edilu Hayag sa Quezon City Hall of Justice kaninang umaga, August 13.

Hindi idinetalye ni Sunshine sa media ang mga reklamo niya laban sa asawa. Basahin na lang daw namin ang affidavit, na ipinamahagi ng kanilang kampo sa media, at doon daw nakapaloob ang lahat kung paano siya inabuso ni Cesar.

Sabi ni Atty. Alentajan, lahat ng klase ng pang-aabuso ay naranasan ni Sunshine mula kay Cesar.

“Lahat—psychological, emotional, financial,” sabi ng abugado ng aktres.



“DOMINEERING, PHILANDERING HUSBAND.” Sa unang bahagi ng sinumpaang affidavit ni Sunshine, ipinaliwanag ang mga charges laban kay Cesar sa ilalim ng R.A. 9262.

Sa bahagi ng “Specification of the Charges” ng affidavit ni Sunshine, inilirawan si Cesar bilang “very domineering, philandering husband.”

Ayon sa affidavit, “[Cesar] demanded full submission and obedience from complainant (Sunshine Cruz), while he continually prohibits the latter from inquiring on his own affairs.

Hindi rin daw umuuwi minsan si Cesar sa kanilang bahay.

Kapag nagtatanong naman daw si Sunshine tungkol sa hindi pag-uwi ni Cesar, “respondent would violently react, and subjected petitioner to harsh verbal abuses.”



"ILLICIT EXTRA-MARITAL AFFAIR." Nakasaad din sa affidavit na patuloy pa rin daw ang “illicit extra-marital relationship” ni Cesar sa isang babae na nagngangalang Krista Miller.

Si Krista ay nakasama ni Cesar sa pelikulang pinagbidahan at idinirek ng aktor.

Nakakabit sa Annex “E” ng naturang affidavit ang kuha sa Instagram account ni Krista ng mga iniregalo raw ni Cesar sa kanya—Abercombie and Fitch shirt for men, chocolates, saka iPhone 5—na ayon kay Sunshine ay mga bagay na iniregalo niya sa asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa affidavit din ang mga sulat ng anak nina Cesar at Sunshine kung saan inilahad nila kung paano nila nabasa ang mga palitan ng text messages nina Cesar at Krista.

Dahil daw sa "foregoing and other series of philandering and womanizing activities" ni Cesar kaya nasira ang pagsasama nila ni Sunshine.



RAPE ACCUSATION. Inisa-isa rin sa sinumpaang affidavit ni Sunshine ang diumano’y “violent acts” ni Cesar.

Kabilang na rito ang insidenteng nangyari raw noong May 12, 2013, Mother’s Day.

Bigla raw pumasok si Cesar sa tinutuluyang bahay ni Sunshine, na noong oras na iyon ay nag-iisa lamang, “and then and there respondent violently attacked her, employed physical violence, and raped the complainant.”

Dagdag pa rito, “Respondent continued and still continues to harass complainant by threatening her with physical harm, obscene accusations, and grave defamations."

Naka-attach din sa affidavit ang mga palitan ng kanilang text messages kung saan paulit-ulit diumanong minumura ni Cesar si Sunshine.



CESAR’S ACCUSATION. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media pagkatapos ng kanyang panunumpa, itinanggi ni Sunshine ang ibinibintang sa kanya ni Cesar na pagkakaroon niya ng boyfriend.

Tinanong ng PEP kung meron na nga ba siyang boyfriend pagkatapos nilang maghiwalay ni Cesar.

Sagot ni Sunshine, “Natatawa na lang ako. Sa palagay n’yo, ibabalik ko sa inyo… wala.

“Kayo naman makapagpatunay kung anong klase akong babae at kung sino lang ang minahal ko."

Nang inilabas daw ni Cesar ang tungkol sa pagkakaroon diumano niya ng boyfriend sa Instagram, nagkausap daw sila sa telepono.

Kuwento ni Sunshine, “Nung nag-post siya sa Instagram, na kinalat niya yung may boyfriend ako, he was the one who keeps on calling me.

“I asked him, ‘Why did you do that?’ Sabi ko, ‘That’s wrong, that’s bad.’”

Sagot daw ni Cesar sa kanya: “Hayaan mo na sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Hindi mo naman puwedeng hayaan lang,’ sabi ko.

“That’s bad accusation, I mean… masakit yun.”



TEMPORARY PROTECTION ORDER. Bago naghain ng complaint-affidavit si Sunshine para sa R.A. 9262, nauna nang naghain ang aktres ng petition for Temporary Protection Order (TPO) laban kay Cesar.

Na-grant na raw ng QC Regional Trial Court ang petisyon na ito ni Sunshine ilang linggo na ang nakalilipas.

Dinidinig naman ngayon ang petition for Permament Protection Order (PPO) na inihain ni Sunshine laban kay Cesar.

Ayon kay Atty. Alentajan, magkakaroon daw ng pangalawang hearing sa August 15 pero hindi na sila makakapagsalita tungkol dito dahil sa gag order mula sa korte.

Kaya napagpasyahan na raw ni Sunshine na maghain ng reklamo laban kay Cesar ay dahil sa ayaw na raw ibalik ng aktor ang tatlo nilang anak na sina Angelina Isabelle (11), Samantha Angelene (8), at Angel Franchesca (7).

Ayon kay Sunshine, “Kasi pag nasa work naman ako, hinahayaan ko na kunin niya ang mga bata. Pero ito, hindi na niya isinoli. Puro tomorrow, tomorrow.

“Sabi ng mga bata pag tinatanong ko, ‘When are you coming home? Daddy said tomorrow.’

“Yung tomorrow na yun tumagal na nang tumagal hanggang sa… I realized na he’s not going to return my kids.”

Sinundan namin ng tanong kung nagawa ba niyang puntahan ito sa bahay ni Cesar para kunin ang mga bata.

Sagot ni Sunshine, “Magmula nang maghiwalay kami, I don’t go to that house anymore.

“My kids are texting me and telling me to pick them up, because they missed me already and they want to go home.

“Pinakuha ko sa driver, and I was not allowed… hindi sila pinalabas ng bahay.”

Sabi pa niya, “I don’t go to his house. When I left the house, I promised myself that I’m not going back to that house anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinakuha ko sila sa driver and hindi naman pinalabas. Ano ang gagawin ko, mag-iskandalo sa labas?”

Kaya kahit na anong mangyari, gagawin daw ni Sunshine ang lahat para maibalik sa kanya ang mga bata.

“Ang sa akin, ang ipinaglalaban ko dito, mga anak ko. I missed my children,” maluha-luhang pahayag ng aktres.

Dagdag niya, “Every day nakaka-text ko naman ang eldest ko since siya lang naman yung may cell phone.

“I always tell her that I missed them. Yun lang, nami-miss ko na, e.”

Pursigido raw si Sunshine na ituloy ang kasong ito alang-alang sa kanyang mga anak.



ANNULMENT. Nung naghiwalay sila ni Cesar, ilang beses din daw napakiusapan ng aktor si Sunshine na magkabalikan sila.

Pero sa lumalalang hidwaan nilang mag-asawa, mukhang malabo na raw itong mangyari.

Sabi ni Sunshine, “He was asking for even a month to give him a chance na ipakitang nagbago na siya. But thirteen years is enough.

“Ayoko na. It’s something that doesn’t make you happy anymore and makes you miserable, bakit mo itutuloy yun?”

Napapag-usapan na rin daw nila ni Atty. Alentajan ang ipa-file na annulment case, pero tapusin daw muna nila itong mga unang naisampang kaso bago sila tumuloy sa panibago pang kaso.

“Sabi nga ni Ninong [Atty. Alentajan], one at a time,” pahayag ng aktres tungkol sa binabalak na annulment.



NO RESPONSE FROM CESAR. Sinubukan ng PEP na hingan ng statement si Cesar, pero hindi na ito makontak pati ang ilang taong malapit sa kanya.

Nakausap din ng PEP si Ricky Lo na sinusubukan ding makapanayam si Cesar para sa Startalk. Sinabi nitong nakausap niya si Cesar pero tumanggi itong magsalita dahil daw sa gag order.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN