Gerald Anderson defends girlfriend Maja Salvador from bashers

Gerald Anderson politely refuses to give details about his relationship with Maja Salvador: “Yung status po namin sa relationship namin, open po sa lahat. But ‘yung sa relationship po mismo, it’s not open.”


“You know, may feelings din kami, tao rin kami.”

Ito ang sinabi ni Gerald Anderson nang tanungin tungkol sa Instagram post ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador kahapon, August 12.

Sa nasabing post, pinakiusapan ng Kapamilya actress ang kanyang supporters na manatiling tahimik na lamang sa mga negatibong isyung ibinabato sa kanya ng kanyang bashers.

Matatandaang dumami ang naging haters ni Maja sa social networking sites nang maging boyfriend niya si Gerald.

Si Gerald ay dating boyfriend ni Kim Chiu, na dating matalik na kaibigan naman ni Maja.

(Read: Maja Salvador says Gerald Anderson took a "big risk" by admitting their relationship)

Hindi raw maiiwasan ang ganitong uri ng mga tao, ayon kay Gerald, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bloggers conference na inihanda para sa cast ng OTJ kanina, August 13.

“Lahat naman ng artista may bashers. Hindi mawawala ‘yon kahit sino ka man,” ani Gerald.

Sa tingin ng Kapamilya actor, umabot na rin ang girlfriend niya sa puntong sumusobra na ang bashers.

Aniya, “Siyempre, umabot din sa point na parang sumusobra din.

“Hindi porke’t parang artista lang kami, parang wala lang sa amin kapag may nagba-bash.

“Siyempre, you know, may feelings din kami, tao rin kami.

“Siguro, umabot na rin siya sa point na ano, ganun.”

Marahil dahil dito kaya naging tikom na rin ang bibig ni Gerald sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanilang dalawa ni Maja.

Nang tanungin ng press kung paano silang dalawa ngayong abala sila sa trabaho, sabi ni Gerald, “Siyempre, sa amin na po ‘yon.

“Yung status po namin sa relationship namin, open po sa lahat.

“But yung sa relationship po mismo, it’s not open.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN