Sid Lucero and girlfriend Bea Lao welcome their baby girl

Nanganak na via caesarean section ang girlfriend ni Sid Lucero na si Bea Lao kagabi, August 12, ng isang malusog na baby girl. Pinangalanan ng magkasintahan ang kanilang anak bilang Halo Eve.


Nagsilang na ang girlfriend ni Sid Lucero na si Bea Lao ng isang malusog na baby girl kagabi, August 12.

Pinangalanan nila ang kanilang anak na Halo Eve Eigenmann.

Nanganak si Bea sa pamamagitan ng caesarean section bandang alas-onse kagabi. May timbang ang bata na 7.2 lbs.

Sa maikling text message ni Sid sa PEP contributor na si Gorgy Rula ngayong gabi, August 13, sinabi nitong: "Mom and baby are both doing fine. Please send my love to all our Kapuso family and friends..."

Dagdag pa ng aktor, "Thank you to everyone who’s sending good wishes. It’s a truly happy time!"

Si Bea ay miyembro ng all-female band na General Luna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN