Rocco Nacino realizes his shortcomings in acting after working with director Laurice Guillen

Rocco Nacino on working with Direk Laurice Guillen: "Ako, I like it when she’s teaching me. It reminds me na I have so much to learn pa. Kung ano meron ako ngayon, alam kong hindi pa sapat."


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino sa taping ng upcoming primetime teleserye ng GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas sa Legarda Station ng LRT Line 2 noong Sabado, August 10.

Kasama niya sa soap si Lovi Poe bilang leading lady at ang direktor naman nila ay si Laurice Guillen.

Paglalarawan ni Rocco sa kanyang role, “Isa akong manloloko dito na artist din.

"So, madalas ay nagpapalit-palit ako ng character. Medyo mahirap kasi I don’t maintain one character here.

"Pero Direk Laurice naman helps and guides us.

"Although nakakapagod, pero very fulfilling. Iba ang pakiramdam.

"At the same time, challenge ito sa akin. Natsa-challenge ang pagiging isang actor ko dito.”

May certain actor ba siyang ginawang inspirasyon para magawa niya nang tama ang kanyang role?

Nangiting sabi ng Kapuso actor, "Siguro si Leonardo DiCaprio sa Catch Me If You Can, parang ganun.

"Isa siyang manloloko pero pag-uwi niya sa bahay, heto na ako.

"I watched that movie kaya parang ganung peg ang naisip ko.

"I love playing my role here kasi kakaiba din nga sa ibang nagawa ko."

Dagdag pa ni Rocco, "And since second time namin ito ni Lovi na magkasama, we want something different.

"But then, yun pa rin, we have to maintain our kilig factor, yung chemistry namin sa isa’t isa.

"So heto, may twist yung character ko, which is nice dahil maraming malalaman si Lovi sa akin dito.

"Everything goes down and kakaibang situation ang mangyayari. So, it’s very interesting."

Huling nagkasama sina Rocco at Lovi sa afternoon soap na Yesterday’s Bride.

DIREK LAURICE. Tungkol naman sa direktor nilang si Laurice Guillen, ipinagmamalaki ni Rocco na makatrabaho ang isa sa pinakapremyadong direktor sa Pilipinas.

Kuwento niya, "Una, kinabahan ako. Pero she’s there, she’s guiding us sa buong taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Always reminding us kung sino ang character namin, tutok talaga siya sa amin.

"So, naibibigay namin kung ano ang hinihingi niya sa bawat eksena namin."

Marami raw siyang natututunan kay Direk Laurice in terms of acting techniques.

"During scenes, we’re doing workshops na. We’re doing exercises na.

"Pag nakuha na namin ang gusto niya, pasok kaagad sa eksena.

"So, maganda dun, natututukan niya talaga kami.

"She’s very particular about nuances... acting talaga. Natural na acting kasi actor’s director siya, e.

"Very particular siya sa kung ano talaga ang gusto niyang makita.

"Magaling talaga siya, hanga ako sa kanya. Kudos to Direk Laurice."

Aminado siya na bilang isang aktor, na-realize ni Rocco na marami pa talagang kulang sa kanya ngayong idinidirek siya ng award-winning director.

"Oh, yeah... oh, yeah!" bulalas ng 26-year-old actor.

"Ako, I like it when she’s teaching me.

"It reminds me na I have so much to learn pa. Kung ano meron ako ngayon, alam kong hindi pa sapat.

"Kasi when some people tell me na, ’O, okay na ’yan, magaling ka na diyan,’ ang tendency sometimes is believe them, di ba?

"Pero when you meet someone like Direk Laurice nga, wow, nandoon yung realization na marami pa palang kulang talaga sa akin.

"It really humbles me. Now, napi-feel ko yung confidence na I’m doing a good job here dahil sa kanya."

Na puwedeng magbigay sa kanya ng isa na namang acting award ang character niya dito?

Natawa si Rocco at sinabing, "Let’s see if I pull it off. Let’s see.

"May eksena kami dito na sa tingin ko ay mapapansin... pero hindi ako sure, ha? I don’t wanna sound like... di ba?

"Yung eksena na kailangan kong umamin kay Lovi kung sino ako dahil napapamahal na ako sa kanya and I really want her back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, yun ang mga dramatic moments ko. Doon, proud ako."

ENERGIZER. Para kay Rocco, energizer sa kanya ang isang magandang role lalo na kapag napapansin ang kanyang acting ability.

"It reall gives you a lot of energy kapag alam mong maganda ang papel mo. Kasi lalo kang ginagahan to really work hard.

"And then, kapag na-recognize pa yun, di ba, kakaibang kick yun sa sarili mo? Kasi, gaganahan ka talaga.

"For some, they say bonus daw ang acting awards, pero sa akin, it’s the main thing, e.

"Lalo na kapag baguhan ka pa lang tapos may award ka, wow!"

Sa unang pelikula ni Rocco na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa ay nakakuha siya ng awards mula sa Golden Screen Awards at Star Awards for Movies.

SAN PEDRO CALUNGSOD. Kaya nga sa Metro Manila Film Festival 2013 movie niya na San Pedro Calungsod, Batang Martir ay ginagawa niya lahat para higit pa siyang maging mahusay at kilalanin bilang isang magaling na aktor.

"I’m just doing my best," sabi ni Rocco.

"Heto kasi ang first full-length solo movie ko kaya I took it upon myself na kailangang seryosohin ko siya tulad ng ibang projects na nagawa mo—to really double my efforts.

"Nakakapagod ito sa akin kasi I really have to study Spanish. Kailangan kong matutunan ang tamang accents and pronunciations or else sasablay ako.

"I got the role kahit sinasabing replacement lang ako or whatever, it doesn’t matter."

Hindi rin daw siya takot na maikumpara sa original choice para sa role na si JM de Guzman, na temporarily nag-quit sa showbiz dahil sa personal na kadahilanan.

"No, I’m not," sabi ni Rocco.

"Well, una, hanga ako kay JM. He’s one of my favorite actors.

"Actually noon pa kami kinu-compare ni JM dahil medyo hawig kami. It doesn’t bother me much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s an honor for me and, yes, ang laking pressure sa akin, sobra. Kinakabahan ako.

"I just have to step up my own game."

Isa si Rocco sa pinakamaraming projects ngayon among Kapuso actors, ano ang pakiramdam niya dito?

"Very flattering!" bulalas niya.

"I don’t want to put it on my head na sinasabi nilang paborito ako ng GMA.

"Ako, I’m just doing my best, I do my job. I think may kanya-kanya lang kaming time.

"I do workshops... I just want to keep on growing and growing as an actor ’coz it’s a neverending process.

"It motivates me more na alagaan ang career ko and, more importantly, yung tiwala na ibinibigay sa akin ng GMA."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN