Senator Jinggoy Estrada pushes “Magna Carta for Journalists” anew

The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) acknowledges the effort of Senator Jinggoy Estrada to protect and promote freedom of the press and human rights through his proposed Senate Bill 380. However, the media group says the bill is “not applicable” to the present “context and environment” of the Philippine media


Muling isinumite ni Senator Jinggoy Estrada ang panukalang magkaroon ng exam for accreditation ang mga mamamahayag sa bansa.

Sa ilalim ng Senate Bill 380 o “Magna Carta for Journalists,” na isinumite ng actor-politician noong nakaraang buwan, kakailanganin nang kumuha ng professional journalism examination ang mga reporter, editor, at photographer.

“It is necessary for the enactment of a law that will ensure a living wage, an atmosphere conducive to productive journalism work, reiterate value of ethics, provide for development programs that will deepen the practice of their profession, and promote the defense and protection of freedom and human rights of journalists and their organizations,” saad ni Senator Jinggoy sa explanatory note ng SB380.

Bukod pa rito, nakasaad din sa bill na ito ang pagbuo ng Philippine Council for Journalists (PCJ) na siyang may karapatang magsagawa ng “Professional Journalist Examination” at magbigay ng accreditation sa mga mamamahayag.

Ang mga “accredited journalist” ay kailangang sumunod sa Code of Ethics na gagawin ng PCJ.

Anumang paglabag sa nasabing kodigo, ayon sa iminungkahing batas, “shall be ground for appropriate sanctions as may be determined by the PCJ after due process.”

Bukod dito, nakasaad din sa SB380 na, “Accredited journalist shall be entitled to all benefits and privileges that may be accorded to them by law, by their employers, and by the PCJ.”

Samantala, ang mga “non-accredited journalist” o mga hindi pumasa sa “Professional Journalist Examination” ay may kakayahan pa ring gawin ang kanilang trabaho bilang mamahayag.

Subalit, ayon sa SB380, “They shall enjoy only those benefits and privileges accorded to them by their employers.”

Ang nasabing bill ay nauna nang iminungkahi ni Senator Jinggoy sa Senado noong 2011.



NUJP REACTS. Hiniling naman ng National Union of Journalists of the Philippines sa senador na i-withdraw ang kanyang panukalang batas.

Sa isang statement na inilabas ng NUJP sa kanilang official website, muli nilang binanggit ang kanilang pagtutol sa nasabing “Magna Carta for Journalists.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa grupo, magkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng mga mamamahayag.

“We have said it before, when Mr. Estrada filed this same bill during the 14th Congress, we cannot subscribe to the notion of subjecting journalists to accreditation for purposes of regulating the profession.

“Obviously not by any state agency and no, not even through peer accreditation.

"We find it equally disturbing that under SB380, only accredited journalists shall be entitled to all benefits and privileges accorded them by the law, their employers and the PCJ.

“This, to say the least, is a frightening possibility and one that would see journalists, wittingly or unwittingly, discriminating against each other.”

Samantala, sa panayam naman ng GMA News kay NUJP Chairperson Rowena Paraan kahapon, August 13, sinabi niya, “Alam naman na siguro ng news organizations kung ano ang qualifications ng mga journalists na hina-hire nila."

Nabanggit din niya na maaaring hindi pa posible ang panukalang batas sa “context and environment” ng Philippine media sa ngayon.

“Itong bill na ito siguro applicable lang sa mga bansa na may high regard for freedom of the press and freedom of expression. Dito kasi sa atin, marami pang threats sa mga iyan,” ani Paraan.

Ang panukalang batas na ito ay kinakailangan pang sumailalim sa deliberations at botohan sa committee and plenary levels bago maipasa ng Senado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN