Actress-politician Lani Mercado on proposal to scrap pork barrel: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”

Tila may pinatatamaan ang actress-politician na si Lani Mercado nang mausisa tungkol sa proposal na tanggalin na ang prok barrel ng mga senador at kongresista. Sabi niya, "Kung merong kailangang imbestigahan, imbestigahan nilang lahat. Huwag silang mamili dahil kasama sa partido at hindi yung merong tina-target dahil may inaabangan sa 2016.”


“Time management” daw ang sikreto ng actress-politician na si Lani Mercado kung paano niya nagagawa ang kanyang iba’t ibang roles sa buhay—ina, asawa, lola, aktres, at pulitiko.

“Maayos naman po, napaka-busy ng schedule. Pero basta isisingit mo ang pahinga talaga. Isisingit mo nang isisingit,” sabi ni Lani nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mga Basang Sisiw last week.

Nakapagbakasyon din daw sila ng asawang si Senator Bong Revilla pagkatapos ng eleksyon, kung saan muling nahalal si Lani bilang kongresista ng Bacoor, Cavite.

Pero ayon kay Lani, hindi pa rin sapat ang naging bakasyon na iyon para makapahinga nang husto.

Kuwento niya, “Noong umalis kami, July 1, parang official function pa yun kasi nag-promote si Bong ng GMA Pinoy TV.

“Tapos, nag-attend ako ng Independence Day celebration sa New York. Tapos, pumunta kami ng L.A. at saka Las Vegas.

“Actually, I came in earlier pa, nagtagal pa si Bong. Kasi, kailangan kong mag-tape ng Mga Basang Sisiw.

“Tapos, may mga activities pa ang mga bata, magbubukas pa ang klase nila.”



SONA ISSUE. Naitanong din ng PEP kay Lani ang tungkol sa pagbatikos ng ilan na tila nagiging pabonggahan na ng damit ang taunang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sabi naman ni Lani tungkol dito, “Actually, hindi ako nag-attend noong hapon. Yung morning lang, yung importante, which is yung botohan.

“Kasi, tatlong taon na akong kongresista. Every time na magso-SONA, e, sabi ko, hindi naman yun ang importante.

“So, nag-decide na lang kami ni Bong na huwag na. Parang nagiging Oscars na siya. E, hindi naman yun ang essence ng SONA.”

Ibig sabihin, papayag siya na magkaroon ng uniporme ang mga pulitiko na dadalo ng SONA?

Sagot ni Lani, “Siguro, mag-tone down.

“Kasi, hindi mo naman maaano, talagang pinaghahandaan ng iba ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin lang, i-tone down.

“Minsan nga, may demands sa amin na ipakita kung ano ang isusuot mo… na yun ang ipi-feature. Bakit ba ganun?

“Pero I know of some congressmen na nagsa-shy away na nga rin, hindi na rin nag-a-attend ng panghapong event, because of that tradition.”



PORK BARREL. Ano naman ang stand niya sa proposal na tanggalin na ang pork barrel ng mga senador at kongresista?

Matatandaang nasangkot si Senator Bong sa kontrobersiya kaugnay ng pork barrel dahil sa paggamit daw nito ng pondo sa pekeng korporasyon.

“Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!” natatawang reaksiyon ni Lani.

Parang mahirap yatang mangyari yun?

“E, anong ibibigay namin?” balik-tanong niya.

“Hindi naman puwede yung sa pinaghihirapan namin dahil sa personal naman namin yun, sa mga anak, sa mga pang-araw-araw na panggastos namin.

“Basta importante lang, may transparency.

“Basta ako, meron akong ulat sa bayan. Isinusulat ko dun yung mga ipinapagawa ko.

“Siyempre, hindi ko na ina-accounting kung magkano ang ibinigay ko sa patay. Nilalagay ko lang, financial assistance, then yung amount.

“Kapag tsinek naman ang record sa City Hall, alam naman, nandoon naman. Hindi naman ‘yan nalalagay sa maling pamamaraan.

“Kailangan lang talaga may transparency.”

Dagdag pa ni Lani, “Ano lang, kung merong kailangang imbestigahan, imbestigahan nilang lahat.

“Huwag silang mamili dahil kasama sa partido at hindi yung merong tina-target dahil may inaabangan sa 2016.”

Ang posibleng tinutukoy ni Lani ay ang pagiging mula sa opposition party nila ni Bong, at ang nababalitang pagtakbo ng asawang actor-politician sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.



MGA BASANG SISIW. Tungkol naman sa Mga Basang Sisiw, kumusta ang mga kasama niyang child stars dito na gumaganap bilang mga anak niya?

Sabi ni Lani, “Ay, they are very good actors.

“Noong simula, medyo mahirap kasi bago pa. Mahirap kontrolin.

“Lalo na may maliit kaming chikiting, si Miko [Zarsadias], bale siya si Mickey. So, inglisero yun. Medyo may kakulitan ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman, nandiyan naman ang acting coach nila at saka mas takot sila at first kay Maxene [Magalona].

“Natutuwa ako how they… nakakatuwa yung bagets, si Miko, marami siyang tanong.

“Ini-English kami sa set. Nagno-nosebleed ang iba!

“Fun, fun ang set. Kapag seryoso, kapag iyakan, nade-deliver naman ng mga bata.”

Sabi pa niya, “Pero abangan nila yung mga eksena na mag-aabot kami ni Vicky [Maxene], kung ano ang mangyayari. May fight scene na.”

Sisimulan na rin daw ni Lani ang pelikulang Sugo, na kuwento ng Iglesia ni Cristo.

“Dapat July nag-start. Kasi, parang one year in the making. Para siya sa July next year, for their anniversary.”

Kasama rin sa pelikula si Bong, na gaganap bilang asawa niya.

“Ako si Ka Helen, asawa ako ni Bong. Present time kami. Si Bong si Ka Eduardo, siya ang head ngayon,” banggit ni Lani.



GIANNA REVILLA. Kinumusta rin ng PEP kay Lani ang anak niyang si Gianna Revilla na nagsimula nang mag-artista sa youth-oriented show ng GMA-7 na Teen Gen. Nawala na ang show sa ere pero wala pang kasunod na project si Gianna.

Sabi ni Lani, “Yung Teen Gen, miss niya, pero gusto naman niyang i-priority ang college.

“Kasi, tri-sem siya, three years lang. So, gusto niyang matapos talaga. Business Management siya majoring in Human Resource.

“Mag-e-eighteen na siya sa August 15.”

Pero sa halip na isang bonggang debut party, mas gusto raw ng anak na magkaroon ng charity event sa mismong birthday niya.

Ayon kay Lani, “Siya mismo, gusto niya na magkawanggawa.

“Kasi noon, nag-Sweet Sixteen birthday siya na parang mukhang eighteen na yun.

“Parang sabi niya, after that, ‘Mas gusto ko ang ginawa ko noong mag-fifteen ako.’

“E, noong mag-fifteen siya, kinonvince [convinced] ko siya na mag-celebrate among people with disability sa Bacoor. Nag-donate ng wheelchair, may pakain siya.

“Ngayon, nag-decide kami na sa orphan naman ng Halfway House ng Bacoor. Tapos may ibang grupo rin from another orphanage na pinagsama namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon ang mangyayari, parang ano lang, pakain, games… pero orphans naman ang kasama niya.”

Wala talagang debut party?

“Ayaw niya, e. Parang sabi niya, sige, ‘Magtipid-tipid muna tayo.’”

Ayon kay Lani, sa lahat daw ng anak nila ni Bong ay si Gianna talaga ang mahilig sa showbiz kaya itutuloy pa rin daw nito ang pag-aartista.

“Siya ang talagang showbiz, pero sabi nga niya, hirap siya noong nag-college talaga. From school, dire-diretso siya sa taping.

“Pero nami-miss niya, nami-miss niya ang grupo.

“Sana nga hindi nahinto ang Teen Gen, kasi wala pa namang pumapalit sa show.”



JOLO REVILLA. Natawa naman si Lani nang sumunod naming kumustahin sa kanya ang anak niyang “in love.”

“Sino do’n?... Si Jolo, vice governor na siya. Busy, very busy.”

Nakita niya ba noon na si Jolo talaga ang susunod sa yapak ni Bong sa mga anak nila?

Ayon kay Lani, “Yun naman talaga ang hilig niya. Mas politician siya than an actor.

“Pero alam ko, hinahanap-hanap din niya ang pagiging artista.

“Pero yun nga lang, dahil sa kabisihan niya sa politics, parang sideline na lang talaga sa kanya ang show business.”

Magugulat ba siya kung sabihin sa kanya ni Jolo na gusto na nitong magpakasal?

“Hindi ako… well, give it time. Parang may kailangan pa silang ayusin. Give it time, huwag nating madaliin,” nakangiti niyang sabi.

Ang tinutukoy ni Lani ay ang annulment ng kasal ng kasintahan ni Jolo na si Jodi Sta. Maria at ng estranged husband nitong si Pampi Lacson.

Kumusta si Jodi sa kanilang pamilya?

“Very supportive, very supportive naman siya. Like, noong panahon ng kampanya, nag-effort naman siya.

“At saka, magkasundo sila, e,” sabi ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN