Businesswoman Cristina Decena ambushed

Nakaligtas sa pananambang ang negosyanteng si Cristina Decena, ang kanyang anak, at driver sa may Banawe, Quezon City kahapon, August 14. Hinala ni Castillo, may kinalaman sa negosyo ang pagtatangka sa kanyang buhay.


Ibinalita kagabi, August 14, sa late-night news program ng ABS-CBN na Bandila ang pagkaka-ambush sa businesswoman na si Cristina Decena (o Cristina Castillo) sa Banawe, Quezon City, pasado ala-una ng hapon ng araw ring iyon.

Si Decena ay dating asawa ng komedyanteng si Ariel Villasanta at minsan ding naugnay sa aktor na si Phillip Salvador.

Ayon sa ulat, ang mga gunmen ay nakasakay sa isang motorsiklo nang pagbabarilin nito ang black Hyundai Starex kung saan lulan si Decena, ang anak nitong si Danilo Decena, at isang house helper na siyang nasugatan sa pamamaril at nilalapatan ng lunas sa isang ospital.

Minamaneho raw ng anak ni Decena ang sasakyan at binabagtas na nila ang kahabaan ng Banawe St. nang tambangan daw sila ng mga suspek na naka-motorsiklo.

Sa panayam kay Decena, sinabi nitong, "Ang gamit ko puno ng bala, butas lahat, pati ang sasakyan.

"Nakaalis na kami sa crime scene pero binabaril pa rin kami."

Nang mabangga ng sasakyan nina Decena ang motorsiklo pagkatapos ng pamamaril, nagtangka raw ang mga suspek na kumuha ng isang delivery van para makatakas.

Hinala ni Decena, may kinalaman sa negosyo ang pananambang sa kanila.

Pahayag niya, "Alam nating lahat na nasa real estate development ako, di ba? And at the same time ay meron akong lending business, siguro ay meron akong isang nasagasaan."

Nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang pulisiya upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pananambang kina Decena.

Kahit aminado na mahirap makuha ang identity ng mga suspek, tiwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na makakatulong sa kaso ang mga na-recover na slugs ng mga bala, ang naiwang helmet, at motor ng mga suspek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN