Piolo Pascual allows son Iñigo to enter showbiz but with limitations

When asked how he feels about his son Iñigo joining showbiz, Piolo Pascual replied, “Mixed feelings because it’s a cruel job. It’s a cruel world to be in. I enjoy showbiz but it has a trade off.”


“Hindi ako pumayag. Hindi siya mag-aartista,” pabirong sabi ni Piolo Pascual nang tanungin ng entertainment press tungkol sa unang pelikulang gagawin ng kanyang anak na si Iñigo.

Makakasama ang 15-year-old na anak ni Piolo sa indie movie na Relaks, It’s Just Pag-ibig. Ito ay ipo-produce ng Spring Films, kung saan isa si Piolo sa mga may-ari.

Inamin ni Piolo na pumayag siyang lumabas ang anak niya sa isang pelikula dahil magagamit daw ito ni Iñigo para sa scholarship sa kolehiyo.

“The reason why pumayag akong gawin niya itong indie film with Julian [Estrada] and Sofia [Andres] because ang usapan namin, gusto niyang mag-film sa college,” sabi ni Piolo sa press conference ng pelikula nila ni Gerald Anderson na OTJ kagabi, August 14.

Patuloy pa niya, “Para makakuha ng scholarship in film school, kailangan niya ng credentials at kailangang may nagawa ka.

“He’s doing theater in school.

“So, sabi niya, ‘Kapag may ginawa akong legit na pelikula, puwede kong gamitin yung pagkuha ng scholarship, mas makakatipid ako sa college.’

“But ‘yon lang ang deal namin.”



FIRST-TIMER. Kung tutuusin, ani Piolo, hindi na bago para sa anak niya ang mga nagaganap kapag gumagawa ng pelikula.

Nakitaan na raw niya ang anak ng interes sa tuwing dinadala niya ito sa set kapag nagbabakasyon sa Pilipinas.

“Sobra kasi nakakasama ko siya sa set, minsan natatapos kami ng umaga o tanghali, hindi siya nagko-complain.

“Tapos kapag natatapos kami ng alas-tres o alas-singko, tinatanong ko siya, ‘O ano, kaya mo pa ba? Gusto mo pa ba?’

“I’m also trying to tell him that it’s not easy.

“Pero kung ako talaga ang tatanungin, ayaw ko talagang mag-artista.”

Bagamat buo ang suporta niya sa anak, ayon kay Piolo, gusto rin niyang matutunan ni Iñigo ang mundo ng showbiz sa sariling paraan.

Aniya, “As much as possible, ayaw kong maging stage father.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandoon lang ako noong first day niya, hinayaan ko na siya.

“He was always with his mom.

“When he was asking noong nag-preview kami, ang dami kong gustong sabihin, but I had to stop myself because gusto ko matutuhan niya on his own.”

Pagdating sa pag-a-advice, nagbibigay naman daw si Piolo ng tips sa kanyang anak.

Pero pag-uulit niya, “Sabi ko, ‘Kaya mong matutunan ‘yan on your own.’

“Mahirap naman kasi kapag pini-feed mo.”

Dagdag ng Kapamilya star, “Very critical din ako, kasi siyempre gagawa ka ng isang bagay, huwag kang half-baked, all-out ka dapat.

"Nakaka-proud din.”

Nang tanungin kung may pagkakahalintulad silang dalawa ng kanyang anak pagdating sa pag-arte, sabi ni Piolo, “I believe he has his own style.

“I guess he’s very conscious also na hindi ko kaboses, hindi ko kapareho ng atake.”



STUDIES FIRST. Kung si Piolo raw ang tatanungin, ayaw sana muna niyang pumasok ng showbiz ang kanyang anak.

Katuwiran ng actor-singer, “Gusto ko muna na mag-concentrate siya sa pag-aaral.

“More than anything, it’s important to have education because kung wala, tapos hindi siya magsa-succeed sa pag-aartista, ano ang dala niya?

“At 18, hindi na natin mapipigilan ‘yan. Pero hanggang kaya natin, pag-aaral muna.‘Yon lang naman sa akin.

“Pero hindi ko naman siya mapipigilan kapag nandoon na siya talaga.

“Pero I’d be the happiest dad kung makakatapos siya ng college.”



PROTECTING HIS SON. Bukod sa pag-aaral, gusto rin daw sana ni Piolo na iiwas ang anak sa “cruel world” ng showbiz.

Pahayag ni Piolo, “I enjoy showbiz but it has a trade off.

“May mga bagay tayo minsan hindi natin kayang tanggapin or hindi natin kayang sikmurain because ganun talaga, e.

“Nevertheless, ganun talaga ang industriya natin.”

Sa parte ni Piolo, sabi niya, “Bilang magulang, ayaw mong masaktan yung bata, kung pupuwede lang na huwag na lang niyang pagdaanan kasi napagdaan mo na, masakit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, at the end of the day, sa kanya pa rin naman ‘yon.

“Siya pa rin ang pipili ng gusto niyang tahakin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN