Piolo Pascual says Shaina Magdayao is an "ideal girlfriend"

Piolo Pascual says he rarely sees his OTJ co-star Shaina Magdayao nowadays because of busy schedule. However, he said, “Shaina will always have a special place in my heart because she’s a true lady.”


Bukod sa mga maaaksyong eksena na ginawa ni Piolo Pascual sa OTJ, napag-usapan din sa press conference ng pelikula kagabi, August 14, ang love scene na ginawa nila ng kapareha niyang si Shaina Magdayao.

Naging maingat umano sina Piolo at Direk Erik Matti sa naturang eksena dahil ito ang unang love scene ni Shaina sa pelikula.

Ayon kay Piolo, “Direk had to explain to Shaina how it’s going to be done.

“Ako rin, siyempre, kailangan kong protektahan, kailangan kong alagaan kasi nga first daring scene niya sa pelikula.

“Sobra siyang ninenerbiyos. Pero sobra yung admiration ko sa kanya when we were doing the scene.

“Hindi ka puwedeng half-baked so when she did it, ibinigay din naman niya.

“Kaya sobra din naman ang respeto ko sa kanya.”



RIGHT TIME. Sa tingin ni Piolo, tamang panahon na rin sa 24-anyos na si Shaina ang magkaroon ng mas mature na role.

Aniya, “I guess being an actor, nakita rin naman niya na hindi na rin naman siya bata.

“Also, she had to do something para makita ng audience na hindi na rin naman siya young anymore.”

At bago ito kumpara sa mga eksenang nagawa na noon ni Shaina, sabi ni Piolo, “Good luck na lang kung papaano tatanggapin ng dad niya or mga fans niya.”



CLOSENESS. Dahil sa pagiging magkapareha nila sa OTJ, tinanong si Piolo kung naging malapit na siya kay Shaina.

Sagot ni Piolo, “Close na kami even before namin gawin yung pelikula.”

Matatandaan na noong mga nakaraang buwan, may ilang pagkakataon na nakitang magkasama sina Piolo at Shaina.

(Read: Piolo Pascual on being seen constantly with Shaina Magdayao: “Shaina and I are friends, we are good friends. Yes, she’s special.”)

Pero bihira na raw ito ngayon dahil sabi ni Piolo, “Because trabaho is dire-diretso. Hindi rin kami nakakapagkita.

“Pareho kaming busy sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s working on Juan dela Cruz tapos may ginawa siyang pelikula.

“Happy ako sa kanya kasi katatapos lang ng film lang nila na Four Sisters and A Wedding.

“Dire-diretso ang breaks niya, I’m happy for her.”

Gayunman, siniguro ni Piolo na: “Shaina will always have a special place in my heart because she’s a true lady.

“Napakabait niyang tao. Kung sinuman ang makatuluyan niya, masuwerteng tao.”

Para kay Piolo “ideal girlfriend” na maituturing si Shaina.

Nang tanungin kung anu-ano ang magagandang katangian ni Shaina ang nakita ni Piolo, naintriga ang press sa sagot niya: “For sure, stick to one.”

Agad naman niyang nilinaw, “Wala akong gustong patamaan.”

Dagdag niya, “Shaina as a person is very faithful, loyal at saka mabait na tao, very traditional.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN