Jeric Gonzales on courting Thea Tolentino: “Sa ngayon, hindi pa.”

Kahit hindi pa nililigawan ni Jeric Gonzales si Thea Tolentino, nagiging “open” na raw sila sa isa’t isa. Sabi ni Jeric, “Mas marami kaming nalaman na mga sikreto sa bawat isa, mga personal na bagay na nag-lead para mas lalo kaming maging open sa isa’t isa.”


Kapansin-pansin na pumayat at mas gumanda ang katawan ng Protégé male winner na si Jeric Gonzales.

Paano siya nagpapayat?

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-diet, nag-pursue talaga ako ng diet, tapos nag-gym, low carbs.

“Tapos, sinabayan ko ng fruits tsaka basketball, siyempre sports, tapos gym, siguro mga thrice a week.”

Hindi lang naman daw para sa afternoon soap nila ni Thea Tolentino na Pyra: Ang Babaeng Apoy kaya siya nagpaganda ng katawan.

Ayon kay Jeric, “A, hindi, para sa akin talaga ito, tsaka para sa health ko para mas fit lagi.”



BIGGEST BREAK. Masaya si Jeric dahil may launching project na si Thea Tolentino at siya pa ang leading man—ang Pyra.

Maituturing na biggest break nila ito dahil silang dalawa ang mga bida sa upcoming afternoon series ng GMA-7 na ipalalabas na simula sa August 26.

Ayon kay Jeric, “Sobrang blessed talaga at sobrang masaya, kasi before ko pa malaman na kasali ako, nalaman ko na siya [Thea] ang lead [star] niyan.

“So, nag-iisip ako kung ako ba ang leading man niya. Matagal bago nasabi sa akin.”

Kahit si Thea ang lead star, hindi siya agad nag-assume na siya ang kapareha.

“Kasi matagal yung pagitan, mag-i-storycon na sila, hindi pa rin ako na-inform.

“So noong na-inform ako, talagang sobrang blessed tsaka sobrang masaya.

“Kasi hindi pa rin kami magkakahiwalay sa show and yung loveteam namin, nandoon pa rin.

“Siyempre simula Protégé naman, kami ang magkasama, e, kaya masaya na hindi ako maiiwanan, na hindi kami mag-iiwanang dalawa.”



CHOICE LEADING MAN. Kung hindi siya ang napiling leading man sa Pyra, sasama ba ang loob niya?

Sagot ni Jeric, “Hindi naman sasama yung loob ko, siguro malulungkot.

“Kasi hindi na kami magkasama, tapos siyempre yung work, wala pa. Kumbaga, hindi pa ako magkakaroon ng project kung saka-sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, malulungkot, pero naniniwala naman ako sa GMA na bibigyan nila ako ng... na may plano naman sila sa akin.”



BIRTHDAY SURPRISE. Kumusta naman sila ni Thea?

Tugon ni Jeric, “Masaya! Kasi nag-birthday siya [last August 13], ayun, sinurprise ko siya ng cake.

“Tapos, may gift ako na siyempre yung useful na magagamit niya.

“Neck pillow na magagamit niya pag nagta-travel siya, para lagi niya akong maalala, para maisip niya ako.”

Sa plug shoot ng Pyra sa GMA Annex Building niya sinorpresa ang dalaga.

“Kinuntsaba ko yung mga taga-production, yung staff, sabi ko su-surprise ko siya.”

Hinalikan ba niya ang birthday girl?

“Hug lang!” at natawa si Jeric.



SPECIAL GIRL. Pero nilinaw ni Jeric na wala silang relasyon ni Thea sa ngayon.

Sabi niya, “Para sa akin naman, lagi siyang special sa akin.

“Kasi, from the start ng Protégé, talagang kasama ko na siya hanggang ngayon.

“Tsaka lalo na nitong nag-workshop kami, talagang mas nakilala namin ang isa’t isa.

“Mas marami kaming nalaman na mga sikreto sa bawat isa. Mga personal na bagay na nag-lead para mas lalo kaming maging open sa isa’t isa.

“Mga personal... tungkol sa family, sa buhay-buhay.”

Unang beses daw iyon na nag-workshop sila na silang dalawa lang at may nadiskubre pa siya kay Thea.

Sabi ni Jeric, “Nadiskubre ko na sobrang simple niyang babae. Tsaka sobrang mabait, genuine, tapos mapagmahal.

“Tapos, ayun, caring tsaka mapagpahalaga sa mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya.”

Sa seryeng Pyra, kapag nagalit si Thea ay nakakagawa ito o nako-control nito ang apoy. Kaya biniro namin si Jeric na iwasan niya dapat na magalit si Thea.

Sabi naman niya, “Kasi ako yung magsisilbi na ano, e, na magpoprotekta sa kanya in spite na alam ko na may kapangyarihan siya.

“Kasi, maraming taong parang ayaw sa kanya.”



THE TRUTH. Nililigawan na ba niya si Thea?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumawa muna si Jeric bago sinabing, “Ako naman kasi twenty-one na kasi ako.

“Tapos siya, seventeen, kaka-seventeen niya lang.

"Ako naman, lagi naman akong nandito para sa kanya.”

Muli namin siyang tinanong: Nililigawan ba niya si Thea?

“Sa ngayon, hindi pa," sagot ng binata.

“Kasi, sa tingin ko, sa mga interviews namin, tsaka sa lagi niyang sinasabi sa akin, career first daw muna. Lagi niya yung tinatandaan.

"Pero ako naman, bilang partner niya tsaka kasama niya simula Protégé, nandito lang ako palagi para sa kanya.

“Siguro pag dumating siya sa tamang age, bakit hindi? Maghihintay ako.”

Hindi rin nanliligaw sa ibang babae si Jeric sa ngayon at hindi raw totoo ang napabalitang nanliligaw siya kay Zandra Summers.

Si Zandra ay kasama rin nila sa Pyra, at magkakaibigan daw sila nina Thea at Zandra.



BIRTHDAY LETTER. Sa birthday naman ni Jeric noong August 7, isang sulat na dalawang pahina raw ang ibinigay ni Thea sa kanya.

Kuwento ng young actor, “Dapat kasi, isu-surprise niya ako sa Calamba noong birthday ko.

“Kasi umuwi ako sa Calamba, kaso may taping siya. So ayun, nagbigay siya ng letter sa akin.

“So para sa akin, sobrang malaking gift na yun, kasi mate-treasure mo yung letter na yun, e.”

Ibinahagi ni Jeric ang pinakagusto niyang part ng sulat sa kanya ni Thea.

“Yung nalaman ko na mahalaga rin ako sa kanya, na espesyal ako sa kanya...

“Yung mga words na, ‘Nandito lang ako para sa iyo’ and ‘Kahit ano ang mangyari…’

“Parang ganoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN