Iwa Moto expected to give birth to a baby girl anytime this month

Inaasahang magsisilang ngayong buwan ang controversial actress na si Iwa Moto sa una nilang anak ng kanyang boyfriend na si Pampi Lacson. Baby girl ang isisilang ni Iwa na ang magiging first name ay Eve—na ang pumili raw ay ang anak ni Pampi kay Jodi Sta. Maria na si Thirdy.


Anytime this month ay manganganak na ang StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto sa anak nila ng nobyong si Pampi Lacson.

Si Pampi ay ang nakahiwalayang asawa ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Buo na ang thirty-six weeks ng pagbubuntis ni Iwa at next week ay full term na siya. Hindi nga lang daw alam ng aktres kung ano ang exact date ng kanyang panganganak.

“We’re just waiting for it to happen.

“Ngayon, okey naman ako and very excited kasi alam ko na anytime ay puwede na akong itakbo sa ospital.

“Handa naman na ang lahat. Kaya kung sakaling biglaan, walang magiging problema,” sabi ni Iwa nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook noong August 13.

Nabanggit ni Iwa na sa Las Piñas City Medical Center siya iku-confine kapag naramdaman niyang manganganak na siya.

Sabi niya, “Nandoon kasi ang doctor ko. Tsaka malapit lang siya sa bahay kaya mabilis akong maitatakbo if ever dumating na ang araw na iyon.”



THIRDY’S BABY SISTER. Babae ang isisilang na sanggol ni Iwa.

“Eve” daw ang napili nilang first name para sa kanilang anak.

Ayon kay Iwa, si Thirdy (anak nina Pampi at Jodi) pa mismo ang namili ng pangalan para sa kanyang magiging “baby sister.”

“Excited na excited na nga si Thirdy. Gusto na niyang ma-meet ang baby sister niya.

“Siya ang nagbigay ng name na Eve. Yun daw ang gusto niyang name sa baby sister niya.

“Nag-iisip pa kami ni Pampi ng second name na babagay sa Eve.

“Sa ngayon, yun pa lang ang name ni Baby.”

Sabi pa ni Iwa, excited na si Thirdy na makita ang kanyang baby sister.

“Binibilang na nga niya ang mga araw kung kailan lalabas si Eve.

“Siya pa nga ang mas excited kesa amin ng daddy niya. Sabi ko sa kanya na sampung tulog pa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COOL DAD. Si Pampi naman daw ay cool lang, pero ramdam ni Iwa na excited na rin ito dahil magiging daddy na naman siya for the second time.

“Kahit na tahimik lang si Pampi, alam ko ang tumatakbo sa isipan niya.

“Kapag hinahawakan niya ang tiyan ko, ngumingiti siya—alam kong gusto na niyang makita ang baby namin.

“Matagal na niyang gustong magkaroon ng kapatid si Thirdy at natutuwa ako na silang mag-ama ay talagang hinihintay ang paglabas ni Eve.

“Ito na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

“Kapag nakita ko na si Eve, hindi ko alam ang puwedeng kong sabihin—maiiyak na lang siguro ako,” sabi ni Iwa.



MOTHERHOOD. Nakahanda na raw ang mga plano ni Iwa para sa baby nila ni Pampi.

Marami raw siyang binasang mga libro on motherhood at tungkol sa pag-aalaga ng baby.

Saad niya, “Kung sa pag-alaga ng bata, kayang-kaya ko ‘yan.

“Ako ang nag-alaga sa bunso kong kapatid kaya alam ko kung kailan sila gutom or pagod na.

“Mabuti na lang at nakapag-training ako nang maaga sa pag-aalaga ng baby.”

Dagdag niya, “Sure naman na magpapa-breastfeed ako.

“Pinakaimportante yun, kasi yun ang bonding time namin ni Baby.”

Nagbalik-tanaw pa nga si Iwa sa mga pinagdaanan niyang mga pagsubok sa buhay bago dumating ang baby nila ni Pampi. Nawala raw ang lahat ng galit niya sa mundo.

“Alam naman ng lahat ang lahat ng nangyari sa akin. Open book ang buhay ko.

“Dumating sa point na napagod na ako. Pero nagkaroon ako ulit ng pag-asa sa buhay nang dumating si Baby.

“Kaya lahat ng mga nangyari sa akin, good or bad, worth it lahat dahil malapit na namin siyang makita.

“Promise ko na sobra kong aalagaan ang baby namin ni Pampi. Ito ang isa sa mga dreams ko—ang maging isang mother.

“Hindi man ako maging perpektong ina, but I will try my best to be the best mother sa anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ COMEBACK. Hindi pa raw muna babalik si Iwa sa showbiz dahil gusto niyang tutukan nang husto ang pagiging ina.

Kapag puwede na raw ipagkatiwala si Eve sa isang yaya, dun lang daw siya maghahanda para sa pagbalik niya sa showbiz.

Sabi ni Iwa, “Kailangan pumayat muna ako ulit bago bumalik sa trabaho.

“Marami akong mga trabaho na isinakripisyo dahil sa mas pinili ko ang magbuntis. Kaya once na okey na, dun na ako magpapapayat ulit.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong naabala at na-stress dahil sa mga pangyayari sa buhay ko.

“Wala namang nagalit sa akin. Lahat sila ay natuwa dahil sa nangyaring pagbabago sa buhay ko.”

Wala raw problema kay Pampi kung sakaling maisipan na niyang bumalik sa showbiz.

Ayon kay Iwa, “Okey lang naman kay Pampi na magtrabaho ulit ako.

“Gusto niyang maging busy rin ako kasi alam ang mga kailangan kong i-give up noong mabuntis ako sa anak namin.

“Ang suporta sa akin ni Pampi ay sobra-sobra, kaya lagi akong nagpapasalamat at hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN