Stage and film director-actor Behn Cervantes passes away at 74

Sumakabilang buhay na ang stage and screen actor-director na si Behn Cervantes dahil sa sakit na pneumonia kaninang umaga, August 15.


Isang haligi ng local entertainment industry ang sumakabilang-buhay ngayong araw, August 15.

Namaalam na ang stage and screen actor-director na si Behn Cervantes sanhi ng sakit na pneumonia. He was 74 years old.

Ayon sa mga kamag-anak ng yumaong direktor, alas-diyes ng umaga kanina nang bawian ng buhay si Cervantes sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City.

Ipagdiriwang sana ni Cervantes ang kanyang ika-75 na kaarawan sa August 26.

Isang private memorial daw ang ibibigay ng pamilya at mga kamag-anak ni Cervantes dahil ito raw ang huling bilin ng namayapang direktor.

Nakilala si Behn Cervantes dahil sa kanyang pagiging isang radical leader ng mga protesta noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kasama ni Cervantes ang kapwa niya direktor na si Lino Brocka sa mga protesta sa kalsada at naranasan na rin nilang makulong kasama ang ilang mga aktibista.

Bukod sa teatro, si Cervantes ang nagdirek ng 1976 critically-acclaimed film na Sakada.

Tinalakay sa pelikula ang sa pagkakaisa ng mga trabahador ng isang sugar plantation laban sa pang-aabuso ng pinagsisilbihan nilang pamilya.

Ang Sakada ay pinagbidahan nina Hilda Koronel, Bembol Roco, Gloria Romero, Robert Arevalo, Rosa Rosal, Alicia Alonzo, at Pancho Magalona.

Naging kontrobersiyal ang pelikula nang ipalabas ito sa mga sinehan dahil pinatatamaan daw nito ang pagiging diktador ni Marcos.

Pina-pullout ito agad sa mga sinehan at na-ban ng ilang taon for any commercial exhibition. Napanood na lang ulit ito nang matapos na ang Marcos regime.

Kabilang sa mga naidirek pang pelikula ni Cervantes ay ang mga sumusunod: Bawal, Ito Kaya’y Pagkakasala, at Masikip, Masakit, Mahapdi.

Bilang aktor naman ay lumabas si Cervantes sa mga pelikulang Bomba Star, Aguila, When I Fall In Love, Memories of Old Manila, Waiting In The Wings, Alas-Dose, Ang Anak Ni Brocka, at Barako.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN