Michael V. afflicted with dengue

Dinapuan ng sakit na dengue ang comedian na si Michael V, dahilan kaya ilang araw na siyang hindi napapanood sa noontime show na Eat Bulaga!.


Ilang araw na ring hindi napapanood ang comedian-TV host na si Michael V. sa daily noontime show ng TAPE Inc. at GMA-7 na Eat Bulaga!.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account noong Linggo, August 11, ipinaalam niya sa kanyang followers na mayroon siyang "bad flu."


Tweet ni Michael V: "Hey guys. Hope you’re enjoying the show. Kainis, I have a bad flu right now. Pero nood din habang may time."

Ang tinutukoy ni Bitoy (palayaw ni Michael V) na show ay ang weekly sitcom niyang Pepito Manaloto.

Kahapon, August 14, ay ipinarating naman ni Michael V., sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (michaelbitoy), na hindi lang pala "bad flu" ang dumapo sa kanya.

Isang photo-message ang ipinost niya na ang caption ay ito: "Need your prayers."

Pagkatapos ay sinabi niyang mayroong siyang "dengue."

Ayon pa sa kanyang mensahe: “Dear friends & well-wishers, this DENGUE is persistent. My platelets are now down to 47k & it has made me very weak.

“Much as I’d want to, I don’t think I can accommodate visitors at the moment but your prayers are very welcome.

“In God’s grace, I’ll let you know as soon as my condition gets better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN