Kaye Abad assures fans she has no sex video with ex-boyfriend Chito Miranda

“Okay ako. Confident ako,” says Kaye Abad when told about her fans’ concern that an intimate video of her and ex-boyfriend Chito Miranda might surface.


Alam na alam na ni Kaye Abad kung ano ang tatanungin sa kanya ng mga reporter na dumalo sa pictorial at thanksgiving merienda ng Annaliza cast kahapon, Agosto 15, sa ELJ Communications Center sa ABS-CBN Compound, Quezon City.

“Talaga? Ang plastic n’yo! Hindi naman iyon gusto ninyong itanong!” pabirong sagot ni Kaye nang batiin siya ng reporters sa pamamagitan ng pagpuri sa kanyang performance bilang Stella, ang kontrabida ng teleserye.

“Bumuwelo pa, ha. Sige lang,” aniya na nagbigay pahintulot sa reporters na diretsuhin na ang tanong.

Naging laman kasi ng balita nitong nakalipas na linggo ang pagkalat ng sex video ng aktres na si Neri Naig at ng boyfriend nitong si Chito Miranda, na x-boyfriend naman ni Kaye.

Ano nga ba ang reaksiyon niya sa isyung iyon?

“Heto,” sabay pakita ng kanyang “poker face” sa mga reporters.

“Hindi, nangako kasi ako. May mga kaibigan din akong reporters and I promised them na never talaga, hindi ako magko-comment about it.

“Even before sa mga issues ko, I never commented sa mga controversy sa akin kasi…

"Lalo na kung hindi naman ako dawit, hindi naman ako involved.

“Para sa akin, respeto na lang din doon sa dalawa na kung sila hindi nagsasalita, bakit ako magsasalita?”

Ang nangyayari kasi ay tila nauungkat ang nakaraan nila ni Chito, at kahit alam naman ng publiko na matagal na silang hiwalay ay nauugnay pa rin ang pangalan ni Kaye sa lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar.

Hindi ba siya nasasaktan sa sitwasyong ito?

“Hindi, kasi naging kami, e. Kumbaga, naging parte ako ng buhay niya, so hindi mo maiiwasan iyon,” sagot ng Kapamilya actress.

Isa sa mga inaalala, lalo na ng mga tagasuporta ni Kaye, ay baka raw may kumalat ding intimate video nila ni Chito, lalo pa’t hard drive ang nanakaw mula sa singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka. Baka hindi, baka oo,” wika ng aktres

“Okay ako. Confident ako,” saad naman niya bilang assurance sa kanyang fans na wala silang dapat ipag-alala o ipangamba.

Sa huli, muling tinanong ng ABS-CBN reporter na si Reyma Deveza si Kaye: “So, walang video?”

Umiling lamang si Kaye habang nakangiti.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN