Jennylyn Mercado’s new show on GMA-7 directly competes with Luis Manzano’s game show on ABS-CBN

Jennylyn Mercado says she informed her boyfriend Luis Manzano beforehand about their shows having the same timeslot. Jennylyn added, "Walang ganyan… pag trabaho, trabaho talaga. Totoo po. Alam naman po niya, sinabi ko sa kanya. Siyempre ayaw ko naman siyang gulatin na lang na, ‘Hey, magkatapat tayo. Mapapanood niya na lang, hindi ko sinabi. Sinabi ko naman po."


Si Jennylyn Mercado ang host ng pinakabagong parent-kid reality show ng GMA-7 na Anak Ko ’Yan!.

Labindalawang contestants mula 7 hanggang 17 years old, kasama ang isa sa kanilang mga magulang, ang magpapakitang-gilas sa pagkanta at pagsayaw.

Si Rochelle Pangilinan ang magiging dancing coach habang si Dulce naman ang magiging singing coach ng mga contestant.

Makakatapat ng Anak Ko ’Yan! ang game show ng boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano sa ABS-CBN, ang Minute To Win It.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Jennylyn kahapon, August 15, sinabi ng Kapuso star na ipinaalam niya ito kay Luis.

“Walang ganyan… pag trabaho, trabaho talaga. Totoo po.

"Alam naman po niya, sinabi ko sa kanya.

“Siyempre ayaw ko naman siyang gulatin na lang na, ‘Hey, magkatapat tayo.’

“Mapapanood niya na lang, hindi ko sinabi. Sinabi ko naman po.

“Wala naman siyang violent reaction. Ano lang, ‘Go! Suportado kita diyan.’”

TWITTER EXCHANGE. Two days ago, ipinost ni Jennylyn sa kanyang Instagram account ang comment ni Luis sa nauna na niyang post tungkol sa timeslot ng Anak Ko ’Yan.

Sabi ni Luis (@luckymanzano): “Announcement… Dahil nag decide ang management na ipagtapat an minute to win it sa anak ko yan….

“Nag decide rin kami ni @mercadojenny na i unfollow ang isa’t isa at wag na muna magusap habang umeere mga show namin, hope you understand… :p hehe”

Ayon naman sa caption ni Jennylyn: “Yes… Wala munang i love you, i miss you, lambingan, hug at kung ano ano pa.

“Di muna siguro kami rin magkikita muna at maguusap. (Pero kami [pa] rin syempre) yun lang muna sa ngayon. Hope you understand. @luckymanzano”

Sabi ni Jen tungkol sa pagpapalitan nila ng tweets ni Luis, “Nagkukulitan na kami ngayon… lalo pa alam na namin ang isa’t isa. Pero laru-laro lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo naman kaming dalawa, mahilig kaming magbiro. Pero, ano lang… alam mo naman yun, very supportive kahit anong gawin mo.

“Kahit na magkalaban kami sa kahit saan. Kahit anong programa talagang sinusuportahan ako nun.”

Paano kaya kung matalo niya si Luis sa ratings?

“Ganun talaga paminsan, may nananalo, may natatalo,” sagot niya.



MOMMY KO ’YAN. Ayon pa kay Jennylyn, dahil galing din siya sa isang reality show (StarStruck) ay may soft spot siya para sa mga contestant ng show.

“Especially, mommy din ako,” dagdag niya.

Hindi naman kaya maging emosyunal siya sa show?

Sagot niya, “Hindi naman siguro.

“Ano lang ako, medyo nagiging malambot lang pagdating sa mga bata…”

JEN’S BIOLOGICAL MOM. Two years ago ay nagkaroon ng pagpapalitan ng salita si Jennylyn Mercado at ang biological mom niya na si Jinkee.

Sa tingin ba niya ay nasasabi rin ng ina tuwing napapanood siya sa TV ang linyang, “Anak ko yan!”?

Tugon ni Jen, “Ayoko pag-usapan. Pero yung mom ko talaga, proud naman sa ’kin… si Mommy Lydia, of course, ever supportive and loving mommy.”

Si Mommy Lydia na sinasabing pinsan ng kanyang biological mother ang nagpalaki kay Jennylyn.

Matatawag bang “stage mom” si Mommy Lydia?

“Aaminin ko, noon, oo naman.

“Kasi nung panahon ko naman, wala naman akong kakampi, e, siya lang, e… Talagang, siya lahat, e.

“Siya talaga yung taga-push sa akin. Kulang na lang talagang dalhin na niya pati gamit ko, dalhin niya ako sa GMA.

"Talagang sobrang supportive at napaka-loving.”

Nang muling tanungin tungkol sa kanyang biological mom, paulit-ulit na sagot ni Jen, “Okay na. Okay na.”

Tinanong din si Jen kung nagpapakita na ng interes sa showbiz ang anak nila ni Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Sagot niya, “Feeling ko, kanta talaga. Na-enroll ko na siya sa isang music school, e. Nag-e-enjoy siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro commercial muna o print ads… pero wala muna, wala muna. Nag-aaral siya, e, busy siya talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN