Malacañang encourages public to cooperate in tracking Janet Lim-Napoles, brother

Sa report ng Commission on Audit (COA), may P6.156-billion pork barrel fund mula sa halos 200 mambabatas ang napunta sa “mostly dubious” 82 non-government organizations, mula 2007-2009, at sampu sa mga ito ang tila nakapangalan kay Janet Lim-Napoles.


Isinulong ng Malacañang ang panawagan nito sa publiko na tulungan ang mga may kapangyarihan sa pag-aresto sa itinuturong utak ng P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles at sa kapatid nitong si Reynald Lim.

Ang magkapatid ang itinuturo ng whistleblower na si Benhur Luy na nasa likod ng “illegal detainment” niya, ayon sa report ng GMA News Online.

"The warrant is out. You can actually help the authorities," ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa isang press conference sa Malacañang noong Biyernes, Agosto 16.

Ginawa ni Valte ang pahayag matapos ihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na maaaring gawin ang “citizen arrest” kay Napoles dahil sangkot umano rito ang kapakanan ng publiko.

Nangangahulugan itong maaaring arestuhin ng sinumang mamamayan si Napoles.

Sabi pa ni Valte, "It’s actually possible. A citizen’s arrest is legal. "

Dagdag pa ng presidential spokesperson, nauunawaan niya kung may pag-agam-agam ang publiko na gawin ang pag-aresto.

"It’s not uncommon in other countries but, here in the Philippines, it’s very uncommon," aniya.

Kaya naman hinihikayat ng Malacañang na ipagbigay-alam na lamang ng publiko sa mga awtoridad kung mayroon silang impormasyon tungkol kay Napoles.

Maaari raw tumawag ang mga may impormasyon sa NBI Operations Center Hotline na 524-1141.

Sabi ni Valte, "When you’re talking about manpower, mas marami ho talaga tayong citizens kesa doon sa mga teams na nagsusubok i-apprehend si Mrs. Napoles.

"It would help greatly if information is given that would lead the tracker teams to her.

"[So] if you have information the NBI, the PNP, and the DOJ would be very happy to hear from you."

Samantala, nag-deploy naman ang Department of Justice ng 12 teams upang tugisin si Napoles at ang kapatid nito.

Paniniyak ni Valte, "Rest assured that the teams of the NBI are already out and are already following every lead that they have in order to apprehend Mrs. Napoles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung nangangahulugan bang guilty si Napoles sa pagtatago nito, ani Valte, "The statement that flight is an indication of guilt is very well entrenched in jurisprudence.

"Jurisprudence did not make any exceptions, or did not indicate any.”

FIVE SENATORS. Samantala, sa pag-iimbestiga ng Commission on Audit (COA) ay nadiskubre nilang may P6.156-billion pork barrel fund mula sa halos 200 mambabatas ang napunta sa 82 non-government organizations na karamihan ay kuwestiyonable, mula 2007-2009, at sampu sa mga ito ang tila nakapangalan kay Napoles, ayon pa rin sa report ng GMA News.

Ang pagbubunyag na ito ay galing mismo sa head ng COA na si Maria Gracia Pulido-Tan.

Samantala, sinabi naman ni Senator Jinggoy Estrada na ang pag-iimbestiga sa mga NGOs para malaman kung nakinabang sila sa pork barrel ay dapat gawin ng isang kawani ng pamahalaan at hindi ng mga mambabatas.

Si Estrada ay isa sa limang senador na nadidiin na diumano’y nakinabang din sa P2-billion pork barrel scam.

(Read: Senator Jinggoy Estrada supports probing of pork-barrel scam; won’t subject self in House probe)

Ayon naman kay Tan, marami raw sa mga nadiskubre nilang NGOs ay may kaduda-dudang addresses, at ilan sa mga ito ay nakita sa mga squatter areas o kaya ay home address ng mga sangkot.

Ang mga NGO naman na natuturong nasa ilalim ni Napoles ay nakatanggap ng pork barrel funds na umaabot sa P2.157 bilyon, ayon sa COA report.

Dagdag pa ng report, itinanggi ng mga “intended beneficiaries” na natanggap nila ang goods.

Ginamit umano ng mga NGO na ito ang pork barrel funds na in-allot ng implementing agency pero walang appropriating law or ordinance, na maliwanag na paglabag sa procurement rules.

Ayon sa isang resolusyon ng Government Procurement Police Board, maaari lamang ibigay ng implementing agency ang pondo sa mga NGOs kung naaprubahan ito ng isang appropriating law or ordinance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin umano sumailalim ang NGOs sa competitive public bidding na violation sa COA circular.

Dagdag pa ng COA, "[T]here were no proof that these NGOs exercised due diligence in ensuring that the lowest price for their procurements were obtained," na paglabag din sa procurement law.

Ibinunyag din ng COA head na batay sa special audit na isinagawa ng komisyon noong 2010, na sumasaklaw mula 2007 hanggang 2009, 74 mambabatas ang nakatanggap ng pork barrel ng higit pa sa kanilang nakatakdang alokasyon na P70 milyon kada taon.

Ani Tan, ang sumobrang pondo ay naglalaro mula P71 milyon hanggang P3 bilyon.

Lumabas sa report ng COA na ang pinakamalaking alokasyon na P3 bilyon ay napunta kay dating Davao del Norte Representative Manuel Zamora, isang mambabatas na nakilala na nagko-commute sa Batasang Pambansa na naka-bike.

Itinanggi naman ni Zamora ang akusasyon. Siya ngayon ang vice governor ng Compostella Valley.

Sa report, si Senator Edgardo Angara ang nakatanggap ng pinakamalaking excess pork funds na umabot sa P84.375 milyon.

Sinundan siya ni Jinggoy Estrada na may P402.15 milyon, Juan Ponce Enrile na may P347.5 milyon, Bong Revilla na P269 milyon, Miriam Defensor-Santiago na may P26.51 milyon, at Lito Lapid na may P13.6 milyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN