Judy Ann Santos on negotiating with other networks: "First option will always be ABS."

Muling nilinaw ni Judy Ann Santos na wala silang pinagdadaanan ng kanyang asawa na si Ryan Agocillo kaya naging emosyunal sa farewell presscon ng primetime series niya sa ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala.Sabi pa ng aktres, "Sa lahat ng mga pinagdaanan ko na personal at propesyunal, si Ryan ang kaagapay ko at totoo po iyan. Hindi po ako nagpapalabok dahil wala naman kaming pinu-promote na pelikula o ano. Wala po kaming pinag


Hindi itinago ni Judy Ann Santos ang kanyang nararamdaman sa tila parehong kapalaran nila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Pareho kasing magtatapos na ang mga TV show nilang malapit sa kanilang mga puso—ang Huwag Ka Lang Mawawala ni Juday sa ABS-CBN at ang Talentadong Pinoy ni Ryan sa TV5.

Reaksiyon ni Juday, “Happy-sad… happy kasi makaka-move on ka sa ibang proyekto, magiging mature ka sa mga iba pang darating na projects, di ba?

"Sad kasi family yun, e [mga taong bumubuo sa show].

"Family yung maghihiwa-hiwalay, family yung magtatapos, at saka kahit saang anggulo mo namang tingnan, highs and lows, magkakasama kayo, di ba?

"Kahit hindi artista, kahit kayo bilang entertainment press, you have your own family professionally.

“So, mag-end man ang kahit na anong programa, masakit, pero lahat naman ito may rason.

"Yung rason makikita natin iyan maybe not now... siguro two, six months down the road makikita natin kung bakit kinailangan niyang matapos.

"Siguro para lahat din tayo makagawa ng iba pang mas magandang proyekto.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Judy Ann sa farewell presscon ng Huwag Ka Lang Mawawala na inihanda ng Dreamscape Entertainment Television at ABS-CBN para kina Judy Ann at KC Concepcion noong Agosto 15, Huwebes, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

NO MARITAL PROBLEMS. Sa presscon ay hindi napigilang maiyak at maging emosyonal ni Juday.

Bagamat ipinaliwanag na niya na dahil nga ito sa pagtatapos agad ng kanyang teleserye, hindi pa rin maiwasang ikonek ng ibang press ang kanyang pag-iyak sa isyung may pinagdadaanan umano silang problema ni Ryan sa kanilang relasyon.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Juday.

Sabi ng aktres, “Naku, wala, wala at all, as in promise wala.

"Kung may isang tao akong pasasalamatan sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko ngayon, si Ryan talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siya yung nakakarinig sa akin, siya yung nandiyan para magbigay ng wisdom sa akin.

"Siguro hindi ako ganito mag-isip kung hindi rin dahil sa kanya kasi he really opens my eyes to a lot of things—mapa-praktikal, mapa-emosyunal.

"Siya yung isang taong nandiyan lang, yung wala siyang pinapanigan.

"And bilang isang asawa, na-appreciate ko iyon kasi kailangan ko iyan bilang tao na hindi ako dyina-judge bilang Judy Ann Santos. Yung susuportahan lang ako bilang nagtatrabaho at kung ano yung premium.

“Pero wala po… nakikiusap ako na tulungan n’yo na lang ako… tulungan n’yo po kaming mag-asawa na mapanatiling masaya ang pamilya namin, wala po kaming pinagdadaanan.

"Sa lahat ng mga pinagdaanan ko na personal at propesyunal, si Ryan ang kaagapay ko at totoo po iyan.

"Hindi po ako nagpapalabok dahil wala naman kaming pinu-promote na pelikula o ano. Wala po kaming pinagdadaanan para po kami maghiwalay.”

LOVE-HATE RELATIONSHIP. Ayon kay Juday, mutual decision naman daw nila ng ABS-CBN management na paikliin ang airing date ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Pero inamin niya na nakaramdam din siya ng sama ng loob sa kanyang home network.

“Siguro noong mga nakaraang linggo, oo, hindi ko itatanggi iyan. Alam n’yo naman iyan, di ba?

"Very vocal naman ako sa pagsabi na meron akong sama ng loob. Alam n’yo iyan, kasama ko kayo sa bawat laban ko, mapa-ABS, mapa-hindi sinasabi ko.

"Nakakatawang sabihin kung never at all sumama ang loob ko sa kabila ng ito. Pero naiintindihan ko na lahat ng decision will all boil down dahil trabaho ito.

"At bilang network, siyempre kailangan din nilang isipin yung mga dapat nilang gawin na steps.

"Ako naman bilang aktor, kailangan ko ring isipin yung magiging premium ko sa tao at premium ko sa sarili ko.

"It’s two different things na kailangan kong itawid sa management, that I’m just very thankful na naintindihan naman nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinagdadaanan niya ngayon, nararamdaman pa rin ba niya yung pagmamahal mula sa ABS-CBN?

Sagot ni Juday, “Oo naman, love will always be there.

"But you know, wala namang love kung walang bitterness, di ba?

"Yung love mararamdaman mo iyan kapagka nagbigay ka ng konting bitterness in a way.

"But I will always be thankful to ABS-CBN for everything… for understanding me, for everything… for the pain, I guess, because it made me a better person.

"Pero sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala ako na may love involved with me and ABS.

"It’s just that sa lahat, there’s a process, di ba? Lahat naman tayo may prinoproseso, hindi lang naman siguro ako.

"Nagkataon lang na ako yung… sa akin naka-focus yung bagay-bagay dahil ako yung nakikita ng mga tao.

“Pero my love with ABS would always be… I think ha, would always be a love-hate relationship. Because kung walang hate, walang maturity.

"Kasi kung puro love, parang hindi realistic na wala kang pinagdadaanan o wala kang pagdadaanan.

"Naniniwala ako na lahat ng iyan may dahilan. At sa bawat dahilan na ibinabato ng Diyos sa akin, handa naman ako.

"Siguro may mga moments lang na nagugulat ako na parang, ‘Ay, teka muna, Lord.’

"Pero bigyan mo ako ng two to three days, nakaka-cope naman ako.”

RELINQUISHING THE CROWN? Bakit tila ayaw na niyang magpa-label o magpatawag bilang "Queen of Pinoy Soap Opera," ang titulong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN?

Sagot ni Juday, “Kasi it’s too much, it’s too much to handle.

"Siguro nasabi ko rin iyan dahil sa sitwasyon ko ngayon, kung ano yung nararamdaman ko ngayon.

"Kilala n’yo naman ako, hindi ba, never naman ako nagpaka-sapin-sapin sa mga pinagdadaanan ko. I’m always honest sa lahat.

“Yun nga lang siyempre pag may ipinatong na pangalan sa iyo, may expectations, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yun ang naging mali ko, siguro bilang tao at bilang naka-miss sa posisyon na ito, parang, ‘Wow, overwhelming.’

"Nakaka-overwhelm naman talaga. But then again, ang learning is huwag ka lang expectorant [don’t expect],” biro pa niya.

OFFERS FROM OTHER NETWORKS. Dahil sa nangyari sa pagitan ni Juday at ng ABS-CBN, usap-usapan tuloy na baka lumipat na siya ng ibang network lalo na’t inamin niya na may offers nga ang ibang istasyon sa kanya.

Saad niya, “Lahat naman posible, hindi ba?

"Sa pagkakataong ito, sa sitwasyon ko, sa kinalulugaran ko ngayon, lahat posible.

"Bakit? Kasi wala na akong contract with ABS, matagal na.

"Being a professional actor, I would still finish kung anumang proyektong nasimulan ko kahit tapos na ang kontrata ko.

"And yung utang na loob ko with ABS, hindi naman na talaga matatawaran yun kahit kailan.

"Hindi ko naman ikinakaila sa mga tao na malaking bahagi ang ABS sa karera ko at sa personal kong buhay.

"Wala siguro ako sa kinalulugaran ko ngayon kung hindi naman din siguro sa tulong ng ABS-CBN.

“Pero sa lahat naman ng magkakapamilya, hindi ba, dumarating ka talaga sa punto na nagkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan?

"Pero para sa akin, lahat naman ng pinagdadaanan natin ngayon may dahilan, may rason.

"Ang rason ko lang sa akin ngayon na siguro ipinaramdam lang din sa akin ng Diyos na lahat puwedeng magbago. Na huwag tayong bumase sa pangalang ipinatong sa ating ulo, lahat tayo nagtatrabaho lang.”

Diumano’y may offer din daw ang GMA-7 para sa isang show na posibleng pagsamahan nila ni Ryan.

Sagot dito ni Juday, “Gaya ng sinabi ko kanina, maraming possibilities, maraming talks, maraming invitations for dinner, for possible contracts. Hindi ko po itatago iyan.

"And honestly, nakakataba ng puso na, alam mo iyon, ang daming gustong kumuha sa iyo, kumuha sa serbisyo mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero babalik at babalik din po ako doon sa moment na kailangan kong pag-aralan lahat at ayoko pong magdesisyon na masama ang loob ko.

"Ayokong magdesisyon dahil nao-overwhelm ako with happiness sa napakagandang mga salitang ibinabato ng mga tao sa amin with Huwag Ka Lang Mawawala.

“Alam mo yung mixed talaga, e, sobra akong halu-halo ngayon—masaya, na malungkot, na bitter, na hindi. Lahat ng emosyon, nandiyan.

"But at the end of the day, it will always go back to where you feel that your worth is needed.

"And I am just praying na ibigay lang po sa akin ito. Ito lang ang hinihingi ko, wala akong ibang hinihingi.

"Do not judge me, tao lang po ako.

“Lahat po ng nag-o-offer ngayon, tine-take ko into consideration.

"But just to clarify things, first option will always be ABS.”

SHARON’S INFLUENCE? Isa ang TV5 sa mga network na umano’y may standing offer o nagpahayag ng interes na kunin ang serbisyo ni Juday.

Natanong tuloy kung may impluwensiya ba sa pagdedesisyon niya ang kanyang ate sa showbiz na si Sharon Cuneta, na galing din sa ABS-CBN at lumipat sa TV5.

Sabi ni Juday, “Alam mo, wala, promise wala. Walang alam si Ate Sharon dito.

"Ang tanging taong nakakaalam ng pinagdadaanan ko na nasa ibang network, si Ryan lang, walang iba.

"Because, first, of course, he is my husband.

"Second, I don’t think I have to pull other personalities with my decision because all of us are professionals and alam ko, one way or another, pag idinawit ko sila sa isyung ito, may masama pang masasabi sa kanila.

"So, I want to spare them from that kind of issue kasi hindi nila deserve.

"I’m sure they have issues of their own and me as an actor, gusto ko siyang harapin mag-isa kasi mag-isa ko naman itong tinanggap, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONE MONTH REST. Bago ihayag ni Juday ang kanyang desisyon kung mananatili ba siya sa ABS-CBN o lilipat ng ibang network, humingi siya ng isang buwan para makapagpahinga at makapagbakasyon.

Saan naman niya gustong pumunta?

“Mag-a-around the world!” biro niya.

“Ano muna, magiging tao muna ako.

"Ano muna, dasal… time, hindi naman alone time pero nurture ko muna yung moment na ibinigay sa akin ng ABS to stop and think. And I really appreciate that.

"Hindi ako magpapaka-plastic sa pagsabing, ‘E, kaya n’yo ibinigay sa akin ito kasi wala kayong maibigay na project!’ No, it’s not that.

"Projects are there, naka-line up silang lahat.

"It was me who said, ‘I have to stop. I have to think. I have to recharge.’

"Kasi gusto ko pag gumawa ako ng bagong project, it’s a new beginning, hindi ba, yung nakapagpatawad ka na sa lahat ng tao.

"Ikaw mismo sa sarili mo na-forgive mo na yung sarili mo for being an impakta. Alam mo sa sarili mo naging demonyita ka for a time.

"Gusto ko muna siyang prosesuhin.

"Siguro gusto ko munang anuhin yung sarili ko… kalmahin yung sarili ko kasi ayoko naman ng ganito, e, ayoko yung moment na nagiging impakta ka.

"So, kailangan ko munang bumalik sa zero para mag-start ako ng bago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN