KC Concepcion on challenging role in Huwag Ka Lang Mawawala: “It’s a milestone and a turning point.”

KC Concepcion looks back at her "meaty" role in Huwag Ka Lang Mawawala with great pride: “It’s a great start for me to do roles na hindi ko maisip na gagawin but once pumasok na ako sa set at magstart na magtrabaho, now, maraming doors na ang nag-open sa akin na, ’Oh my gosh, kaya ko pala!’ Na parang kumportable pala ako doing that. Baka all these five years na nasa mainstream ako, training na rin na... to reach a point


Masayang malungkot si KC Concepcion sa maagang pagwawakas ng primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala, sa August 23. Ito ang kauna-unahang role niya ever bilang isang bida-kontrabida maging sa pelikula man o teleserye.

Sa finale presscon na ginanap noong Huwebes, August 15, sa Restaurant 9501 sa ELJ Building ng ABS-CBN, naging bukas si KC sa pagpapahayag ng tunay niyang nararamdaman tungkol sa mga karanasan niya sa paggawa ng teleseryeng ito.

Bungad ng actress/TV host sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Marami talagang supporters itong show namin...

“Nakikita po namin sa Twitter, from people outside and kahit yung mga taga-ABS CBN, knowing na kahit yung co-actors namin ay nanonood din.

“Maganda po ang feeling na lagi pong mataas ang aming rating kahit napunta kami sa ibang timeslot. And it’s really such a blessing yung numbers po and of course yung reactions din ng mga tao.”

INITIAL HESITATIONS. Looking back, reluctant daw siya na tanggapin ang role niya dahil sa pagiging kontrabida niya rito, pero naging maganda ang feedback ng acting niya habang umeere ang teleserye.

Sabi ng dalaga ni Sharon Cuneta, “Yeah, when Ate Juday [Judy Ann Santos] talked to me, ayaw ko talagang gawin. I really told her, ’No, Ate, ayoko talaga.’

“Now, I delivered it more than I delivered myself. Kasi po, I never expected that I would be able to take the role na ganitong genre. Yun nga, naitatawid ko yung pagiging bida-kontrabida.

“But it’s worth it... it’s really worth it na I really trusted Ate Juday for this and I think there was a reason kung bakit nila naisip na ibigay sa akin ito.

“They are experts with what I do—ano ba naman ang alam ko? Ano ba naman ang alam ko na kung i-pursue ang career ko, you’ll see the reason why.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the end, happy ako. Thank you, Ate,” sabay tingin kay Juday na katabi lang niya sa nasabing presscon.

REGRETS. Kaya nga raw marami ang nanghihinayang na kung kelan naman lumalabas ang galing at lalim niya sa pag-arte dahil nga sa role niya bilang si Alexis sa Huwag Ka Lang Mawawala ay saka naman ito magwawakas.

Ano ang pakiramdam niya rito?

Aniya, “Siguro po kahit papaano ay may ’bitin’ factor po talaga.

“Nagiging meaty na ang kuwento ng teleserye. It’s so fast-paced, mami-miss ko po talaga si Alexis at nalulungkot ako dahil na-attach na ako doon sa role ko and one year na rin ako working on this character.

“Tapos ang daming tanong talaga kung paano ko ito gagawin and it was such a journey for me portraying Alexis. It’s a milestone and a turning point.

“It’s a great start for me to do roles na hindi ko maisip na gagawin but once pumasok na ako sa set at mag-start na magtrabaho, now, maraming doors na ang nag-open sa akin na, ’Oh my gosh, kaya ko pala!’

“Na parang kumportable pala ako doing that. Baka all these five years na nasa mainstream ako, training na rin na... to reach a point na sana magtuluy-tuloy at ang roles in the future ay sana mas fierce, mas challenging.

“Nanggulat ako ng tao bilang si Alexis—yun yung pinakamalaking bagay for me na ginusto ako ng tao sa role na ito at hindi ko rin alam kung paano ko ginawa.

“Hopefully po, it made a name.”

Tungkol sa women empowerment ang tema ng nasabing teleserye.

SOCIAL RELEVANCE. Bukas siya sa katotohanan na maraming kakabaihan ang dumaranas na pang-aabuso sa kamay ng mga kalalakihan o sa kani-kanilang asawa.

Ano ang take niya dito?

Opinyon ng 28-year-old actress, “Actually, kinakabahan nga ako kapag ganito ang usapan. Kasi, wala pa naman akong anak, hindi ako kasal and I’m one of the most eligible bachelorettes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s something for me to learn na may law... may mga batas pala talaga para proteksiyunan din ang mga wife. So, it’s a big lesson for me.

“At sana nga, hindi nga sana mangyari sa ’kin ang mga nangyayari kina Helena at Anessa [characters sa Huwag Ka Lang...] and yung kay Alexis of course.

“At saka, few years ago noong ako ay nasa Paris ay tinanong ako kung ano ang project na gusto kong gawin at ang una pong pumasok sa isip ko ay...

“Well, wala naman talaga akong alam noon about showbiz in general... pero sinabi ko po talaga na sana magkaroon ako ng isang project na significant...

“Na parang socially relevant. So, heto na po talaga siguro yung perk ko, heto na po talaga yung kahit gusto kong marating and I’m glad I’m with Ate Juday sa pagbabalik ko.”

LEGACY. Ngayong magtatapos na nga ito, inalam ng PEP kay KC kung mahirap ba ang magpaalam considering na halos tatlong buwan pa lang itong umeere at mataas ang ratings nito.

Balik-tanong ni ’Alexis,’ “Teka, sa’n ba ako magsisimula?

“Napakarasarap ng feeling knowing na mag-iiwan kami ng isang teleserye na napaka-relevant sa society natin na maraming tao ang naiyak, natuwa at napasaya namin.

“Kinainisan ako, kinaiinisan kami and at the same time ay naawa sa amin.

“Maraming mga kakabaihan at bekibels [gays] ang naka-relate sa situation na ito and for that we know na nag-iwan kami ng isang napakahalagang proyekto.

“And as Alexis, I love you all even if you love and hate me at the same time, which is a memorable journey for me.”

COMING OF AGE AS AN ACTRESS. Sinasabi nga na isa na siyang ganap na aktres sa teleseryeng ito.

“Malaking bagay yun sa akin,” pag-amin niya.

“Malaking bagay sa akin na tinanggap n’yo ako bilang isang bida-kontrabida and I never, never thought na maa-accept ko ang ganitong role at magagampanan ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, pag-uwi ko dito [mula sa Paris] ay pa-tweetums lang ako and for so lang ay estudyante lang ako and I just want to do hosting and commercials.

“And now as an actress, I’m so thankful na I’m learning from the best... the Queen of Teleseryes [Judy Ann], my big sis, siya ang naging mentor ko.

“It’s a nice feeling talaga.”

Dagdag pa niya, “This is one is a reminder na puwede palang maging unpredictable ang roles na puwedeng gampanan.

“Lalo na to someone like me na wala talagang kaalam-alam sa pag-arte sa TV and movies, it’s something that I can grow and learn from.

“Tsaka, may naging advice ang Mommy ko [Sharon Cuneta] na, ’when in doubt, simplify’ [ang pag-atake sa isang role].

“Natutuwa ako kasi lagi ko kasing gustong aralin itong craft-ang tingin ko, ang emosyon ko.

“Gusto ko ay totoo na maramdaman ng tao.

“In the future, kung gagawa ako ng isang role na fierce o matapang din, sana matanggap ng tao the same way na tinanggap nila si Alexis.

“At sana, magbago na ang tingin nila sa akin bilang isang aktres.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN