Comedian Joey Paras on bagging Cinemalaya Best Supporting Actor award: “Ang lakas maka-Anne Hathaway ng award na ’to ha!”

Director Jason Paul Laxamana on Joey Paras’ level of professionalism as an actor: “Kasi hindi ko siya masyadong kakilala, pero ginulat niya ako nung script reading. Ibang klase ang professionalism niya at sa binubuhos niyang husay sa role niya. He doesn’t care about the glamor of the role. Mas gusto niyang deglamorized siya kasi yun ang tingin niyang bagay sa role niya.”


Mabibigyan na ng launching film ang stage-film-TV gay comedian na si Joey Paras. Ito ay may titulong Bekikang na ipu-produce ng Viva Films at ididirek ni Wenn Deramas.

Si Joey ang nanalong Best Supporting Actor (New Breed Category) sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival awards para sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang online scammer sa indie film na Babagwa (The Spider’s Lair) ni Jason Paul Laxamana.

Marami ang humanga sa pagganap ni Joey bilang si Marney, ang bading na mastermind ng isang sindikato na nangbibiktima ng mga nakaka-chat sa Facebook.

Tinalo ni Joey ang mga malalakas niyang kalaban sa Best Supporting Actor category na sina Mike Lloren (Rekorder); Marc Justine Alvarez (Transit) at Miggs Cuaderno (Quick Change).

Kaya noong siya ang in-announce na winner, ang kanyang unang nasabi sa kanyang acceptance speech ay: “Ang lakas maka-Anne Hathaway ng award na ’to ha!”

Si Joey nga raw mismo ang nag-create ng kanyang “balahurang” character na si Marney sa tulong ng kanyang director na si Jason Paul Laxamana.

“Enjoy ako sa mga challenging and meaty roles. Mahal ko ang indie films kasi dito lang ako nakakapag-create ng iba’t ibang characters.

“Binuo ko na ang character ni Marney sa isipan ko noong mabasa ko ang script. Tapos kinausap ko ang director ko tungkol sa gagawin ko kay Marney.

“Ako na rin ang pumili ng magiging hairstyle at wardrobe to. Ayun at nabuhay si Marney!” kuwento ni Joey sa kanyang isang TV interview kamakailan.



PREFERS DEGLAMORIZED ROLES. Inamin ni Direk Jason na medyo hesitant nga siyang kunin noong una si Joey para sa role na Marney.

“Kasi hindi ko siya masyadong kakilala, pero ginulat niya ako nung script reading.

“Ibang klase ang professionalism niya at sa binubuhos niyang husay sa role niya.

“He doesn’t care about the glamor of the role. Mas gusto niyang deglamorized siya kasi yun ang tingin niyang bagay sa role niya,” pagpuri niya sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2009 unang nakilala si Joey sa Cinemalaya entry na Last Supper No. 3 na dinirek ni Veronica Velasco.

Ginampanan ni Joey ang role ng isang production assistant ng isang TV commercial na nagulo ang buhay dahil sa nawawalang props na kung tawagin ay Last Supper No. 3.

Dahil sa mahusay na pagganap niya bilang si Wilson ay nagkaroon siya ng ilang nominations for Best Actor noong taong iyon.

Naging suki na si Joey sa ilang mga teleserye ng GMA-7 (Ikaw Sana, The Last Prince, Sinner or Saint, I Heart You Pare, Langit sa Piling Mo, Daldalita, Hindi Ka Mag-iisa), ABS-CBN (Kapag Puso’y Nasugutan, Dahil May Isang Ikaw, Maging Sino Ka Man, Petrang Paminta, Galema) at TV5 (Misibis Bay).

Scene-stealer din ng ilang pelikula si Joey tulad sa Sisterakas, Bwakaw, Bromance: My Brother’s Romance, Dance of the Steel Bars at kasalukuyang ginagawa niya ang comedies na Oh My Mama Mia! at Girl, Boy, Bakla, Tomboy na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2013.

Nagsimula sa entablado ng CCP Tanghalang Pilipino Actors Company si Joey at mentor nga niya si Nonon Padilla. Nanalo na rin siya bilang Best Theatre Actor sa Aliw Awards.



BOX-OFFICE STAR IN THE MAKING? Naniniwala nga si Direk Wenn na malakas ang magiging hatak sa masa ni Joey Paras.

Base kasi sa nakita niyang reaction ng mga tao sa mga naging roles ni Joey sa kanyang mga pelikulang Sisterakas at Bromance, kinatuwaan siya dahil sa natural nitong paraaan ng pagpapatawa.

Si Direk Wenn nga ang dahilan kung bakit naging isang phenomenal box-office star si Vice Ganda na noong una ay pa-support-support lang sa kanyang mga comedy films na Apat Dapat...Dapat Apat, Ikaw Pa Rin: Bongga Ka Boy at Hating Kapatid.

Ngayon ay “highest grossing Filipino film of all-time” ang pinagbidahan ni Vice Ganda na The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011) at sumusunod naman dito ang Sisterakas (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Certified box-office hits din ang launching film ni Vice Ganda na Petrang Kabayo (2010) at maging ang This Guy’s In Love With You Mare (2012).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN