Sid Lucero on how being a first-time dad made him want to be a better man: “I think I have to earn it… to be a father of this child.”

Sid Lucero on how fatherhood changed him: “Nung nalaman ko pa lang the day when she’s pregnant, I already let go a lot of my old ways. Alam n’yo na yun... gago ako, di ba? Alam n’yo na yun. After nun, parang nasabi ko na gusto lang niyang ma-experience the most of the giving-birth, the process, so grabe talaga. Ibang klase ang babae... iba. Yung respeto ko sa babae, tumaas nang todo. Grabe talaga, as in grabe. Actually, I can say na proud ako. I think


Aminado si Sid Lucero na malaki ang ipinagbago niya mula noong isinilang ang kanyang anak kay Bea Lao na si Baby Halo Eve Eigenmann.

Nakatutok si Sid sa kasintahan nung nag-labor ito, at nung nakita raw niya ang kanyang anak na iniluwal ni Bea, iba raw ang naramdaman niya at ang unang pumasok sa isip niya, dapat na raw na magbago na siya.

“Ang dating sa akin parang bigla akong nag-self check.

“Parang lahat nga na kagaguhan ko tapos na-feel bad ako tapos, parang una mong iisipin sana hindi siya maging ganun o sana hindi siya ganunin.

“Basta parang nagsisi ako sa lahat na kagaguhan ko, sobra as in first song ko talaga “Amazing Grace.”

“Ilang beses na akong nakahawak ng infant, naging tatay na ako sa TV, pero it’s all imagination. It’s all based on kuwento, and based on translation ko as a son to the parents, pero yung ikaw, iba talaga,” emosyunal na pahayag ni Sid.

Hindi alintana ni Sid ang puyat at pagod sa pagbabantay sa kanyang anak. Pero malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mommy, si Bing Pimentel at sa mga tito at tita nila dahil nandiyan daw sila na tumutulong sa kanila sa pag-aalaga sa baby.

“Nung first three days sa hospital, ako lahat kasi caesarian siya, e.”

“Inimbita ko si Mom, pag hindi ko na kaya. Buti nga nandito si Mom kasi iba talaga yung resistensya ng nanay pagdating sa bata.

“And of course, first-time mom si Bea, and marami siyang natutunan and we are fortunate to have our parents and titas. We have our families involved,” masayang pahayag ni Sid.



A BETTER MAN NOW. Ngayong isa na siyang ama, nangako si Sid sa sarili na magbabago na siya at iiwan ang dati niyang bisyo.

“Nung nalaman ko pa lang the day when she’s pregnant, I already let go a lot of my old ways. Alam n’yo na yun... gago ako, di ba? Alam n’yo na yun,” natatawang pahayag ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang na-realize ni Sid pagkatapos niyang masaksihan ang panganganak ni Bea ay tumaas daw ang respeto niya sa mga kababaihan.

“After nun, parang nasabi ko na gusto lang niyang ma-experience the most of the giving-birth, the process, so grabe talaga. Ibang klase ang babae... iba,” bulalas nito.

“Yung respeto ko sa babae, tumaas nang todo. Grabe talaga, as in grabe.”

“Actually, I can say na proud ako. I think I have to earn it… to be a father of this child.”

NO WEDDING PLANS YET. Sa ngayon ay gusto munang mag-focus ni Sid at Bea sa kanilang anak. Wala sa plano nila ang kasal.

“The funny thing is, every time I’m in a relationship, of course I want to marry the person… I mean you don’t get into a relationship and tingnan natin.

“And then Halo came, and we’re both talking about it, we decide na let’s not use the pregnancy or the child to be the reason to get together.

“Let’s make sure that everything is fine. So right now, we’re more focused on the kid.

“Tingnan natin, kasi nandito pa kami kay Halo.

“Kung sana nga… kung ito yung before... mas maganda, But right now we’re focused on the child,” pagtatapos na pahayag ni Sid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN