Neri Naig: "I am not yet ok, but I am getting there."

Pagkatapos ng dalawang linggo ay binasag na ni Neri Naig ang kanyang katahimikan kaugnay ng pagkalat ng sex video nila ng kasintahang si Chito Miranda sa Internet. Sa pamamagitan ng isang official statement ay ipinahayag ni Neri ang kanyang nararamdaman tungkol sa isyung kinasasangkutan.


Magmula nang sumabog at maging viral ang sex video scandal nina Chito Miranda at Neri Naig, tanging si Chito lamang ang humaharap sa media.
Nakarating pa nga sa National Bureau of Investigation (NBI) si Chito upang ma-trace ang taong nagpakalat nito sa Internet.
Sa loob ng bumigit-kumulang dalawang linggo mula nang pumutok ang mainit na iskandalo, nanahimik si Neri.
Pero ngayong araw na ito, August 18,, pakiramdam ni Neri, panahon na upang siya rin ay magsalita. Binasag na niya ang kanyang katahimikan.
A couple of weeks ago, tinext ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Neri na si Manny Valera ng DMV Entertainment.
"Cannot be reached" umano ang status ng kanyang kontrobersiyal na alaga, ayon kay Direk Manny.
Sa tanong kung ano ang reaksiyon ng pamilya nito, walang reply ang beteranong manager.
Hanggang sa ito na nga ang official statement ni Neri, na ipinadala sa pamamagitan ng text message ng hander niyang si Beth delos Reyes.
Malaki ang pasasalamat ni Neri sa lahat ng mga taong sumuporta at umalalay sa kanya sa matinding pagsubok na ito, na kung pupuwede nga lang daw na "yakapin" niya silang lahat dahil sa pagmamahal nila sa kanya.
Pag-amin ni Neri, nagkulong siya sa kuwarto niya sa loob ng dalawang linggo at gusto na lang "mag-disappear" sa mundo, dahil sa kanyang pinagdadaanan.
Sa huli, sinabi ni Neri na hindi pa siya ganap na okey, "but I’m getting there."
Narito ang opisyal na pahayag ni Neri:
"As soon as I found out that our video went viral, I sent a message to my family agad and for two weeks, nagkulong lang ako sa room ko and just wanted to disappear. I didn’t want to see or talk or hear from anyone.
"A few days ago, I finally decided to start reading the messages from my family, friends,acquaintances and even from random people who didn’t know me personally. Grabeng pagmamahal yung pinaramdam nila sa akin.
"Chito then asked me to watch some footages online.
"The first one he showed me was from The Buzz, and Tito Boy’s comment made me want to hug him agad. What he did and said about us, helped me a lot.
"Then I saw what Showbiz Inside Report did. Pinakita nila kami bilang isang normal na couple na nagmamahalan.
"I also saw what they showed on StarTalk, and read an article from GMA 7, and what they said was fair and unbiased at naging malaking tulong para makawala ng pain kahit paano. Maraming salamat po.
"Nung naabutan ng TV5, GMA, at ABS CBN si Chito sa pangalawang araw niya sa NBI, nirespeto nila yung pakiusap ni Chito na wag gawing big deal yung pagpunta nya doon and they responsibly reported everything as it is.
"Gusto ko din magpasalamat kay Mr. John Consulta sa concern na pinakita nya.
"Maraming salamat po kay Ms. Kathleen Dy ng Universal Records, napakalaki po ng tulong nyo po sa amin ni Chito. Sa DMV Management, salamat po sa pag-unawa at pag-alalay sa akin.
"Sa NBI po, salamat po at kahit di pa man kami lumalapit sa inyo, inaaksyunan nyo na po agad ang kaso.
"Kung pwede lang po talagang yakapin lahat ng tao na umalalay, nagpakita ng pagmamahal at support sa amin ni Chito...
"Maraming maraming salamat po. I am not yet ok, but I am getting there."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN