Carlo Aquino on his very convincing portrayal of gay roles: “Once na sumigaw na ng action, parang si Carlo Aquino nawawala na at ang lumalabas ay yung role.”

Carlo Aquino narrates how his role for Maalaala Mo Kaya’s "Pulang Laso" episode came about: “Nasa shooting ako, ipinadala sa akin ang script at tinatanong ako kung gusto ko raw gawin. Kasi nga, medyo reluctant akong mag-bakla. E, nabasa ko yung script nang buo. Sabi ko… ang ganda! Kasi love story siya. tapos tina-tackle yung sa AIDS, so gusto niyang magbigay ng information tungkol sa AIDS, di ba? So tinanggap ko. Hindi ko pa


Dahil sa magandang ratings, extended at may Book Two na raw ang seryeng Annaliza ng ABS-CBN.

Tungkol nga dito ang unang naibalita ni Carlo Aquino nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng movie reporter na si Roldan Castro, noong Biyernes ng gabi, August 16, sa R Bistro sa Victoria Tower, Timog Avenue, Quezon City.

“Mataas yung morale naming lahat,” sabi ng aktor na kabilang sa cast ng nasabing teleserye.

“Naghu-hope kami na mas tumagal pa. At mas suportahan pa ito ng ating mga Kapamilya.”

Ginagampanan dito ni Carlo ang role ni Makoy. Love interest siya ng karakter naman ni Kaye Abad.

“Ako yung nag-kidnap kay Annaliza. Lahat ng sikreto ng buong istorya, alam ko. Mas nagiging kontrabida ang character ko habang patagal nang patagal.

“Effective naman daw akong kontrabida. Dahil maraming feedback na magaganda. Marami rin ang naiinis sa akin dahil sobrang bad ko raw doon sa serye,” panimula niyang kuwento.

Sa katatapos na Cinemalaya, isa si Carlo sa bida ng trilogy na Porno, isa sa mga finalists ng nabanggit na independent film festival. Inakala ng iba na mananalo siyang Best Actor dahil mahusay naman ang naging pagganap niya rito.

“Hindi sila nagbigay ng Best Actor award, e,” napakibit-balikat niyang saad.

Disappointing ba para sa kanya ang naging desisyon ng Cinemalaya na walang bigyan ng Best Actor award?

“Hindi naman. Unang-una, opinyon nila iyon.

“Wala akong karapatatan na manguwestiyon. Sila ang mga jury doon.

“At saka sa tingin nila siguro… yung episode ko kasi, twenty minutes. Mga gano’n lang. So hindi mo siguro maku-qualify na pang-Best Actor.

“Basta ako, yung trinabaho ko doon, ibinigay ko pa rin yung kaya ko.

“Three episodes yung pelikula. Sa first episode, bida si Yul Servo. Sa second, ako. Tapos sa third, si Angel Aquino.

“E… twenty minutes lang yung episode ko. Kaya hindi mo masasabi na full length na pelikula. Parang short film lang yung nangyari sa bawat episode,” paliwanag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa pagiging cute at magaling na child star, ngayon ay nasa hanay na si Carlo ng piinakamagagaling na aktor ng kasalukuyang henerasyon.

NOTEWORTHY GAY ROLE. Isa nga sa pinakamahusay na performace niyang tumatak sa marami ay yung sa “Pulang Laso” episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Ginampanan niya rito ang role ng isang discreet gay na nagka-AIDS at nahawa pati ang lover niya na ginampanan naman ni Joem Bascon.

Aniya, “Unang-una, maganda kasi ang pagkakasulat ng MMK episode na ’yon. And… first gay role ko ’yon.”

How come na sa unang pagportray pa lang niya ng gay role, naging napaka-convincing na agad niya?

“Wala nga akong naging masyadong preparation nang ibigay sa akin ‘yon.

“Ipinadala sa akin ang script no’n, nasa shooting ako ng Mater Dolorosa,” pagtukoy niya sa indie film kung saan gumanap siyang adik at taga-tulak ng droga na nagpanalo sa kanya ng Best Supporting Actor award sa PMPC Star Awards For Movies during the early part of this year.

“Nasa shooting ako, ipinadala sa akin ang script at tinatanong ako kung gusto ko raw gawin. Kasi nga, medyo reluctant akong mag-bakla.

“E, nabasa ko yung script nang buo. Sabi ko… ang ganda!

“Kasi love story siya, tapos tina-tackle yung sa AIDS, so gusto niyang magbigay ng information tungkol sa AIDS, di ba? So tinanggap ko.

“Hindi ko pa alam kung sino ang co-actor ko. Pagdating ko sa set, si Joem pala yung kasama ko.

“E… kaibigang-kaibigan ko si Joem. Tapos yung director, si Direk Noel Naval. Nakaka-ilang Best Actor na ako kay Direk Noel.

“So talagang… yung trust ko, talagang ibinigay ko lang sa kanila. At saka maganda talaga yung story.

“Hindi na rin nga ako nagkaroon ng chance na magtanong sa mga kakilala kong gay para magamit ko sa pag-portray ko ng role na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ang sinabi lang sa akin ni Direk Noel, kasi pagdating ko sabi ko… sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil first ko nga.

“Sabi niya, huwag kang mag-alala, ano lang naman ito… bakla sa puso pero paminta,” patukoy niya sa gay pero lalaking-lalaking kumilos.

“At saka hindi naman talaga ako pinabayaan ni Direk Noel.”

“Yung mga moments na may kilig sa characters nila ni Joem, nakatulong din daw na magkaibigan sila kasi ng aktor.

“Ano lang ako… kumportable lang talaga ako kay Joem. At saka once na sumigaw na ng action, parang si Carlo Aquino nawawala na at ang lumalabas ay yung role,” detalye pa niyang kuwento.

Okay raw sa kanya kung may offer na mag-portray ulit siya ng gay roles.

“Hindi ko lang alam kung anong klaseng gay role naman ang magiging challenging ulit para sa akin. Kasi yung do’n nga sa MMK, kabadong-kabado na ako, e.

“So… hindi ko pa alam kung ano yung mga susunod na kaya kong gawin,” pag-amin niya.

LOVE LIFE. Okay ang takbo ng kanyang career. Okay din daw ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Bakit hindi niya isinasama ito sa mga showbiz affairs? Iyon ba ang usapan o kasunduan nila?

“Hindi naman. Sa amin kasi… para mas tahimik lang. Ewan ko...

“Pero may mga nakakakilala naman sa kanya. Kasi before, may singing group sila. Sa Viva siya dati. Ang pangalan niya… Kristine Nieto.

“Three years na kami. Pero wala pa kaming planong magpakasal.

“Bata pa kami. Twenty-seven lang ako. Twenty-four naman siya.

“Four to five years pa siguro bago ko maisipang mag-asawa. Mag-iipon muna ako.

“Lalo kakabalik ko lang. Ngayon pa lang ulit ako nagtatrabaho at nabigyan ng pagkakataon,” saad ng binata.

Feeling ba niya, si Kristine na ang makakatuluyan niya?

“Oo. Hindi ka naman papasok sa isang relasyon na hindi siya ang sa tingin mong makakatuluyan mo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta mag-iipon muna ako. Right now, I’m into business also. Meron akong tarpaulin business. Meron din akong food truck, yung parang diner pero nasa truck.

“Tapos, gusto ko ring magkaroon ng town house at paupahang apartment. So iyon muna ang pagsisikapan ko ngayon,” pangwakas na pahayag ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN