Michael V. recovers from dengue; may leave hospital tomorrow

Maaari nang makalabas ng hospital bukas ang comedian na si Michael V. matapos ng ilang araw na pagkaka-confine dahil sa sakit na dengue.


Kung magiging maayos ang lahat, maaari nang makalabas ng hospital si Michael V. bukas, August 19.

Ito ay ayon sa Instagram post ng komedyante ngayong hapon, August 18.

Sa photo-message niya, nagpasalamat si Bitoy (palayaw ni Michael V.) sa lahat ng mga tumulong, lalo na noong nanawagan sila ng dasal at tulong para sa mga posibleng blood donors nang bumaba ang kanyang platelet count.

Mensahe niya, “We’re slowly but steadily seeing progress in my condition. I DO NOT require transfusion anymore at this point so I’d like to thank all those who helped out. If all goes well, I may be able to go home tomorrow and continue bed rest for a week.

“I thank the good Lord for listening to our prayers.”

Naka-caption sa mensahe niyang ito ang mga katagang, “God is good.”

Ikinatuwa naman ito ng mga followers ni Michael V.

Matatandaang eksaktong isang lingo na sa ngayon ay nakaramdam na si Michael V ng aniya ay isang "bad flu."

Pero kalaunan, dengue na pala ito at na-confine siya sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

Nitong Huwebes, August 15, nanawagan ang mga malalapit na kaibigan ni Bitoy ng blood donors na type B+ para sa kinakailangan nitong blood transfusion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN