Matteo Guidicelli insists he’s not courting Sarah Geronimo

Inamin ni Matteo Guidicelli na nagpunta siya sa bahay nina Sarah Geronimo para sa selebrasyon ng 25th birthday ng Pop Princess, ngunit iginiit ng actor-TV host na hindi siya nanliligaw rito.


Mas lalong umigting ang balita na may espesyal diumanong namamagitan kina Matteo Guidicelli at Sarah Gernomimo nang lumabas ang kuwentong isa sa naging bisita ng Pop Princess sa kanyang 25th birthday last July 25 ang aktor.

May mga nagsasabi pa ngang naging matapang daw si Matteo sa pagpunta sa bahay ng singer-actress at harapin na rin ang pamilya at malalapit na kaibigan nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo sa pictorial shoot para sa upcoming ABS-CBN series na Galema, Anak ni Zuma last week, hindi niya ipinagkaila na dumalo siya sa intimate birthday celebration ni Sarah kasama ang ilang mga naging kaibigan nila sa kanilang show sa Amerika.

Kuwento pa niya, “It was okay, it was her birthday... with friends, we went there.

"Sabay-sabay kami dun, we celebrated her birthday. Grupo kaming nag-celebrate ng birthday niya.

“Wala namang masamang intention or anyting. It’s outside of work, it’s outside of showbiz.

"It’s just a friendly gesture... we’re celebrating her birthday with everybody else."

Senyales ba ito na nanliligaw siya kay Sarah?

“Hindi, we’re just friends,” sagot ni Matteo.

Sa past interviews kay Sarah ay nabanggit nito na sobra siyang nababaitan kay Matteo, bagay na labis namang ipinagpapasalamat ng aktor.

Aniya, “Thank you very much, Sarah, thank you.

"We went to work together in America for a concert and I had a great experience there. Siyempre, performing with her on stage.

"Not only that... to meet new people, to bond with her and the whole group so I made new friends along the way.

"I’m very happy so thank you very much."

Ano ang reaksiyon ni Matteo sa lumabas na balitang sobrang sweet daw nila ni Sarah sa show nila sa Amerika, kung saan hinalik-halikan pa raw ng binata ang kamay ng dalaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Well, that’s part of the song, e.

"The song is ’Kiss,’ it’s about a guy going after girl. It’s basically the whole song.

"Nung umpisa, nung rehearsal, nagkakahiyaan pa kami and everything.

"As the show came on, I tried to let it out and do what I had to doon stage.

"Siyempre off the stage, I got also new friends—Sarah and whole group.

"They are very amazing people, they were very nice, very welcoming and very nice.”

Ipinagpapasalamat daw ni Matteo na nagkaroon siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Sarah.

“I respect everything about her... She’s a very nice person... Happy na I have one more friend.”

JESSY MENDIOLA. Bago pa man na-link kay Sarah ay balita na naging boyfriend siya ni Jessy Mendiola.

Sa hiwalay na panayam sa young actress, sinabi nito na "better" siya at hindi "bitter" nang mahingan ng reaksiyon tungkol sa balitang nagkakamabutihan na sina Matteo at Sarah.

Sabi naman ni Matteo tungkol kay Jessy, “That’s good. I’m very happy for her, she has Maria Mercedes.

"She really wants it, she’s working hard for it dahil alam ko nag-salsa lesson siya, nag-bike na siya, nag-fitness and everything.

"She’s really concentrated and determined on her new soap so I’m very happy for her and congratulations.

“She’s doing that and I’m doing this.

"I guess when we see each other, we still say hi, we will talk.”

GALEMA. Masaya naman si Matteo sa pagiging parte ng Galema, kung saan muli silang magtatambal ni Andi Eigenmann.

Aniya, “Sobrang saya ko dahil pagkatapos ng Paraiso, may bago na naman akong gagawin, ito ngang Galema.

Una silang nagkasama sa launching soap ni Andi na Agua Bendita.

Sabi ni Matteo, "I’m excited to work with a new different group, si Direk Wenn [Deramas], sobra-sborang magaling na direktor na talagang pangarap ko na makatrabaho with him

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ko si Andi Eigenmann, yung loveteam ko three years ago.

"Alam mo, kami ni Andi, sobrang close kami sa isa’t isa, dati pa nung Agua Bendita.

"We were verey open to each other, lahat ng sikreto alam namin, kaso after three years, marami kaming dinanas sa buhay.

"I guess now we’re still the same people but we matured in a way professionally and as people, as normal people, we matured and changed.

"I’m very excited to work with her again. Kumbaga, it’s new Andi, it’s a new me, so exciting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN