Christian Bautista reveals what he learned after breakup with Carla Dunareanu: "...you stay positive and you look for the reasons why, saka life goes on."

Christian Bautista on being hailed as the Modern Filipino Gentleman,“This award means a lot to me because it’s the first, and I’m not really an artista pero mayroong times na you deserve it, and I’m thankful for that."


Ayaw nang magbigay ng anumang detalye si Christian Bautista tungkol sa breakup nila ni Carla Dunareanu.

Magsasalita raw siya sa tamang oras, pero sa ngayon, hiniling niyang, “Huwag muna tayong mag-lovelife for now, sorry guys."

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 2013 McJim Classic Elan Awards: The Search for the Modern Filipino Gentleman, noong August 15, sa 55 Events Place, Tomas Morato, Quezon City.

Si Christian ang itinanghal na grand winner sa naturang search.

Patuloy niya, “I think the time will come, I don’t know.

"As a gentleman, I believe that time will come.

"That’s one thing I wanna do right now, my private life, I wanna... really need space and make my personal life personal."

Naiintindihan naman daw niya ang pag-uusisa ng media.

Sa pagpapatuloy ng STAGES talent, "This will be unfair to some who will say I’m a public property, and I have to tell every single thing of my life.

"But I remember, ’Hey, it’s my life. Please, just respect it.’

"I know you’re just doing your wonderful, wonderful job pero at the moment, I want to ask a little bit space for now.”



LESSONS LEARNED. Maari ba niyang ibahagi na lang ang mga natutunan niya sa mga nangyari?

“In general, you focus on what’s God wants for you, you have faith that things will be better, you trust in God’s plan and you stay positive.

"You don’t burn any bridges, you don’t break down walls, you stay positive and you look for the reasons why, saka life goes on."

Sa pagkakataong ito, labis ang pasasalamat ni Christian sa suporta ng kanyang pamilya.

Aniya, “My family really takes me out of where I am. We hang out, we talk.

"Naka-experience kasi ako ng normal life till college, that’s my difference with other celebrities na parang from kids, they start agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba, iba yung culture, e. Iba yung your life when you start yourself in showbiz nung bata pa.

"I was so thankful that they ground me, yun ang pinaka-importante, they ground me a lot.”



THIRD PARTY. Nauugnay ang pangalan ng ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go na pinagselosan daw ni Carla.

May balita ring lumabas na ang kapareha naman daw na si Andrea Torres sa seryeng With a Smile ang rason ng breakup nila ng dating nobya.

Klinaro ni Christian ang mga rumors, “Nasa Papua New Guinea si Rachelle. Part kami ng Sunday All Stars so nagkikita kami. Di naman nawala yung friendship, never.

"Yung tuksuhan, it’s natural na nasanay na kami pero we don’t let it affect us. Sa Champions naman, yung friendship, it never left. Pati sila Erik, Sarah, it’s still the same naman. Whatever will happen, will happen. I don’t wanna dwell on that as of the moment.

“Kay Andrea, because we have a show, With A Smile. No. Sa ngayon, di ako lumalabas. Di ko naiisip ang mga ‘yan.”

Kagaya ng sinabi ni Carla sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP (read story about Carla Dunareanu), ang focus muna ni Christian ay ang kanyang career.

“Ngayon, it’s very busy working every day. Kanina nga, nag-tweet ako ’not feeling well,’ pero kaya naman.

"Pero, [I’m] doing Cinderella rehearsal every day and in between, doing With A Smile and doing SAS every Sunday so medyo it’s very tight.

"I’m just really focusing on my work and sana magawa ko ang lahat responsibilities ko."



"PINOY GENTLEMAN." Samantala, mga bigating pangalan sa politics, music, at showbiz ang mga nakalaban ni Christian sa 2013 MCJim Classic Elan Awards. Nagpasalamat ang Kapuso star sa kanyang mga tagahanga na talagang sumuporta at bomoto sa kanya. Bukod sa napanalunang 100,000 pesos, ang napili niyang beneficiary na World Vision ay makakatanggap din ng 100,000 pesos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I owe it all to my fans, sa lahat ng mga bomoto online. Parang nakakagulat kasi, you, up against the top stars in all the networks.

"And here, all my fans, really working hard to vote for me, not just for that para makatulong din sa charity na World Vision.

"And not just that, the money that I’ll be getting here wil also be given to foundation.

"So I’m not getting this money for myself but we gonna give it back to my fans, they wanna help some more. That’s the goal naman of this, so I’m very thankful for this award.”

Dahil ang title ng pinaglabanan ay ang titulong Modern Filipino Gentleman, ano ba ang kahulugan nito para kay Chrsitian?

“The essence of being a gentleman is being available to your fellowmen, loving them more than yourself.
"Of course there is more and more... you’re in the limelight. Can I make a mistake? Parang ganun.

"What is a gentleman? He makes mistake but he bounces back. He doesn’t dwell on it."

http://www.pep.ph/news/40026/PEP-EXCLUSIVE.-Carla-Dunareanu-still-friends-with-Christian-Bautista-even-after-breakup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN