PEPLIST 2013: Judy Ann Santos has no hard feelings about her teleserye’s abrupt ending

Kuwento ni Judy Ann Santos, ang Huwag Ka Lang Mawawala ay ang teleseryeng pinaka-ipinaglaban niya sa kanyang career dahil maganda ang mensahe nito. Nominado ang Huwag Ka Lang Mawawala sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter para sa Teleserye of the Year, at si Juday para sa Female FAB Award.


Para kay Judy Ann Santos, nagsilbing magandang paraan ang teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala upang mabuksan ang kamalayan ng kababaihan hinggil sa karahasan.

“Parang malaking bagay na through this, nakapagbigay ka ng mensahe na kailangan mong protektahan ang sarili mo. Paano? Ipapakita ko sa ‘yo,” ani Juday sa The Buzz kahapon, Agosto 18.

Ayon pa sa aktres, dahil sa teleseryeng ito ay naipakita sa mga manonood na ang karahasang ginawa sa mga babae ay tunay na nangyayari at ito’y seryosong isyu.



ADVOCACY. Dahil kailangan sa kanyang role sa teleserye, sinabi pa ni Juday na kinailangan pa niyang mag-aral ng Krav Maga, isang uri ng self-defense na nagmula sa Israel.

“It’s a form of how to really defend yourself, sa Israel talaga siya nagsimula.

“Ngayon mas na-realize ko after maipalabas ang teleserye na ito, hindi ako dapat huminto after Huwag Ka Lang Mawawala.

“Ito na yata ang pinakabagong advocacy na gagawin ko… to actually organize some Krav Maga sessions sa mga organizations ng mga abused women for them to realize na this is what you have to know and what your children have to know kasi mapoprotektahan ka talaga,” ani Juday.

NO HARD FEELINGS. Muli ay sinagot ni Juday ang tanong sa mabilis na pagtatapos ng kanyang teleserye.

Paliwanag niya, masaya siya na pinakinggan siya ng ABS-CBN management sa kanyang hiling na tapusin na lang nang maaga ang teleserye, kesa ilipat sa mas gabing timeslot dahil may ipapasok sanang bagong teleserye ang ABS-CBN sa primetime block, ang Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nanghihinayang si Juday na baka hindi na mapanood ng mga tao ang teleserye nilang pinaghihirapan at may magandang mensahe.

“Kung ililipat sa fourth timeslot, parang sayang naman… ang ganda ng teleserye kung di mapapanood ng lahat ng tao.

“But dahil marami akong programang nasagasaan at kailangang ipahinto ng pagpapalabas kasi ang sa akin—in a way naging selfish din yung naging desisyon ko, and ina-address ko naman ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Juday, masaya siya at proud sa kanyang comeback teleserye at sa tingin nila ay makabuluhan ito sa kamalayan ng tao.

“Ito lang yata ang teleserye nagawa ko na well-appreciated at well-applauded, gusto kong ibigay na panonoorin nila ‘yon. Taas-noon naming itawid nang bongga.”

Ang Huwag Ka Lang Mawawala ay nominado sa PEPsters’ Choice 2013 2nd quarter ng PEPlist 2013. At maaaring bumoto sa pag-log on sa http://www.pep.ph/pep-list.

Nominado rin si Judy Ann Santos para sa Female FAB Award.

Bago ang pagtatapos ng interview, sinabi ni Judy Ann na nakikita na niya ang sarili ngayon na mas nag-mature.

“Wala akong sama ng loob sa lahat,” diin ng Teleserye Queen.

Ani Juday, ang rason para sa kanya ng sitwasyong ito ay ipaglaban ang isang bagay na dapat ipaglaban.

“Sa industriyang ito ang tanging kakampi mo, sarili mo at magtatanggol sarili mo, kasi ikaw lang nakakakilala sa sarili mo, eh regardless maniwala sa ‘yo ang tao o hindi,” aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN