Geneva Cruz engaged to Fil-Australian boyfriend

Engaged na ang singer na si Geneva Cruz sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Lee Paulsen. Kaninang umaga ay nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram account si Geneva at ibinalita ang pagtanggap niya sa proposal ni Lee.


Engaged na ang singer na si Geneva Cruz sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Lee Paulsen.
Kaninang umaga, August 19, ay nag-post si Geneva sa kanyang Instagram account (@heavensmother) ng larawan na magkahalikan sila ni Paul.
May caption itong: “He proposed, so I said… ‘Yes!!!! J)"
Naka-tag ang photo-message sa Instagram account ni Lee (@leeross38) ay may hashtag na "#thisisit #oneofthehappiestdaysofmylife #blessed #GODISGREAT"
Nang i-post ni Geneva ang kanyang post ay ilang oras pa lang ang nakalilipas nang mag-propose si Lee sa kanya.
Kasalukuyang nasa United Kingdom si Geneva nang mag-propose sa kanya si Lee. Nasa UK si Geneva para sa Beauty and the Bast Tour.
Ilan sa mga artistang nag-comment at bumati sa pagiging engaged muli ni Geneva ay sina ZsaZsa Padilla, Rochelle Barrameda, Bodie Cruz, at Almira Muhlach.
Ang pinsan naman niyang si Sunshine Cruz ay nag-comment ng: “So happy for you @heavensmother. God is good."
WHO IS LEE PAULSEN? Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager ni Geneva na si Girlie Rodis, sa pamamagitan ng Facebook, kung gaano na katagal magkarelasyon sina Genava at Lee at kung ano ang background ni Lee.
Ayon kay Girlie, “I am not sure how long na sila but we are close to his sister Tania. Tania used to be the girlfriend of Rachel’s [Alejandro] cousin Niño. When Tania was Niño’s girlfriend, nakilala na namin si Lee. He is Filipino-Australian.”
Ayon pa kay Girlie, nasa U.K. si Geneva para sa ilang series of shows at sumunod lang kay Geneva ang boyfriend niya.
“She is there for a series of shows in the UK. Lee Paulsen flew there to join her and I guess propose,” sabi niya.
THIRD WEDDING. Pag nagkataon, ito na ang ikatlong pagkakataon na ikakasal si Geneva.
Nauna siyang ikasal sa ama ng kanyang anak na si Heaven, ang dating Introvoyz vocalist na si Paco Arespacochaga.
Sumunod siyang ikinasal sa TV and radio host na si KC Montero.
Pareho nang napawalang-bisa ang naging kasal ni Geneva sa dalawa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN