Charee Pineda ends relationship with non-showbiz fiancé

“Kapag feeling ko wala nang pupuntahan or puro issues na
kayong dalawa, I might as well matapos na kayo kaysa naman masira ang
friendship n’yo or ilang years na pinagsamahan ninyo,” says Charee
Pineda explaining why she was always the one who ends a relationship.


Hindi naiwasan ni Charee Pineda na aminin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi na matutuloy ang kanyang kasal sa kanyang non-showbiz fiancé.

Habang ini-interview siya ng PEP at iba pang media noong Sabado, August 17, sa Davao City, napansin namin na wala siyang suot na engagement ring.

Matatandaan na nabalita dito sa PEP ang “in flight” marriage proposal kay Charee ng kanyang non-showbiz boyfriend noong nakaraang taon.

(Read: Charee Pineda gets "in-flight" marriage proposal)

Sa kasamaang-palad, hindi ito nauwi sa kasalan dahil, ayon kay Charee, “It didn’t work out, e.”

Dagdag pa ng 22-year-old actress-politician, “Hindi naman talaga ako takot magpakasal.

“Mom ko nga, nagpakasal ng eighteen, pero hanggang ngayon, sila pa rin naman.

“Siguro, kung hindi pa kayo right for each other.”

Ayon kay Charee, na sanay sa matagalang relasyon, walang kinalaman ang kanyang pagiging artista o pagiging Valenzuela councilor sa kanilang paghihiwalay.

Nang tanungin kung bakit hindi sila nagtagal ng dating kasintahan, sagot ni Charee, “Siguro kasi, ako, feeling ko kaya umaabot ng three years [sa relasyon], kasi sobrang lahat iniintindi ko.

“Attached naman ako sa reality, pero kapag feeling ko na sobra na, feeling ko na hindi na katulad ng dati yung kilig ko, hindi ko na itinutuloy.

“Parang may love pa rin naman, pero kapag feeling ko wala nang pupuntahan or puro issues na kayong dalawa, I might as well matapos na
kayo kaysa naman masira ang friendship n’yo or ilang years na
pinagsamahan ninyo.”

FOCUS ON NEW SOAP. Sa ngayon, pagtutuunan na lamang daw ng pansin ni Charee ang kanyang bagong soap opera sa kanyang bagong home network, ang GMA-7.

Masaya si Charee dahil sa unang pagkakataon, kontrabida role naman ang kanyang gagampanan sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

Mula sa mabait na karakter na kanyang ginampanan sa dalawang seasons ng Angelito sa ABS-CBN, itinuturing ni Charee na pagsubok ang pagiging kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “For me, yung kontrabida, challenging talaga.

“Kasi sa previous roles ko, kahit papaano may similarity sa personality ko, e.

“Ito kasi, simula pagkabata ng character, masama na talaga.

“Pagdating sa pagtanda niya, mas masama pa. Kaya pagdating sa akin, talagang good luck talaga."

Bilang paghahanda, ani Charee, “Nanoood na ako ng iba’t ibang shows para sa kontrabida roles.

“Mahirap kasi na parang may pinagpapa-pattern ng gagawin mo kasi parang may limit yung character.

“Nanonood lang ako ng iba’t ibang artista na may kontrabida roles para at least makakuha ng style sa kanila.

“Pero wala akong pina-pattern.”

Makakasama ni Charee sa Akin Pa Rin Ang Bukas sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Solenn Heusaff, at Cesar Montano.

Nang tanungin kung kumusta siya sa mga kasamahang artista, sinabi ng bagong Kapuso talent, “Okay naman, warm naman ang welcome sa akin.”

PUBLIC SERVANT. Bagamat magiging abala si Charee sa kanyang bagong teleserye, tiniyak naman niya sa management na magiging libre siya tuwing Lunes para sa kanyang trabaho bilang konsehal sa Valenzuela.

Para kay Charee, hindi niya puwedeng pabayaan ang kanyang tungkulin bilang public servant.

Sa katunayan, nahirapan pa ang aktres nang papiliin sa pagitan ng showbiz at pulitika.

Aniya, “Parang mahirap ‘yan. Sa politics kasi parang iba yung feeling.

“Sa politics, nae-enjoy ko talaga.

“Sabi ko nga noong nag-house-to-house kami, napasok namin lahat ng outskirts, na-enjoy ko talaga.

“Kung saan-saan kami kumakain, parang iba yung feeling.

“Ewan ko, gusto ko lang talaga ng other world, may iba akong ginagawa bukod sa pag-aartista.

“Nagkataon na itong politics, sobrang na-enjoy ko na parang normal ka lang, hindi ka tini-treat na parang special.”

Kung sakali, tatakbo rin kaya si Charee sa mas mataas na posisyon sa pulitika sa mga susunod na eleksyon?

“Kung may offer ba, bakit hindi?

“Una, in-offer-an akong mag-SK.

“Noong nag-SK na, parang naging tuluy-tuloy na kasi nakilala mo na yung mga tao,” nakangiting sagot ni Charee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN