KC Concepcion admits worrying about future in ABS-CBN after Sharon Cuneta’s transfer

Inamin ni KC Concepcion na nakaramdam siya ng pag-aalala noon tungkol sa magiging kapalaran niya sa ABS-CBN pagkatapos lumipat ng ibang network ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at mag-break sila ng aktor na si Piolo Pascual.


Nag-iwan ng malaking marka kay KC Concepcion ang kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala.
Pahayag ng actress-TV host sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference para sa kanila ni Judy Ann Santos last week, malaking bagay sa career niya ang mapasama sa ganitong proyekto.
Saad niya, “They have really accepted me, na tinanggap ninyo ako bilang isang bida-kontrabida.
"Never, never thought na maa-accept ko yung ganitong role at magagampanan ko yung ganitong klaseng role.
“Siyempre, pag-uwi ko dito [sa Pilipinas] pa-tweetums-tweetums lang ako.
"I never really thought that I would last so long, considering na estudyante lang ako.
“I just wanted to do hosting, I just wanted to do commercials.
"Now, as an actress, I feel so thankful.
"I’ve learned from the best... I’m still learning from the best, the Queen of Teleserye, my big sis, siya yung parang naging mentor ko," pagtukoy niya kay Judy Ann.
Dagdag ni KC, “It’s a nice feeling talaga.”

NEW BEGINNINGS. Sinabi ni KC sa presscon proper na marami ang nagduda na magagampanan niya ang bida-kontrabida role sa teleserye na pinagsasamahan nila nina Judy Ann at Sam Milby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Aminado rin ang aktres na nagdalawang-isip siya sa kanyang kakayahan. Pero habang tumatagal daw ang partisipasyon niya sa serye at nakikita niya ang suporta sa kanya ng mga kasamahan, nakaramdam daw siya ng pagmamalaki sa sariling abilidad.
Pahayag pa ng panganay na anak ni Sharon Cuneta, “I could say na minahal ko yung acting, yung craft.
"Minahal ko yung mga taong nakikita ko at nakakatrabaho ko. Napakagandang feeling talaga.”
Nanghihinayang ba siya dahil kung kailan siya nakikilala bilang isang mahusay na aktres ay saka naman magtatapos ang kanilang teleserye?
Sagot ni KC, “Hindi po. Marami pa naman pong role na puwedeng gampanan at maraming puwedeng mangyari dito sa industriyang ito na maaari kong i-take on.
“So, this is a launching pad pa lang para sa akin. New beginnings na hinihintay ko talaga.”
MOM’S PRAISE AND ADVICE. Ano ang sabi ng kanyang ina sa ipinapamalas niyang acting sa Huwag Ka Lang Mawawala?
Saad ni KC, “Yun pong tinu-tweet po niya? Mga tinu-tweet po niya, sobrang sarap po yung mga sinasabi niya.
"Kasi po mapili po yun, e, sa mga ganung comments. Mapili po si Mama talaga.
“So for her to finally say something na nakaka-uplift, nakaka-encourage bilang as a Megastar in this industry, but more as my mother, ang laking encouragement po sa akin.”
Magiging standard niya na ba ang pagganap bilang bida-kontrabida sa Huwag Ka Lang Mawawala sa mga susunod niyang projects?
Sagot ni KC, “Maybe, it’s a nice reminder na puwede palang unpredictable yung mga roles na gagampanan ng isang artista.
“And that’s somebody like me, na walang kaalam-alam sa acting sa TV at sa movies, in a span of five years, kahit paano I grew and learned as an actress.”
Saan ba siya kumukuha ng motivation sa kanyang pagganap?
“May advice pong ibinigay sa akin ang Mommy ko when in doubt... and yun ang ginawa ko.
"Lagi kong naririnig when she says that, aralin yung craft, yung tingin ko, yung emosyon ko. Gusto ko maramdaman ko.
“In the future, kung gagawa pa ako ng role na matapang din, sana matanggap din ng tao yun in the same way na tinanggap nila si Alexis [her character in Huwag Ka Lang Mawawala].
"Dahil natanggap nila si Alexis, magbabago yung tingin nila sa akin bilang isang aktres.”
NICHE IN ACTING. Sa serye bang ito natagpuan ni KC ang kanyang niche at hindi na masasabing malayo siya sa husay ng mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?
Tugon niya, “Siguro po, opo.
"Maganda rin yung pakiramdam na babaliin mo yung rules.
"You know the rules, learn the rules, and then you bend the rules.
“So, it’s worth it. It was really worth it.
"This experience for me has been a turning point. Like, changing po sa akin si Alexis.”
Yung pagiging bida-kontrabida ba talaga ang isa sa mga career plan niya? Na medyo malayo sa itinahak na career ng inang si Sharon, na hindi kailanman naging kontrabida sa mga proyekto nito?
Nakangiting sabi ni KC, “Siguro po, nasa personality na po yun. Nasa personality na rin po siguro namin yun.
"Like I said, di ba, parang siguro siya… iba yung personality namin.
“Naturally, yung mga projects na kinukuha namin, siguro iba rin. I mean, in hosting, maihahambing mo pa kami and my first few movies.
“Pero wala, e. Siguro kasi iba yun kung saan ako lumaki.
"Ipinadala niya ako sa Europa, sa international school. Kahit paano mas daring o open ako sa mga mas fierce o mas matapang na role.
“And at the same time, iba na rin naman ang panahon. Nagsasawa na rin ang mga tao sa paulit-ulit na roles siguro.”
Nao-overwhelm ba si KC na maraming pumupuri sa pag-arte niya ngayon, na hindi niya natatanggap dati?
“Opo, nao-overwhelm po ako sa tuwing titingnan ko po yung Twitter, nag-e-expect na po ako ng bashers.
"Pero kasi, parang yung feeling na alam mo naman na meron at merong magku-comment tungkol sa kung anuman, hitsura mo, acting mo...
"Maliit na bagay palalakihin talaga nila for the sake na manggulo or may ibang agenda, may nag-utos or nagbayad sa kanila or kung ano.
“And for us, kahit paano tina-try mo na hindi mo tini-take personally yun.
“Pero there are times na mararamdaman mo na kaya ko nga ginagawa ito para sa tao, hindi para sa akin, kundi para na rin sa manonood.
“Sa mga bashers, sumusubaybay rin sila. So, maraming salamat sa mga ratings na [binigay] nila for us.”


DIFFERENT NETWORK. Hindi ba siya sinasabihan ng kanyang ina na masuwerte siya dahil nagagawa niyang mag-iba-iba ng image, kumpara sa Megastar na sa loob ng 35 years sa showbiz ay nananatiling wholesome ang imahe?
Ayon kay KC, “Parang wala naman siyang sinasabi sa akin. She’s comfortable naman there, e.
"Yung mommy ko naman, kahit paano lagi siyang nasa-comfort zone niya. And if it’s not broken, why fix it, di ba?
“She’s the Megastar because of what she’s done and how she’s done it.
“I don’t know, hindi ko alam kung ano ang plano sa kanya ng TV5, but hopefully kung anuman ang ibigay sa kanyang project, she seems to be happy with it, with her soap.
“And ako naman, nandito sa ABS at magkaibang network na kami ngayon.
"And iba yung style ng ibang network and iba rin ang style ng ABS rin.
“We’ll see, hopefully may mga plans rin sila for me after this. And let’s see what’s gonna happen.
“Nag-stop na ako sa pagpaplano. Nung na-interview ako sa The Buzz, sabi ko I stopped planning.
"Sinabi ko na lang kay Lord kung ano ang ibigay nila sa akin.”
EMOTIONS AS ACTING RESOURCE. Ipinagtapat ni KC na kaya siya naiyak sa presscon, hindi lang dahil may personal feelings siya na inilagay sa character niya sa serye kundi nag-flashback sa kanya ang mga pinagdaanan ng mga malalapit na tao sa buhay niya.
Sabi niya, “Nakita ko yung pinagdaanan ni Ate Juday, nakita ko yung pinagdaanan ng Mommy ko.
"Pero napaka-strong ni Ate Juday. Napaka-gracious.
"Kahit nasasaktan siya, titingnan at titingnan niya yung positive side. Kaya siguro siya blessed.
“Magagalit siya ng ten minutes tapos, ’O, sige, gawin na natin ito.’
“Yung sa akin naman, mga personal, mga bubog, mga hugot.”
Kasama ba rito ang naramdaman niyang takot noon kung saan tutungo ang kanyang career matapos ang unang seryeng pinagbidahan niya?
Saad ni KC, “Honestly, when my mom moved to a different network and then nangyari pa yung breakup namin [ni Piolo Pascual], yun ang pinaka-height ng takot ko.
"Binibigyan ba nila ako ng project dahil sa mga kakilala ko? Or dahil lang sa Mommy ko or dahil lang sa gano’n?
“Ang ganda lang ng feeling dahil they trusted me pa rin kahit paano.
"Everthing that I do from ASAP, from my... to any project that I do sa network na ito, parang nakikita ko naman may fruits rin pala yung labor mo pag sincere ka sa craft mo at sa mga taong katrabaho mo.
“Natakot po talaga ako noon na baka mapabayaan ako.
"’Saka mas konti yung time ko. Kasi, I’ve been only here for five years kumpara sa ibang tao.
"Mas maraming time yung mga artista na mag-build ng relationship, makilala yung mga taong nakapaligid dito sa network.
“So, parang akala ko wala akong kakampi, akala ko nung mga time na yun iki-kick out na nila ako dito.
“Pero I’m glad kahit paano they’re continuing to keep me busy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN