Jake Vargas has moved on from breakup with Bea Binene

“Yung one year and five months na yun, kinalimutan ko na. Wala na talaga sa akin,” sabi ni Jake Vargas tungkol sa pagmu-move on niya sa naging hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Bea Binene.


Naka-move on na raw si Jake Vargas sa naging breakup nila ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Binene.
“Okey na po ako. Masaya na ako ngayon.
"Nakapag-move on na po kasi busy po ako sa trabaho ko. Siyempre, puro trabaho ang ginagawa ko,” sabi ni Jake sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, August 18.
Hindi ba mahirap yung proseso ng pagmu-move on gayong madalas pa rin silang nagkikita ni Bea sa ilang shows kung saan sila kabilang, gaya ng Pepito Manaloto at Sunday All Stars?
Sagot ni Jake, “Opo, nagkikita po kami.
"Pero kung ano yung nakaraan, wala na yun.
"Yung mga hindi dapat gawin, gawin mong mabuti para sa ikagaganda ng lahat.”
Nag-uusap pa ba sila ni Bea?
“Opo, nagbabatian kami. Hi-hello po.”
Bakit madali siyang nakapag-move on samantalang tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang mag-break sila?
Sabi ni Jake, “Kasi kahit paano nandiyan ang family ko para suportahan ako. Nandiyan si Lord.
"So, nandiyan din yung mga barkada kong mga lalaki.
“So, nalilibang ako sa mga ginagawa ko ngayon.”
Wala na ba talagang possibility ng reconciliation?
“Sa akin, wala na,” mabilis niyang sagot.
Ano ba yung na-realize niya sa naging relasyon nila ni Bea?
“Na-realize ko na mas… kasi bata pa kami masyado. So, mas okey na yung gano’n na hiwalay muna.
“So, masaya ako ngayon. I’m happy.”
Hindi ba siya nanghihinayang sa higit isang taon nilang relasyon?
“Kung iisipin mo, siyempre, nakakapanghinayang din. Pero okey na sa akin.
“Yung one year and five months na yun, kinalimutan ko na. Wala na talaga sa akin.”
May balitang kasa-kasama pa rin ni Jake ang mga babaeng naging dahilan ng away nila ni Bea at kaya sila nag-break. Totoo ba ito?
“Like tulad po nino?” balik-tanong niya.
Ilan sa mga ito ay ilang ABS-CBN 2 talents na nakikita raw kasama ni Jake sa Instagram photos niya.
Sabi ng young actor, “Wala po akong… ang mga kasama ko puro barkada, puro mga lalaki.
“Sino ba ’yan? Siguro matagal na po ’yang mga pictures na ’yan.”
Sa ngayon ba ay pahinga muna siya sa lovelife? O handa na siya uling pumasok sa isang relasyon?
Sagot ni Jake, “Depende kung may pumasok sa pintuan at kakatok na lang…
“Ready naman po ako. Ready naman po ako anytime.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN