Kevin Santos does not mind being typecast in gay roles

Dahil sa kanyang convincing portrayal bilang Danny sa My Husband’s Lover ay napagkakamalang bading sa tunay na buhay si Kevin Santos. Wala naman daw itong problema ayon sa Kapuso actor. Sabi niya, “Ay, hindi! Hindi po ako nao-offend. Kasi, ibig sabihin nun ay talagang effective ang ginagawa kong performance. So, natutuwa ako pag naano nila yun, naa-apperciate.”


Itinuturing ni Kevin Santos na malaking blessing sa kanyang career ang pagkakasali sa toprating primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Naniniwala rin ang Kapuso actor na ito ang biggest break niya sa showbiz so far.

“Sobra, sobrang malaking blessing ito… kasi ni-review po nila yung mga gay roles na ginawa ko, e, kaya ako napasali rito.

"Kumbaga, parang eto kasi yung biggest break ko, e.

“So, yun nga, hindi lang ito yung first time na gay role ko, pero parang yung role ko dito, eto yung napansin talaga ako.

"Ito yung binigyan talaga ako ng magandang istorya, binigyan ako ng magandang script. Kaya sobrang natutuwa ako.

“So ginrab [grabbed] ko yung opportunity, ginalingan ko.

"At the same time, di ko siya pinabayaan. Tinaas ko pa yung pagpo-portray ko sa aking character.

"Iyon yung itinuturo sa amin ni Direk [Dominic Zapata], e, na huwag naming ila-lie low yung character namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kevin sa birthday party ng dating PMPC president na si Roldan Castro last week.

UNEXPECTED. Aminado ang 25-year-old actor na hindi nila inaasahan na magiging ganito kalakas ang pagtanggap ng manonood sa drama series nilang ito.

Sabi ni Kevin. “Noong simula, naano kami, e, parang kinakabahan kami.

"Kasi baka mamaya di tangkilikin o maraming magalit or maraming maging parang hadlang sa show na ‘to.

“Kasi ang pinag-uusapan dito, ibang ano, e, yung relasyong hindi normal, di ba?

"So, iba ang pinakikialaman nitong show na ito… medyo sensitive yung tema.”

Ano ang naramdaman niya nang naging matindi ang pagtanggap ng mga manonood sa My Husband’s Lover?

“Noong nagsimula na naming gawin yung show, nabasa namin yung script… ang ganda ng pagkakasulat so natuwa kami, pero nandoon nga iyong kaba.

“At noong nag-start na yung show, ay, grabe! Laging hindi siya nababakante sa Twitter, lagi siyang number one, lagi siyang number one worldwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, natutuwa kami, nagte-trending siya. Ang gaganda ng write-ups sa amin, kaya natuwa kami nang sobra.

"Hindi ko ini-expect, hindi ko alam na ganoon talaga siya kalakas,” masayang pahayag ng StarStruck alumnus.

Ganoon ba talaga yung original na role niya rito at hindi dinagdagan lang para mas makargahan pa ng exciting plot at mga eksena?

“Hindi e, hindi.

"Ang maganda kasi sa My Husbands Lover, hindi talaga nila in-expose lahat ng characters.

"I mean, lahat naka-program na doon, lahat pasok na kung sino ka doon.

“So, wala talagang biglang ipinasok, para mapaganda yung show. Naka-ready na talaga lahat, naka-program na siya.”

THE EFFECT. Sinabi rin ni Kevin sa PEP kung ano ang epekto sa kanya ng pagiging big hit ng My Husband’s Lover.

“Sobrang nakatulong po sa akin ang teleseryeng ito, kasi parang sa dinami-rami… sa ilang beses kong ginagawa yung gay roles, mas eto yung seryoso, mas pinrocess [processed], at mas pinag-aralan namin.

“Hindi lang siya yung basta gay na ano… and yung mga lines ko doon, parang tumatak talaga.

"Kaya natutuwa ako, parang siya yung naging trademark ko na rin, e.

"’Danny’ na nga ang tawag sa akin basta nasa labas ako, e,” nakangiting saad niya.

Danny ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Kevin sa teleserye.

GAY ROLE. May pagkakataon ba na pinagdududahan na rin ng mga tao ang pagiging tunay niyang lalaki?

“Oo!" bulalas niya.

"Kunwari naglalakad ako sa mall, hindi na Kevin ang tawag nila sa akin, Danny na!

“Tapos kapag lalapit sila, magpapa-picture sila sa akin, sinasabi nila, tinatanong nila ako, ‘Bakla ka ba?’

"Automatic iyan! Hindi puwedeng hindi ako tanungin ng mga tao.

"So, sinasabi ko sa kanila na, ’Nakikita n’yo naman po sa lakad ko, di ba?’ Sinasabi ko, ‘Lalaki naman po ako.’

"Ganoon madalas, e.”

Hindi ba siya nao-offend kapag napagkakamalang bading?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi! Hindi po ako nao-offend,” mabilis na sagot ni Kevin.

“Kasi, ibig sabihin nun ay talagang effective ang ginagawa kong performance.

"So, natutuwa ako pag naano nila yun, naa-apperciate.”

Hindi ba siya natatakot na ma-typecast sa ganitong role?

Ayon kay Kevin, “Ako naman po, hindi naman, wala naman po akong kinatatakutan basta gusto ko lang po magtrabaho nang maayos.

"So, kung may gay role ulit, kung ma-typecast ako sa ganoon, why not?

“Basta mayroon po akong trabaho and at the same time, nakakapagpasaya po ako ng mga tao.”

LOVE TRIANGLE. Ano ang masasabi ni Kevin sa request ng ibang viewers na lagyan sila ni Keempee de Leon ng love triangle rin para hindi lang daw sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Carla Abellana ang may love triangle?

Aniya, “Actually, kasi ang nangyayari sa amin, sa mga roles kasi namin ay binibigyan kami ng background, hindi lang yung kapag support ka lang, support ka lang talaga…

“Ang maganda sa show na ‘to, lahat binibigyan ng background, binibigyan talaga ng istorya.

"Like ako, binibigyan ako ng istorya dito. Si Keempee rin ganoon din, binigyan din ng istorya.

“Sa iba naman, sa family naman ni Carla, sa family naman ng anak niya…

"So ’yon yun maganda, naka-program ang mga characters, may subplot talaga at andun talaga kayo sa istorya.”

Dagdag pa ni Kevin, “Bale, nakaikot yun doon at alam mo na sobrang pinag-isipan itong show na ‘to, na hindi lang siya yung common na story kasi.

“Ang My Husband Lover kasi, eto yung first time na nagkaroon ng ganitong story, e.”

BLOOMING CAREER. Nabanggit din ni Kevin na natutuwa siya sa takbo ng career niya ngayon dahil bukod sa malakas ang TV series nila sa GMA-7, mayroon din siyang katatapos lang na indie movie.

“Oo, natutuwa ako kasi parang after noong nag-air yung My Husband’s Lover, nakikita ko yung mga write-up sa akin, sobrang positive, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sobrang natutuwa po ako talaga, hindi ko ine-expect yun, e.

“So, aside from MHL, inaayos pa namin itong indie film na Basement. Ongoing siya, meaning inaayos pa namin kung kailan ang schedule ng showing.

“Actually tapos na siya, dina-dub na lang namin, inaano na lang namin yung schedule.

“Ang mga kasama namin mga teens stars—sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Betong, sino pa ba…? At marami pang iba, e, maraming pang big stars.

“Ang role ko dito, iba kay Danny, e. So kumbaga, parang truck driver na funny comedian, na ganoon, e, na medyo macho at the same time.

“Tapos, ang story niya parang survival na horror. Survival movie, so walang bida, walang kontrabida.

"Lahat ay kailangan lang mag-survive doon sa movie.”

Sa pelikula ba ay nakaganap na siya bilang bading?

“Hindi pa, hindi pa, hindi ko pa nata-try sa movie,” sagot niya.

Kung sakali bang may movie na gay ang role niya at may kissing scene sa kapwa lalaki, tatanggapin niya ito?

Tumawa muna si Kevin bago sumagot.

“Hindi ko pa po masasabi ‘yan, basta depende naman sa pagkakasulat noong istorya.

“Kung maganda yung istorya, why not? I mean, wala naman po akong pinipili, e.

"Pelikula po ‘yan, heto yung pinasok kong trabaho, so kasama ‘yan, e.”

Kung may darating ngang ganitong project, sinong aktor ang gusto niyang maging "lover"?

“Actor? Ako kasi sobrang kumportable kong katrabaho si Dennis Trillo.

"Kasi, hindi lang naman eto yung first time na pinagsamahan namin ni Dennis, e.

“At saka si Dennis, sobrang bait, ‘tsaka sobrang cooperative sa trabaho at magaling siyang aktor.”

Hindi ka naman kaya mailang kung may kissing scene kayo ni Dennis, parang barkada ba kayo?

“Oo, e, magkaibigan talaga kami.

“Hindi ko alam kung makakatulong na magkaibigan kami o maiilang ako. Basta titingnan na lang natin, bahala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta kapag mayroong eksenang kailangang-kailangan talaga ng kissing scene, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN